Matapos ang klase, nakita uli ni Camille si Drew na nakaupong nagbibilang ng mga kinita sa pagbebenta ng mga damit.
“Nine hundred fifty pesos…” kulang pa din para kay Drew. Target niya at least maka-two thousand pesos.
Gusto na sanang lapitan ni Camille si Drew kaso naunahan siya ni Arkin.
“Mukang malaki talaga ang pangangailangan mo Drew ha! Seryosong seryoso ka dyan” puna ni Arkin.
Si Drew, walang imik. Iniisip pa din kung pano pa kikita.
“Hoy, dude! Para san ba kasi talaga yan? Ako nahihirapan sayo e!” muling nangulit si Arkin.
Nakinig lang si Camille sa gilid. Hinintay na umalis si Arkin para malapitan si Drew.
“Basta…para sa napaka-espesyal na okasyon to,” nadulas ang dila ni Drew.
“Ay! sino may Birthday?” hula ni Arkin. Biglang naisip, “Aba teka, di ba kami invited dyan ng barkada?”
Nag-isip ng alibi si Drew. Alibi na hindi magtatampo si Arkin.
“Ah…e kasi…” walang maisip si Drew. Ayaw niya nang dagdagan ang paglilihim sa kaibigan, “Pasensya ka na, ang kumplikado talaga kasi e… Gustuhin ko man kayo lahat i-invite…pero hindi talaga pwede. Next time promise bawi ako sa inyo.”
“Puro ka next time! Wala, ganyanan na ha!” tampo ni Arkin.
“Arkin naman…”
“Joke lang!” naiintindihan ni Arkin si Drew. “Kala ko kasi nahihiya ka lang magsalita kanina dahil kasama si Dion. Pwede mo sakin sabihin yang problema mo. Promise wala akong pagsasabihan!”
“Salamat dude, pero hindi ko talaga masasabi pa sa ngayon e…”
“Okay, ikaw bahala.” Sumuko na si Arkin. “Basta gaya ng sabi ko sayo kanina, andito lang kami kapag ready ka na sabihin yang problema mo.”
Touched si Drew sa concern ni Arkin. Kahit makulit ito alam niyang tunay na kaibigan niya ito. Sana nga lang hindi magbago sa kanya ang mga kaibigan nya oras na malaman ng mga ito ang katotohanan. At saka nagpaalam si Arkin. Naiwan si Drew. Habang si Camille takang-taka...
Bakit hindi masabi ni Drew sa barkada ang tungkol sa anak ni Vanessa? Pinili ni Camille na hindi muna lapitan si Drew sa mga oras na iyon. Pero nang hapon ding yon, naconfirm niya na ang pinaghahandaang okasyon ni Drew ay para kay Baby Albert.
Nakita niya sina Drew at Gilbert na kausap ang isang staff sa simbahan sa kabilang village. Ito ang in-charge para sa Binyagang Bayan na magaganap sa darating na Sabado.
Nakita mismo ni Camille sa listahan na nakusalat ang pangalang Albert Medina.
Naisip niya, “Inako na talaga lahat ni Drew at ng pamilya niya ang pag-aalaga sa anak ni Vanessa. Pati ang apelyido willing nilang ibigay…”
Natigilan si Camille. May malicious thought na naisip. “Hindi kaya si Drew ang…”
Pero biglang binura ni Camille sa isipan bago pa ito mabuo. “Impossible. Ang bata pa ni Drew! Mabait lang talaga siya. O sadyang mahal niya si Vanessa na handa siyang akuin ang bata na parang anak na niya…”
***
Dahil hindi makalimutan ni Camille ang pagtitiyaga ni Drew na kumita ng pera, naisipan ni Camille na gumawa ng paraan para kahit papano makatulong kay Drew. Paraan niya na din ito para bumawi sa kaibigang matagal nakatampuhan dahil sa feelings niya.
Gumawa siya ng cookies. Binenta niya ito nang patago sa mga kaibigan dahil ayaw niya kasing malaman ito ng Mommy Sylvia niya dahil siguradong tatanungin siya nito. Pero si Blessie ang todo tanong naman sa kanya…
“Girl, para san to?” curious si Blessie. Nasa gym sila naka-pwesto.
