Negative

2.8K 38 0
                                    

Kinausap nina Gilbert at Raquel sina Vanessa at Helen tungkol sa suggestion ni Drew na DNA test. Naroon din si Drew, kapit na kapit kay Alby.

“Para Lang mapatunayan? Magsasayang Lang kayo ng pera,” disagree si Helen. “Di ba inamin na nga ng anak ko lahat.”

 Para kay Helen, papahirapan lang nilang lahat ang mga sarili nila.

“Kung yun lang ang tanging paraan para makasigurado kami na hindi kayo gumagawa ng kwento!” bulyaw ni Raquel.  Gaya ni Drew, handa siyang ipaglaban si Alby.

“Paano kung nagsasabi kami ng totoo?” paninigurado ni Helen. “Makukuha na ba namin si Alby?”

Hindi nakasagot sina Gilbert at Raquel.

“Opo.” si Drew ang sumagot. Ang kondisyon pa niya, “Pero kapag positive ang resulta, samin si Alby at hindi nyo na sya pwede kunin samin kahit kelan!”

Gulat ang parents ni Drew sa kondisyon nito. Hindi nila ito napag-usapan.

Sina Vanessa at Helen, nagkapag-asa. Dumating na ang sagot sa dasal nila para mabawi si Alby.

Kaya ang desisyon ni Vanessa, “Sige, Drew.  Yun ba ang gusto mo? Payag ako!” 

Biglang kinabahan sina Gilbert at Raquel. Paano na kung totoong hindi anak ni Drew si Alby ?

Pero at the same time hanga sila sa lakas ng loob ng anak na sumugal para malaman ang katotohanan. Para ipaglaban si Alby.

Si Drew, walang bakas ng pagdududa. Punong puno pa din ng paniniwala na anak niya si Alby. Na nagsisinungaling lang si Vanessa !

***

Sa pagpasok ni Drew sa school kinumusta siya ni Camille na nabalitaan na ang tungkol sa DNA test.

“Ayun, maaayos na din. Nagpa-DNA test na kami nung weekend.” kwento ni Drew.

“Drew, hindi ka kinakabahan?”

Iling lang si Drew, confident “Bakit ako kakabahan? Alam ko naman yung lalabas sa resulta. Si Vanessa ang dapat kabahan. Ebidensya yun na nagsisinungaling sila!”

Biglang may tumawag ng pangalan niya. Drew!

Sa hitsura ni Drew, alam mong hindi niya gusto kung sino ang tumatawag sa kanya.


“Vanessa?” taka si Drew kung bakit nasa school nila si Vanessa.

Lapit si Vanessa sa kanya, “Drew... Mangangamusta lang ako...”  

Inis agad si Drew, “Ah...Gusto mo malaman kung nagpa-test na kami ni Alby?”  

Natahimik si Vanessa.

“Tapos na. Kukunin na lang ni Tatay yung resulta.” paalala pa ni Drew, “Kaya kung ako sayo, Vanessa, aminin mo na nagsisinungaling ka lang...Bago pa dumating yung DNA test... Para di ka na mapahiya.”

Saway si Camille kay Drew.

“Hindi ako nandito para makipagtalo tungkol diyan...”ayaw patulan ni Vanessa si Drew.

Sincere si Vanessa, “Drew, gusto ko lang magpasalamat….Salamat sa lahat.  Sa lahat ng pag-aalaga at pagmamahal ninyo sa anak ko. Buong buhay ko tatanawing utang na loob sa inyo yun ng pamilya mo.”

Si Drew, lalo lang maiinis kay Vanessa. Ang dating sa kanya, parang nang-aasar lang si Vanessa.

“Yun nga e... Mahal na mahal ko ang anak natin. Kung totoong nagpapasalamat ka Vanessa... Hindi ka gagawa ng kuwentong hindi naman totoo!” sabay talikod ni Drew.

Iniwan na lang si Vanessa. Sunod lang si Camille kay Drew.

***

Samantala sa hospital, inabot na kay Gilbert ang envelope ng test results.

Kabado. Dahan-dahan niyang tinignan ang resulta.

Halos mapalunok si Gilbert. Unti-unting nanlumo sa nabasa. Halos mapatulala.


At saka darating Si Raquel, “Ling? Kumusta, nakuha mo na ba ang resulta ng DNA?”

Hindi alam ni Gilbert paano sasabihin sa asawa.

Pero nababasa na ni Raquel ang reaction ni Gilbert. Napailing si Raquel. In denial. Namuo ang takot, teary-eyed na siya, “Anong lumabas sa resulta? Anak ni Drew si Alby, di ba? Nagsisinungaling lang si Vanessa.”

“Ling…” iling si Gilbert. Iisang salita lang naman ang kailangan niya sabihin pero nahihirapan pa siyang bigkasin ito.

“Ling, Hindi…”

“Ano? Hindi mo pa nakuha ang resulta?”

“Nakuha ko na.” sabay abot ni Gilbert ang papel kay Raquel, “Negative ang resulta ng paternity test. Hindi si Drew ang Tatay ni Alby.”

Saka lang bumagsak ang kanina pang pinipigilan na luha ni Raquel. Parang binagsakan ng langit.

Ang mag-asawa parehong hindi makapaniwala sa resulta ng DNA test. Mixed emotions. Betrayal. Galit.

Pero mangingibabaw ang awa para kay Drew. Paano nila sasabihin ito kay Drew? Paano ito matatanggap ng anak nila?

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon