Mugto na ang mga mata ni Vanessa. Kahapon pa siya iyak nang iyak.
Ilang beses niyang pinag-isipan ang desisyon niya. Sa huli, pinili niya ang sa tingin niyang tama.
Ang panandaliang iwan ang anak niya kay Drew. Ang umalis na hindi nagpapaalam.
Ilang oras na lang bago ang flight niya. Nakapila siya para mag-check in.
Tahimik man sya sa paningin ng mga nakakakita sa kanya. Pero deep inside, sumisigaw siya…paulit-ulit sa paghingi ng kapatawaran.
“Patawarin mo ako anak…patawarin mo ko Drew…”
Hindi siya tinitigilan ng konsesya niya, nakita niya ang pagdaan ng isang manang na hinehele ang isang sanggol. Sa imagination ni Vanessa, siya ito at si Baby Albert.
Muli siyang mapapaiyak, hindi niya talaga gustong iwan ang anak niya.
Kung siya lang ang masusunod, gusto niyang nandon siya ngayon sa espesyal na okasyon ng baby niya – sa binyag. Kung siya lang ang masusunod, gusto niya isama ang anak niya sa Amerika.
Pero alam niyang hindi pwede mangyari ang mga gusto niya. Dahil hindi niya kayang isakripisyo ang lahat ng magandang plano ng nanay niya para sa kanya. Ang mga naghihintay na magagandang opportunities sa kanya.
Matapos makapag-check in, napatingin si Vanessa sa relo niya. Matagal-tagal pa bago ang flight niya. Naisipan niyang umakyat muna sa floor kung saan may mga restaurants at libreng Wi-Fi. Doon siya tatambay, baka sakaling may mabalitaan siya tungkol sa binyag ng anak niya.
***
Sa coffee shop kung saan nakatambay si Vanessa at nakiki-wifi, hindi niya nakita ang pagdaan ng isang kakilala – si Camille.
Nasa airport din si Camille para sunduin ang Daddy Armand niya galing Cebu. Nagko-compose siya ng text message.
Dad, andito lang po ako sa may Coffee Bean sa third floor.
Hindi pa siya tapos sa text message na kino-compose, biglang may lumapit kay Camille.
“Hi” bati sa kanya ng isang binatilyo. Mukhang kilala siya nito.
Taka si Camille. Sino siya? Para sa kanya ba yung hi? Napalingon pa siya sa akalang baka may ibang kausap to.
“Schoolmates tayo, di ba?” Sabi ng binatilyo sabay ngiti, kita ang dimples.
Nang titigan ni Camille ang binatilyo, naalala na niya kung sino ito at saan niya nakita. Sa gym ng school! Ito ang nakatama ng bola kay Blessie kaya natapon ang cookies. Ang binatilyong type ni Blessie para sa kanya.
“Ikaw yung sa basketball!” Sabi ni Camille.
Inabot ng binatilyo ang kamay niya. “I’m Toffer.”
“I’m Camille.”
Humingi uli ng pasensya si Toffer sa nangyari sa gym. Lalo na nang tinamaan niya si Blessie.
Naging magaan agad ang loob ni Camille kay Toffer. Hindi ito gaya ni Jeric na makulit at mahangin. Simple lang ito, mukhang mabait.
“Sino sinusundo mo?” curious si Toffer.
“Si Daddy…ikaw?”
“Daddy ko din…”
Tango na lang si Camille. Parehas sila ni Toffer na mukhang malapit sa Daddy kesa sa mommy.
Hanggang sa dumating ang Daddy ni Camille kasama ang isang bagong business partner– ang daddy ni Toffer!
“What a small world! Magkakilala na pala kayo…” natuwa si Armand na makitang magkasama ang dalawa.
Gulat sina Camille at Toffer. Magkakilala ang daddies nila?
“Opo dad…actually ngayon lang kami nagkakilala.” paliwanag ni Camille.
“Good. Tamang-tama na nagkakilala na kayo…dahil sa paglaki nyo, kayo din naman ang hahawak ng business natin. Kaya dapat hindi lang kayo magkakilala…kailangan maging magka-close din dapat kayo…”
Napailing si Toffer. Para sa kanya, may ibang pakahulugan ang daddy niya. Nahiya tuloy siya kay Camille. Ganon din si Camille.
Nang mapatingin si Camille sa Coffee Shop sa tabi, saka niya nakita ang mag-isang si Vanessa. Taka siya.
Anong ginagawa ni Vanessa dito? Saan siya pupunta? Hindi ba ngayon ang binyag ng anak niya? At bakit hindi niya kasama ang anak niya?
Walang kaalam-alam si Camille sa gulong naiwan ni Vanessa sa binyag. Nakatingin lang si Camille kay Vanessa, puno ng pagtataka.
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)