“May gusto kasi akong bilhin…” kunwaring dahilan ni Camille.
“Bakit hindi ka na lang humingi ng pera sa Mommy mo?”
“Ummm…mas maganda kasi kung sarili kong gastos, di ba? ”
Napatango na lang si Blessie. Madaling naconvince. Kaya tumulong na lang din sa pagbebenta. Pero biglang may naalala…
“Hoy ikaw girl ha, may hindi ka pala sinasabi sakin! Akala mo siguro hindi ko malalaman ang tungkol sa kanya!” dagdag ni Blessie “Siguro para sa kanya yung pinag-iipunan mong bilhin no?”
Nagulat si Camille. Alam na ni Blessie ang tungkol kay Drew? Ang tungkol sa inakong baby nito?
“Umamin ka, ano yung tungkol sa inyo ni Jeric! Siya na ba ngayon?” iba pala ang tinutukoy ni Blessie.
Naikwento ni Camille na naging close sila ni Jeric. Pero nilinaw niya na hindi niya type si Jeric. Na kaibigan lang talaga ang tingin niya dito. At diniretso na niya ito.
“Na-friendzoned na si Jeric?” Tanong ni Blessie.
“Buti na rin yung alam na niya agad maaga pa lang.”
“Nasan na siya ngayon?”
“Wala na…. Hindi na nga nagparamdam.”
“Ang labo niya ha! Ano yon paasa?” inis si Blessie.
“Hoy anong paasa? Never naman akong umasa sa kanya!” singhal ni Camille.
“Oo nga pala, kay Drew ka lang umasa!” parinig ni Blessie.
Feeling offended si Camille. Sorry agad si Blessie. Biglang bawi…
“Pero okay na yon girl, kasi feeling ko hindi ko naman magiging type si Jeric para sayo!”
“Bakit naman?”
“Dahil unang-una, kaibigan din yan ni Drew! Sigurado ako, loko-loko din yon!”
Sa naging reaksyon na yon ni Blessie, naisip ni Camille na hindi muna banggitin kay Blessie na nagkaayos na sila ni Drew. Dahil alam niyang kokontra lang ito.
Kaya naman naglako na lang sila ng cookies. Sa paglalako nila itong si Blessie pabida sa pagbebenta. Parang nagbebenta lang ng beauty products. Todo sales talk.
Hanggang sa natamaan ang kamay ni Blessie ng bola. Kaya ang lahat ng cookies natapon!
“Anubayan! Sino ang nakatama sakin! Tatamaan sakin!” galit na galit si Blessie.
Hinarap niya ang isang grupo ng mga naglalaro ng basketball.
“Siya!” sabay-sabay turo ng mga players sa isang binatilyo. Naka-jersey number 8.
“Blessie, okay lang…hayaan mo na.” awat ni Camille.
“Sorry, hindi ko sinasadya.” apologetic ang binatilyo. “Magkano ba lahat? Babayaran ko na lang…sorry talaga.”
At saka lang natitigan ni Blessie ang itsura ng binatilyo. Chinito. May dimples. Mukhang mayaman. Mukhang matalino. Mukhang desente. Mukhang bagay kay Camille!
Biglang pa-sweet si Blessie, “Ay sorry din ha, nagulat lang ako. Okay lang…mga 300 pesos lahat.”
Inabot ng binatilyo ang 500 pesos. “Sorry talaga… okay na yan. Keep the change.”
Tatanungin pa sana ni Blessie ang pangalan nito pero biglang umalis kasama ang barkada. Naiwang todo kilig si Blessie, para sa kanya pasado agad ito sa kanya. Para sa kanya ito ang sinasabi niyang darating sa buhay ni Camille.
“Sino kaya siya?...Alam mo girl, pwede siya. Pwede siya sayo!” mas excited si Blessie para kay Camille.
“Blessie naman!” singhal ni Camille. “Akala ko ba focus na muna tayo sa study? Akala ko ba tsaka na yang love-love na yan!”
“Oo nga pala! Edi i-friend na lang natin siya!” hindi mawala ang kilig kay Blessie. May namumuo siyang plano. Habang sinusundan niya ng tingin ang palayong binatilyo.
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)