Assist

12.6K 218 31
                                    

“Nanganak na si Vanessa, Camille.” Paliwanag ni Drew kay Camille kung bakit siya nawala.

Surprised si Camille sa nalaman. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon. O kelangan niya ba mag-react in the first place?

Tinitigan niya na lang ang baby ni Vanessa. Sobrang clueless na anak din ito ni Drew.

Naghintay lang sa may gilid si Jean. Halatang nakikinig sa usapan ng dalawa. Sa isip nito, “May iba pa palang nakakaalam?”

“Ang cute naman ng baby ni Vanessa.” ang naging reaksyon na lang ni Camille para hind maging awkward uli sila ni Drew.

Tango lang si Drew.  Deep inside, gustong-gusto niya nang sabihin kay Camille, “Anak namin yan ni Vanessa!”  Pero parang may force na pumipigil sa kanya magsalita.

Si Jean nainip na sa kahihintay kay Drew, “Uy ano na? Hanap ka ni Vanessa hindi ba?”



“Oo nga pala!” sabay excuse ni Drew, “Pasensya ka na, Camille. Kelangan kong…”



“Sige okay lang Drew, puntahan mo na siya.” Pilit ang ngiti ni Camille.

Kahit ilang beses niya sabihin sa sarili na tanggap niya na --- na si Vanessa ang pinili ni Drew. May kirot pa din para sa kanya. Pero alam niya sa sarili niya, masasanay din siya. 



***



 “Buti na lang pala Drew, iba yung nalaman nilang nabuntis sa school,” sabi ni Vanessa kay Drew noong binalikan siya ni Drew sa kuwarto. “Kasi gusto ko sana hindi na din nila malaman talaga ang tungkol satin…ang tungkol kay baby.”

Sabay sabat ni Jean, “Naku, yung isang girl na taga-school na kausap nyan ni Drew kanina…parang alam nya na din yata?”

“Hindi!…hindi pa alam lahat ni Camille.” Sagot ni Drew.

“Hindi pa? So may balak kang sabihin?” tanong ni Jean “Sandali, pano nya nalaman ang tungkol dyan kay Vanessa? Sinabi mo no?”

Nabanggit ni Drew na minsan nang nakita ni Camille si Vanessa dati. Ang sinabi niyang alam lang ni Camille ay single mother si Vanessa sa ibang lalaki. Pero hindi niya sinabi sa dalawa na nagsinungaling siya kay Camille…na pinalabas niyang mahal niya si Vanessa.

“Wag kang mag-alala Vanessa, kilala ko si Camille…hindi niya ugaling magkalat ng isyu.” sagot ni Drew sa duda ng dalawa na baka ikalat ni Camille ang nalaman nito.

“Mabuti naman. Alam mo kasi Drew, mas mabuting iilan lang talaga ang nakakaalam ng tugkol dito. Mas mapapanatag ako. At mas madali nating maaayos ang lahat…”



Dahil sa hiling uli ni Vanessa na wala ng iba pang makaalam ng sitwasyon nila, na-torn na naman si Drew… sasabihin niya pa rin ba kay Camille o hindi na? 

Pinili niya na lang uli na wag muna umamin kay Camille.

Hahanap na lang ako ng tamang timing  para aminin ang lahat sa kanya. Mabuting wag muna ngayon…



Sa ngayon para kay Drew, sapat na muna na kinakausap uli siya ni Camille…na kahit papaano ayos na uli sila.

***



Nang dumating ang mga magulang ni Drew. Kinumusta agad ng mga ito si Vanessa.

“Okay lang po ako. Salamat po sa inyo.” Sagot ni Vanessa.

Pero napansin ni Raquel ang pangamba sa mga mata ni Vanessa. Naalala niya tuloy ang minsan niyang naramdaman ng ipanganak si Drew.

“Wag kang mag-aalala Vanessa, kami na ang bahala sa mga gastusin. Hindi ka namin pababayaan. Pati ang anak mo.”

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon