Tuloy lang ang pag-iyak ni Camille pero hindi na sa piling ni Drew. Si Blessie na ang kasama niya na todo sa pagcomfort sa kanya, “Sige lang friend, ganyan nga. Ibuhos mo lang lahat.”
Binuhos nga ni Camille ang lahat ng sakit. Naubos ang tissue. Pati ang panyo, basang-basa ng mga luha niya. In a way, feeling regretful sa naging desisyon…
“Sana pala hindi ko na lang tinanong…kasi mas masakit pala talaga pag galing sa kanya sa kanya. Ang sakit sakit marinig na iba ang mahal niya…Ang kulit-kulit ko kasi!” inis si Camille sa sarili.
Si Blessie, naguilty, “Girl, sorry, ako yung naging makulit. Pinilit pa kasi kita na itanong mo sa kanya. Sorry talaga.”
Mapapailingi si Camille, hindi niya intension sisihin si Blessie. Inako niya lang ang lahat. “
Wala kang kasalanan…ako lang ang may kasalanan ng lahat. Kasi ako ang nagmahal…Ako yung umasa…Ako yung naniwala.”
Kumalma sandali si Camille, “Isipin mo, pano kaya kung mas maaga ko sinabi ang lahat kay Drew? Yung mas maaga sa pagdating ni Vanessa? Hindi siguro ako nasasaktan ng ganito…”
Ang daming “sana” ni Camille habang matiyagang nakinig lang si Blessie.
“Tapos siguro masaya sana kami ngayon…masaya sana ako ngayon…sana okay pa kami ngayon” muling hagulgol si Camille.
Walang magawa si Blessie. Parang ayaw nya na muna magpayo. Kaya pinatahan nya na lang si Camille. Puno ng awa para sa kaibigan.
Nang wala ng tumutulong luha kay Camille, narealize nito…
“Mahal ko si Drew, kaya hahayaan ko na lang siya maging masaya sa iba.”
***
Ang pinag-uusapan nina Camille at Blessie na si Drew halos mamula na rin ang mga mata. Kahit siya, nasaktan siya sa nasabi niya kay Camille. Para palayuin ito sa kanya. Para kalimutan siya nito.
Gusto mang bawiin ni Drew ang lahat ng sinabi niya…pero alam niyang hindi na dapat. Kailangan niya nang panindigan ang lahat…kahit ang ibig sabihin nun ay tuluyan ng mawawala sa kanya si Camille.
Halos manghina si Drew. Hanggang sa mapaupo na lang siya sa may daan. Binubulong sa hangin ang pangalan ng taong mahal niya.
“Camille…Camille…”
Hanggang sa napadaan si Vanessa, nilapitan siya… “Drew? Bakit ka nandyan? Ayos ka lang ba?” napansin ni Vanessa ang mga namumulang mata ni Drew.
Sabay iwas ng tingin si Drew, “Ayos lang ako.”
“May ayos bang nakaupo dyan sa daan?” puna ni Vanessa. Hindi na sasagot si Drew.
Gustuhin man ni Vanessa na tabihan si Drew. Hirap siyang umupo dahil sa lumaking tiyan niya. Ididikit niya na lang ang sarili kay Drew. Hahaplusin ang buhok ni Drew.
Hindi man magsalita si Drew, batid na agad ni Vanessa na may problema si Drew. Si Drew isasandal ang sarili kay Vanessa, muling maluluha…muling iiyak…na parang bata.
Ang iyak na iyon ni Drew, tagos kay Vanessa. Para sa kanya, kung ano man ang problema ni Drew…alam niya may koneksyon ito sa pinagdadaanan nilang dalawa. Na isa siya sa malaking dahilan sa paghihirap ng kalooban ni Drew.
***
Sinamahan ni Blessie si Camille buong araw para hindi maiwang mag-isa at muling malungkot .
Kahit ang trip ni Camille na paglalakad mula school hanggang bahay ay sinubukan na din ni Blessie. Pero hindi pa man nakakalayo sa paglalakad. Sumakit na ang mga paa ni Blessie. Biglang nagpasundo sa driver.
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)