Play-offs

6.8K 92 11
                                    

Parang isang paulit-ulit na pangit na kanta sa utak ni Drew ang mga huling salita ni Vanessa bago ito umalis matapos ang pagbisita sa bahay nila, “Drew... gusto ko nang makasama ang anak ko…kukunin ko na siya.”

Halos sumakit ang ulo ni Drew sa kaiisip.

Ganon na lang yun? Nung naisipan niyang iwan si Alby, iniwan niya...Ngayon, naisipan niyang balikan...binalikan lang niya ng ganon na lang.

Kanina pa siya sa labas ng bahay. Nagpapahangin.

Hanggang sa lapitan na siya ng mga nag-aalalang sina Raquel at Gilbert para kausapin.

“Pero kayo po Tay..Nay... Okay lang sa inyo na kunin ni Vanessa si Alby?”  tanong ni Drew.

Tinginan ang mag-asawa, “Kung kami lang masusunod, siyempre hindi. Mahal namin ng Tatay mo ang apo namin...” sagot ni Raquel.

Habang si Gilbert, “Pero anak sa batas wala tayong magagawa,” paliwanag nya. “Sa nanay binibigay ang karapatan sa pag-aalaga ng bata.”

“Pero Tay, iniwan niya na sakin si Alby!” pag-aalma ni Drew.



“Dati yon…dahil naguguluhan siya…pero nagbabalik siya para bumawi.  Kahit anong gawin natin, sa kanya papanig ang batas…dahil siya pa din ang nanay,” Diin ni Gilbert.

Nalungkot si Drew, “Nay di ba sabi niyo dati, huwag ko sukuan ang anak ko?”

“Hindi mo naman susukuan ang anak mo eh. Gagawin mo lang kung ano ang tama...kahit masakit,” paglilinaw ni Raquel.

Halos mapaluha na si Drew. Wala na ba talaga siyang magagawa?

“Anak...” sabay hawak ni Raquel sa balikat niya. “Sana hindi ka maging matigas kay Vanessa, lalo pa’t may tumor siya…hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa kanya sa magiging maselang operasyon niya. Huwag mo sanang ipagkait na makasama niya ang anak niya…”

Sa request na iyon ni Raquel, lalong nahirapan si Drew.  Magiging makasarili ba siya? O papayag na siyang makasama ni Vanessa ang anak niya?

***

Kinagabihan, mismong si Drew ang naghatid kay Alby sa tinutuluyang bahay nila Vanessa. 


Naisip niya ang punto ng mga magulang niya. Hindi dapat siya maging madamot. Dahil kahit anong gawin niya, ina pa din ni Alby si Vanessa.

“Mga bago na nga pala yung mga tsupon ni Alby... kakapalit lang ni Nanay kahapon.” Todo bilin si Drew.  “Atsaka tuwing alas-dos ng umaga nagigising yan... umiiyak... nagugutom.”

Tango lang si Vanessa, biglang mananakit ang ulo dahil sa byahe.

“Sigurado ka bang kaya mo na?” Hindi mapakali si Drew. In a way, duda siya sa gagawing pag-aalaga ni Vanessa sa anak niya.

“Huwag ka mag-alala... Salitan naman kami ni Nanay na magbabantay kay Alby...” sagot ni Vanessa. Tango na lang si Drew.

Bago umalis si Drew, hinalikan pa niya ang noo ni Alby, “Dito ka muna kay Mommy, ha? Magpakabait ka, anak... Huwag mo pahirapan si mommy, may sakit siya... Di dapat mapagod...”

Smile si Vanessa. Hindi nagbago si Drew, thoughtful pa din ito gaya ng dati, “Salamat Drew…Salamat sa lahat.”

Pero parang ang pinapasalamat ni Vanessa, yung buong panahon na pag-aalaga ni Drew kay Alby.

“Vanessa, babalik pa ako…” paglilinaw ni Drew.

Ang napagkasunduan nila ni Vanessa…habang nandito sa Pilipinas si Vanessa para sa operasyon…palitan sila ng araw sa pag-aalaga ni Drew.

Hindi pa desidido si Drew kung papayag siyang dalhin ni Vanessa ang anak nila sa Amerika.

May huli pang tingin si Drew sa anak...parang ayaw niyang umalis. Parang ayaw iwan ang anak.

Makakaramdam ng awa si Vanessa kay Drew. Feeling guilty na siya na naman ang dahilan sa complicated na situation ni Drew.

***


Halos hindi makatulog si Drew. First night na hindi niya kasama si Baby Alby. Hindi siya sanay.

Noon, ang pag-iyak ni Alby ang dahilan kung bakit siya napupuyat lagi. Ngayon, sa isip niya…kahit habang buhay na siya mapuyat wag lang malayo ang anak niya sa kanya.

Samantala si Vanessa, titig kay Alby. Abot tenga ang ngiti nya. Halatang sobra siyang nanabik sa pag-aalaga sa anak niya.

First time nya na makatabi ang anak after three long months.

Napadasal si Vanessa, “Bigyan niyo po sana ako ng pagkakataon na makasama ng mas matagal ang anak ko. Gusto ko siyang dalhin sa Amerika…para makabawi ako sa lahat. Lalo na kay Drew, para hindi na mahirapan ang pamilya niya…At para kahit pano, bumalik sa dati ang buhay niya...”

Ang hindi alam ni Vanessa, para kay Drew…si Baby Alby na ang buhay nito. At handa itong ipaglaban ang karapatan niya sa anak niya.

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon