Agad isinugod nina Drew sa hospital si Camille. Sobrang worried ang lahat. Lalo na si Drew, mabaliw-baliw na siya.
Sinisisi niya ang sarili sa nangyari, “Kasalanan ko to e…kasalanan ko lahat to!”
Wala siyang magawa para tulungan si Camille na nasa emergency room. Kung pwede lang ipalit niya ang sarili niya kay Camille, gagawin niya...pero hindi nya kaya baguhin ang realidad na si Camille ay nasa kritikal na kalagayan ngayon.
Unti-unting nilalamon ng guilt si Drew. Para sa kanya, siya ang nagtulak sa kaibigan para mapahamak ito.
Kung hindi ko binalak tumakas, hindi sana nangyari ito kay Camille.
Kaya nang harapin niya ang mga magulang nya, todo hingi agad siya ng kapatawaran, “Nay…Tay…patawarin nyo po ako…”
Pero hindi siya magawang pagalitan o kausapin man lang ng mga magulang nya. Iwas ito sa kanya. Parang hindi siya naririnig…parang hindi siya kilala…parang hindi siya anak ng mga ito.
Naalala tuloy ni Drew ang araw na inamin niya na nakabuntis siya. Ganitong-ganto ang reaksyon ng mga magulang niya. Tahimik pero alam mong galit sa kanya.
Sino ba naman kasing magulang ang magiging proud sa mga kasalanang nagawa niya? Nakadamay pa ang ibang tao dahil sa katigasan ng ulo nya!
Nang subukan niya uli kausapin si Raquel, tyempong dumating na sina Sylvia at Armand. Sobrang worried din, “Asan si Camille? Asan ang anak namin?”
Pinakalma nina Raquel at Gilbert sina Sylvia at Armand. Kinausap sa isang sulok ang mag-asawa. Hindi dinig ni Drew ang usapan ng mga ito.
Pero kita niya na halos manghina sina Sylvia at Armand sa mga sinasabi ng mga magulang niya. Hagulgol si Sylvia na yayakap kay Armand.
Inisip ni Drew na lapitan agad sina Sylvia at Armand para mag-apologize. Handa siyang tanggapin lahat ng galit o paninisi ng mga ito. Pero napansin niya, ang concern lang ng lahat at that moment ay ang kaligtasan ni Camille. Kaya umiwas na lang muna siya.***
Dalawang oras na ang lumipas. Wala pa ding lumalabas na doctor. Wala pa ding update sa kalagayan ni Camille. Bakas sa lahat ang tumitinding pag-aalala.
Kahit na nag-aalala si Drew para kay Camille, may isa pang bumabagabag sa kanyang isipan – si Alby!
Sa kaguluhan kanina, kinuha na ito ni Vanessa. Pero alam ni Drew na nasa mismong hospital din ito kung nasaan sila, isinugod din dahil sa mataas na lagnat.
Kaya naisipang hanapin at silipin sandali ni Drew ang anak. Makikita niyang pinagmamasdan ito nang umiiyak na si Vanessa. Puno din ito ng pag-alala para sa kalagayan ng anak. Kaya halos madoble ang nararamdamang guilt ni Drew.
Nadamay pati si Alby…
Gustuhin man lapitan ni Drew si Vanessa at kumustahin ang baby niya, alam niyang wala na siyang karapatan. Alam niyang hindi na din siya pakikinggan ni Vanessa kahit ano pang paliwanag niya. Magagalit lang ito sa kanya, baka magkagulo pa.
Kaya si Drew, pinili na lang muli ang umiwas…ang mag-isa.
Pumunta si Drew sa isang kapilya na nasa loob ng hospital. Doon ay maiyak-iyak siyang lumuhod at nanalangin. Kinausap niya na lang ang Diyos na alam niyang makikinig sa kanya.
Lord, ang ginusto ko lang naman ay makasama ang anak ko. Hindi ko alam na mali pala ang ginawa ko. Napahamak ko si Alby. Nadamay pati si Camille.
Parehas silang nasa hindi mabuting kalagayan ngayon dahil sakin. Dahil naging makasarili ako.... Naging matigas ang ulo ko. Hindi ko naisip ang mga pwedeng maging consequences ng mga ginawa ko.
Lord, alam kong wala akong karapatan humingi ng favor sa inyo. Pero parang awa nyo na po, iligtas nyo po silang dalawa. Kahit ano pong kapalit…kahit ilayo nyo na sila sakin…basta iligtas nyo po sila…wala po silang kasalanan…ako po ang parusahan nyo. Tatanggapin ko po nang maluwag…
Nang matapos ang pagdadasal ni Drew, saka may tumabi sa kanya.
“Drew…” tinabihan siya ni Raquel. Puno ng awa sa kanya. Niyakap siya nito.
“Nay…nay…” hagulgol si Drew. Inilabas nya lahat ng burden na nararamdaman. Parang batang nakahanap ng kakampi.
Hindi man magsalita si Raquel, mukhang napatawad na nito ang anak. Ang mga yakap nito, parang sinasabing naiintindihan nito ang lahat ng nagawa niya.
Pero si Drew, humingi pa din ng kapatawaran, “Nay sorry po talaga…”
“Hindi mo kailangan sakin mag-sorry, anak…” payo ni Raquel. “Lapitan mo ang mga taong sobrang nag-alala para sa mga taong mahal nila…”
“Pero alam ko po na pinag-alala ko din kayo…patawarin nyo din po ako ni Tatay…”
“Drew…” mas hihigpitan ni Raquel ang yakap sa anak. Batid nitong puno na ng pagsisisi si Drew.
Hanggang sa ---“Raquel…Drew…si Camille!” tawag ni Gilbert.
Kakakabahan agad si Drew. Sa tono ng ama, mukhang may nangyaring masama kay Camille!
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)