Defense

31.2K 285 13
                                    

Nakatingin sina Drew, Arkin at Dion habang ina-awardan ang nanalong si Camille sa Spelling Bee. Nakangiti si Camille na tinatanggap ang trophy at medal. Pero nang magtama ang tingin nila ng mga kabarkada, sisimangutan niya sina Drew. Napansin ito ni Arkin.

“Lagot! Galit talaga sayo!” Arkin wags his forefinger sa mukha ni Drew.

“Tssss… mawawala din iyan, makikita nyo,” kampante si Drew. Alam niyang madali magalit si Camille. Pero madali din mawala.  

“Uwi na tayo, Dude!” Yaya ni Dion. “Kanina pa ako tinetext ni Girlie…”

“Tapusin na natin,” sabi ni Drew. “Bumawi man lang tayo kay Mac.”

“Bumawi ka rin sa akin,” hampas sa kanya ni Arkin.

“Bakit?”

“Dahil sayo, nabitin ako! Kung hindi ka nagmadaling umalis kanina… hindi sana kami nahulog.”

“Tara na… Uwi na tayo! Tapos nay an o! Awarding na nga. Panalo na si Mac.” Si Dion, impatient na.

Paalis na silang tatlo sa auditorium nang natigilan si Drew… Nakita niya pumasok sa auditorium si Ms. Virgie Macahiya, ang teacher nila sa Filipino Values. May kasama itong dalawang college students .

Nanlaki ang mga mata ni Andrew sa nakita. Ito ang mga college students na binosohan nila sa locker room.

Parang may hinahanap ang dalawang college students sa loob ng auditorium.

“Natatandaan niyo ba ang itsura nila? Nandito ba sila?” Tanong ni Ms. Virgie sa college students.

“Hindi po namin nakita lahat.. pero iyong isa.. iyong pinakahuling tumakbo, mamumukhaan ko yun!”

Napatingin sa isa’t isa sina Drew, Arkin at Dion. Hindi alam ang gagawin.

“Lagot tayo!” Si Drew, worried na.

“Hindi naman nila tayo nakita… chill, dude!” Si Arkin, pinapalakas ang loob nila.

“Basta pasimple lang tayo. Wag tayo pahalatang guilty,” si Dion, nag-straighten up habang naglalakad.

“Tarantadong Jeric kasi yun,” si Drew ang pinaka-kabado sa tatlo. “Kasalanan niya to eh.”

Palabas na ang tatlo sa auditorium, pasimple lang nang…

“Ayun Ma’am!” Turo ng isang cheerdancer kay Drew. “Ayun yung nanilip!”

“Sigurado ka?” Tanong ni Ms Virgie.

“Yes, Ma’am. Siguradong sigurado.”

“Mr. Andrew Alvarez! Sumama ka sa akin sa Principal’s Office,” sigaw ni Ms Virgie kay Drew. “Ngayon din!”

Lagot.

***

Suspended si Drew ng dalawang araw sa offense na malicious mischief.  Hindi niya pinangalanan ang mga kasamang namboso kaya siya lang ang naparusahan. Kaya naman noong bumalik sya sa school, bida sya sa mga kaibigan.

“Salamat, dude ha,” si Arkin. “Hindi mo kami nilaglag.”

“Da best ka, dude!” sabi ni Dion.

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon