Niyaya ni Arkin at Dion si Drew. “Basketball tayo!”
“Pass ako, dude,” sabi ni Drew. “Pupunta ako kay Mac.”
“Anong meron? Nagsosolo o,” biro ni Arkin.
“Papraktis kami para sa MAPE.” Sabay pakita ni Drew ng gitara. “Kapag natapos kami maaga, sunod kami sa laro.”
Naghiwalay na ang tatlo. Naglalakad na si Drew papunta sa bahay nina Camille. Natigilan siya nang Makita niyang naglalakad mag-isa si Vanessa. Naka uniform na pang Coffee Cat.
“Vanessa!” Ngiti ni Drew.
“Uy, Sir!” Biro ni Vanessa.
“Papasok ka na sa coffee cat?” Tanong ni Drew.
“Oo. Punta ka ulit ha!” Ngiti ni Vanessa. Sa isip ni Drew, niyaya niya ako? Date ba ito?
Lalakasan ni Drew ang loob, “Hatid na kita!”
Matatawa si Vanessa. “Anlapit lang o… Hatid mo pa ako? Saka bakit naman?”
“Wala lang, sasabayan lang kita.. para may kausap ka habang naglalakad.”
Tatango si Vanessa. Sabay na silang maglalakad. “Bakit ka nga pala nagtatrabaho sa Coffee Cat?” Tanong ni Drew. “Hindi ba mayaman kayo?”
Muling hahagikhik si Vanessa. “Ang cute mo talaga!” Lalong nabuhayan ng loob si Drew. Cute ako? “Tita ko ang mayari ng Coffee Cat,” sabi ni Vanessa. Ah, kaya pala! “Bored lang ako kaya nagba-barista ako. Masaya kaya!”
Biglang tutunog ang cellphone ni Vanessa. Nakita ni Drew – naka iphone si Vanessa. Mayamang nga sila. She checks the message. Hawak ng dalawang kamay, magrereply si Vanessa.
Bigla na lang –may humablot ng phone ni Vanessa. Isang teenager na mukhang dugyot. Nakikipag-agawan si Vanessa. Si Drew, mabilis na kumilos. Pinalo niya ng gitara ang ulo ng teenager na gusto mag snatch ng iphone ni Vanessa.
Pero may kasama pala ang snatcher. May hawak na kutsilyo.
Hinawakan ni Vanessa ang kamay ni Drew. “Tara na, Drew,”
Magkahawak-kamay si Drew at Vanessa na tumakbo palayo sa mga gustong magnakaw sa kanila.
Nakarating sila sa loob ng Coffee Cat, hingal na hingal ang dalawa. “Salamat, Drew ha,” Sabi ni Vanessa. She holds the phone closely to her chest. “Padala pa naman to ng Mommy ko galing US.”
“Sa susunod, wag ka na lang magtetext kung nasa kalye ka,” pangaral ni Drew kay Vanessa.
Muling hahagikhik si Vanessa. “Kung makapangaral ka, parang mas matanda ka sa akin. Ate mo ako ah!”
“Ilang taon ka na ba?” Tanong ni Drew.
“Eighteen.”
Magbibilang si Drew ng daliri. “Limang taon lang naman tanda mo sa akin… Sa Linggo, magiging apat na lang. Birthday ko nga pala… Punta ka ha?”
“Titingnan ko…”
Mapapansin ni Vanessa ang luray-luray na gitara ni Drew, “Drew, sorry… nasira ‘yung gitara mo dahil sa akin. Papalitan ko na lang.”
Matitigilan si Drew, sa isipan ni Drew, oo mahal ang bili niya sa gitara niya at nanghihinayang rin siya.
“Huwag na, hindi na kailangan, ikaw naman ang dahilan kung bakit nasira ito eh,” hirit ni Drew.
“Bilang pasasalamat, lika, libre kita. Anong gusto mo?”
Hinawakan ni Vanessa si Drew papasok sa coffee shop. Tuluyan na nakalimutan ni Drew na naghihintay sa kanya si Camille.
***
Kinaumagahan sa unang klase, nakasimangot si Camille sa upuan niya. Heto na si Drew papasok ng room. Agad niyang tinabihan si Camille, parang walang nangyari. “Uyy, galit ka pa rin ba? Sorry na.”
Dedma lang si Camille, hindi pinapakitang nagtatampo siya.
“Uyy, kausapin mo na ako, babawi ako sa’yo.”
“Bakit kasi hindi ka nakapunta sa bahay?” Tanong ni Camille.
“Papunta na talaga ako sa inyo… tanong mo man kena Arkin. Kaya lang, nakasalubong ko si Vanessa…”
“Ayun.. ayun naman pala. Puro ka na lang Vanessa!” Inis na si Camille.
“Nagseselos ka ba kay Vanessa?”
“Ewwww, yuck ka! Ako, magseselos? Kadiri,” kung ano-anong pagdepensa ang ginawa ni Camille.
“Sobra naman ang reaksyon mo, Mac,” sabi ni Drew. “Oo, alam ko na, di mo kailangan ipagdidiinan… Hindi mo ako gusto, at hindi ka magakagusto sa akin… Mabuti pa si Vanessa….”
“Eh di doon ka na kay Vanessa!!!”
Sa sobrang selos ni Camille, at ayaw niya ipahalata kay Drew, tumayo si Camille at lumipat ng ibang mauupuan.
...
Uwian na, madilim ang langit parang nagbabadyang uulan.
Si Drew nasa labas naman ng Students Supreme Council, dinudungaw-dungaw sa pintuan si Camille na nasa meeting.
Kukunin niya cellphone niya at ite-text si Camille.
D2 me labas, w8 kita. Sabay tayo uwi. Ulan na.
Pagkabasa ni Camille, tingin siya sa may pintuan, nandun nga si Drew. Sa loob ni Camille, gusto niya kiligin pero iba ang sinasabi niya sa text message niya. “Uwi ka na! Ayaw kitang kasabay!”
“Galit ka pb? Bati n tau. Joke lng un knina.”
Sinend nI Drew ang reply kay Camille. Bigla namang bumagsak ang malakas na ulan. Makikita ni Drew si Vanessa na nagmamadaling tumatakbo basang-basa sa ulan, walang payong. Si Vanessa ‘yun ah?
Ilalabas ni Drew ang kanyang payong at susugod sa ulan, agad na pinayungan si Vanessa.
Magugulat si Vanessa.
Si Camille naman, magrereply na sana ng “Sige na nga… sabay na tayo uwi… “ pero nang tumingin siya sa pinto – wala na si Drew. Nasaan na yun?
Sumilip si Camille at nakita niya – si Drew at si Vanessa, magkasukob sa iisang payong. Buburahin ni Camille ang nacompose na text message at babaguhin. “AYOKO! Umuwi ka na. Ayaw kitang kasabay!”
Pero mangiyak-ngiyak si Camille na nakatingin sa palayong si Drew at si Vanessa.
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)