"Shoot mo yan, Dude! Focus lang." sigaw ni Mac kay Drew.
Magkakampi ang dalawa sa isang liga ng basketball game sa plaza. Nasa last quarter na ang laro. Free throw ni Drew. Halatang pressured siya. Two points kasi ang lamang ng kalaban. Ten seconds remaining. Lahat ng members of his team, umaasa sa kanya. Lalo na si Mac.
Kailangan ko tong ma-shoot. Para sa team. Para kay Girlie!
Tanaw ni Drew ang crush na si Girlie. Nakaupo sa crowd area. Gusto nyang magpasikat dito.
Crush nya ito since elementary. Pero more than crush, ito ang puppy love nya. Humanga siya dahil sobrang bait. Sobrang ganda. Sobrang matalino. Ito ang kanyang ideal girlfriend. Ito ang gusto nyang maging first girlfriend. Kaso kilalang pakipot. Ayaw magpaligaw kahit kanino. Kesyo bata pa daw.
Bata pa ba ang 2nd year high school?
Kung magpaligaw naman si Girlie, may ibang problema si Drew. Torpe siya. Baka matameme lang siya.
"Pssst, dude! Ano ba i-shoot mo na!" sigaw ni Mac. Kanina pa pala nabigay kay Drew ng referee ang bola. Natauhan si Drew. Hindi na niya naisip na sinigawan siya ni Mac.
Si Mac. Camille ang totoong pangalan pero nasanay na silang tawagin Mac. Binaligtad ang first three letters ng pangalan. Paano, mukhang lalaki kung kumilos. Mas maangas pa sa kanya. Tropa niya si Mac mula noong mga bata pa sila. Kaya kahit na sigawan siya nito... hindi siya apektado. Lalaki din naman ang tingin ng mga tao kay Mac. Walang kaso.
Back to the game.
Drew dribbles the ball. Aims for the ring... Shoot! Palakpakan ang crowd. Si Girlie, napatayo pa. Todo palakpak.
Nakita ito ni Drew. Napangiti siya. Dagdag pogi points para sa kanya!
"Dude, focus lang!" saway sa kanya ni Mac. Hindi siya natutuwa sa paglingon ni Drew kay Girlie. Dapat focus. Baka matalo sila!
Kabado ang lahat.
Second free throw, muling nilakasan ni Drew ang loob.
Kapag na-shoot ko ito, tabla kami. May overtime. May chance na manalo. Kapag nagmintis ako, talo kami.
Binitawan ni Drew ang bola. Iikot-ikot sa ring ang bola.
Pigil hininga ang lahat. Lalo na si Drew. Do or Die.
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari.
Hindi pumasok ang bola. Pero si Drew, mabilis kumilos. Siya ang nakapag-rebound. At biglang nag lay-up. Kasabay ng pagtunong ng buzzer ang pagpasok ng bola sa ring. Panalo sila!
Tumakbo si Mac patungo kay Drew. Pati ang ibang ka-team. Group hug. Binuhat siya ng mga ito. Panalo sila! Ang final score: 46-45.
"Go Drew! Go Drew!"sigaw ng lahat ang pangalan nya.
Sa pagtingin ni Drew sa crowd, kinindatan siya ni Girlie. May pa-flying kiss pa sa kanya. Sinalo niya ito. Hindi siya makapaniwala.
Sign na ba yon na magiging sila?
Napangiti si Drew. Sabay taas ng fist. Yes!
Napansin ito ni Mac. Hinanap nya kung saan nakatingin si Drew. Kay Girlie!
Biglang siniko ni Mac sa sikmura ang may buhat kay Drew. Namilipit. Laglag si Drew.
"Buti nga sayo" bulong ni Mac.
***
Childhood best friends sina Mac at Drew. Partners in crime. Magkakampi sa kahit anong laban. Magkasangga sa kahit anong problema. Ganyan silang dalawa.
BINABASA MO ANG
BAGITO
أدب المراهقينBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)