Naging mabilis ang mga sumunod na mga araw pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon. Para kay Drew, bagong taon…bagong simula muli ng mga pagsubok.
Kanina bago siya umalis ng bahay, di sinasadyang nabasa niya ang ginawang listahan ng nanay niya para sa mga gastusin.
Mula sa kuryente, tubig, pagkain, tuition fee, kasama pati ang lingguhang pagbili ng gatas ng bunso niyang kapatid at ng anak niya!
“Napakalaki ng gastos…” napabuntong hininga na lang si Drew. In a way natauhan siya na hindi biro ang gastusin ng isang pamilya. Na hindi biro ang gastusin sa pagpapalaki ng anak.
Ang baby pa ni Alby pero ang dami ng gastos. Paano pa kung mag-aral si Alby? Saan ko kukunin ang panggastos?
Kaya narealize niya na kailangan niya nang tumulong sa gastos simula ngayon!
Sa pagpasok niya muli sa school, maliban sa narinig niyang magandang balita na hindi na talaga siya mae-expel sa school, narinig din niya na may available booth pa para sa upcoming foundation week, kaya biglang naisip niya na magbenta ng mga produkto nilang atsara at tinapa spread.
“Ha? Di ba bawal magbenta ang individual student?” ang pagkakaalam ni Dion. “Unless part ka ng isang student organization…”
“Naku, dahil sa tinapa ka pa yata tuluyang mae-expel dude kapag sumuway ka!” hirit ni Arkin.
“Ganon? Nanay ko lang pwede?” nalungkot si Drew.
“Pero dude may alam akong raket! Baka gusto mo?” inalok ni Arkin si Drew na magpart-time carwash boy na malapit sa may Coffee Cat.
“Gusto ko yan!” naexcite si Drew, “pero kailangan ko magpaalam kay Nanay...”
Kaya nang pag-uwi sa bahay, agad nagpaalam si Drew kina Raquel at Gilbert.
“Baka naman mapabayaan mo ang pag-aaral mo?” concern ni Gilbert. “Baka oras na kumita ka, mawalan ka na ng gana mag-aral...”
“Oo nga anak, hayaan mo kaya pa naman namin.” sabi ni Raquel.
“Pero Nay, Tay payagan nyo na po ako. Time management lang po yan.” Pangako ni Drew na hindi niya pababayaan ang study niya. Na tuwing weekend lang siya magta-trabaho.
Kaya sa huli pumayag na din sina Raquel at Gilbert.
***
Weekend. Nagsimula agad si Drew sa pagkaka-carwash boy. Madali niyang natutunan ang lahat.
Halatang sa bawat kuskos ni Drew sa kotse ay inspirasyon niya ang anak niya. Pursigido talaga siya na makatulong.
“Para sa gatas...para sa ibang mga gastusin” bulong ni Drew sa sarili. Mina-mani lang ang trabaho. Parang professional carwashboy siya. Masaya siya sa ginagawa niya.
Hindi niya alam mula sa malayo, tanaw siya ni Camille kasama si Blessie. Hangang-hanga si Camille sa kanya.
“Uy ayoko lumapit, baka matalsikan ako ng tubig” arte ni Blessie.
Hanggang sa ilabas ni Blessie ang isang card. May nakasulat: To Someone Special... I hope you have a nice day!
“Alam mo feel ko siya talaga nagbigay nito sayo e.” Assume ni Blessie. Masama ang tingin kay Drew, “Hindi ba alam ni Drew na next month pa ang Valentine’s Day?”
“From Mr. Smiley ang nakasulat...hindi From Drew!” singhal ni Camille kay Blessie.
“Anukaba! Syempre hindi niya naman ilalagay totoong name nya kasi lagot siya sa Mommy mo!” dagdag ni Blessie, “Pero malay mo baka si Toffer? Sana nga siya na lang!” sabay kikiligin si Blessie.
“May nanloloko lang siguro sakin…baka nga ikaw naglagay nyan sa locker ko e?” ayaw umasa ni Camille.
“Of course not, ba’t ko naman gagawin yon? Talo-talo ganon?” singhal ni Blessie.
Pero sa isip ni Camille, bakit naman din gagawin ni Drew iyon? Mukhang busy kaya si Drew! Kung si Toffer naman, bakit kailangan pang may patago effect?
“Komprontahin mo na kasi yung dalawa para magkaalaman na! Unahin mo yan si Drew!” suggestion ni Blessie.
“Ha?” gulat si Camille. Nilinaw niya kay Blessie. Hindi niya pinuntahan si Drew para sa card. May gusto siyang ialok dito. Pero nagpasya siyang balikan na lang si Drew pag hindi na ito busy sa trabaho.
***
Nang matapos ni Drew ang trabaho, halos manlaki ang mga mata niya sa binigay na tip sa kanya ng may-ari ng kotse, “Limang daan po!?”
“Bilib kasi ako sayo, boy... ang linis mo gumawa!” compliment ng may-ari.
“Salamat po Sir!” sobrang grateful si Drew. Nakuha niya din mismo sa araw na iyon ang kauna-unahang sweldo niya. Feeling niya, magandang simula ito. Makakatulong na talaga siya sa gastusin.
Kaya nang pag-uwi niya, pinagpaalam niya kay Raquel na ipasyal ang anak niya sa mall. Hindi pa niya kasi nagagawa iyon kay Alby.
Father and son bonding sila. Isinakay ni Drew si Alby sa Kiddie Train na madalas umiikot sa loob ng mall.
Pagkatapos, binilhan niya din ng murang laruan sa Toy Store si Alby. Binilhan nya din si Yuri. Syempre, hindi niya nakalimutang bumili ng gatas!
At bago umuwi, dumaan sila sa simbahan. Ang dasal ni Drew, “Salamat po sa araw na ito…Binigyan niyo po ako ng madaming blessings...at pagkakataon na maging masaya kasama ng anak ko...Hindi ko po alam....puwede po pala ako magmahal ng ganito.”
Tanging hiling ni Drew, “Sana po... Hindi na matapos ‘tong saya namin ng anak ko.”
Walang kaalam-alam si Drew na anytime matatapos na ang kasiyahan niya kapiling ang anak sa pagbabalik ni Vanessa!
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)