Sa klase, may announcement ang Math Teacher nina Drew. “Class, magkakaroon tayo ng Math Quiz Bee next week….MATHalino Quiz Bee!”
Ang mananalo sa contest ang magiging representative ng Southeastern Hope sa Interschool competition.
“Ma’am si Camille na lang po panlaban ng section natin!” suggest agad ni Blessie. Confident na mananalo ang kaibigan.
Si Camille mahihiya, bubulungan ang kaibigan, “Blessie naman, hayaan mo si Ma’am ang mamili...”
Dagdag ng teacher, “Actually, by pair na ang labanan…maliban kay Camille...dapat may ka-partner siya para lumaban…”
Tinginan ang magkakaklase. Sino naman kaya sa kanila ang pwede?
“Si Drew na lang Ma’am!” suggest ni Arkin.
“Oo nga no!” gatong ni Dion “Sobrang galing po ni Drew sa Math!”
Taasan ang kilay ng iba. Nagbibiro ba sina Arkin?
“Bakit nga ba hindi?” naisip ng teacher na matataas ang grades ni Drew sa math subject.
Kaya agad inalok ng teacher si Drew, “Mr. Medina gusto mo bang sumali?”
Gulat ang lahat. Pati si Drew, hindi agad nakasagot sa teacher.
Sa isip niya…
Seryoso ba talaga si Maam? Mataas ang grades ko dahil nagsisikap ako…pero hindi ako genius gaya ni Camille! Baka matalo lang kami dahil sakin.Naisip niya din na baka hindi siya makafocus sa pagreview dahil sa kaiisip niya sa anak niya. Wala pa nga siyang maayos na plano pano niya mababawi si Alby kay Vanessa!
***Sa Canteen, kinulit lang lalo si Drew ng mga kaibigan niya.
“Sali ka na kasi, Drew!” dala ni Arkin ang application form.Napatingin si Drew sa form. Halos sinagutan na ni Arkin ang form. Signature nya na lang ang kulang.
Biglang dating si Blessie kasama si Camille, “Hay naku, wag nyo nga syang pilitin kung ayaw…baka nga kasi mahirapan lang siya.”“E di tutulungan namin siya mag –review!”
“Ikaw talaga ang nakaisip na tumulong sa Math, ha Arkin?” pambabara ni Blessie. “Isipin nyo, oo nga tumaas ang grades ni Drew pero Math genius ba siya? As if naman kakayanin niya ang mga tanong sa Quiz Bee…baka si Camille lang ang sumagot ng lahat no!”
“Blessie!” saway agad ni Camille. “Di mo dapat sabihin yan…’
Kitang timpi lang sina Arkin at Dion sa pagiging mean ni Blessie.Si Drew, tahimik lang din.
Pero si Blessie ayaw paawat sa pagkuda, “E totoo naman kaya, saka di ba ang magiging champions, lalaban sa interschool competition. Dapat ang representative ng school natin ay may Good Moral Character… baka kasi ano isipin ng ibang school pag nakilala si Dr---!”
Sabay siko ni Camille si Blessie, “Uy tama na nga, sobra ka na…”
Todo apology si Camille sa asal ni Blessie.“Oo nga, yang dila mo ha…” pigil pa din si Arkin, ayaw patulan si Blessie.
Si Drew in a way parang nainsulto.
Kaya naman tinignan ng diretso si Blessie. And then he says, “Sasali ako…”
Gulat sina Arkin at Dion, “Seryoso ka, Dude?”
“Oo, lalaban ako…magiging partner ako ni Camille.” Smile si Drew kay Camille.
“Bakit biglang naisipan mong sumali? Dahil ba sa mga sinabi sayo ni Blessie?” curious si Camille.
“Hindi…Para kay Alby…gusto kong manalo para maipakita ko kay Alby yung trophy ko!” sagot ni Drew.
Paliwanag pa niya, kung matuloy man o hindi ang pag-alis ni Alby, “Gusto ko may maipagyayabang ako sa kanya…na naging champion ako sa quiz bee…Para paglaki niya, tumulad siya sa Daddy niya…pogi na, matalino pa!”Natawa na lang si Camille.
Tuloy lang si Drew, “Kaya kelangan gawin natin ang best natin, Camille ha!”
“Oo ba! Maasahan mo ko dyan!” Si Camille, in a way humanga sa perfect motivation ni Drew. Ang anak nito!
Kaya tuwa si Arkin, “O pirmahan mo na to, baka magbago pa isip mo!”
Pinirmahan nga ni Drew ang form. Palakpakan sina Dion at Arkin.Shocked lang si Blessie. Seryoso na ba to?
“O bukas na bukas magreview na tayo agad ha!” hamon ni Camille kay Drew.
“Sige ba!” game na game si Drew . Ready siya sa pagdadaanan nilang intensive review.
Alam niyang magiging mahirap. Pero para sa anak niya gagawin niya ang lahat.
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)