Dumating na ang araw ng pag-alis ni Vanessa papuntang Amerika kasama si Alby.
Niyaya ni Raquel si Drew para maghatid sa airport, “Halika na, naghihintay sila. Baka ma-late sila sa flight nila.”
“Hindi na ko sasama Nay,” casual ang sagot ni Drew. “Pakisabi na lang mag-ingat sila.”
Kunwari hindi na siya apektado sa pag-alis ng dalawa.
“Sigurado ka ba dyan, Drew?” tanong ni Gilbert, “Gusto ka daw kasi makausap ni Vanessa bago sila umalis…”
Sinigurado ni Raquel sa anak na hindi na talaga galit si Vanessa. Na gusto nitong umalis na maayos silang lahat sa kabila ng mga nangyari sa kanila.“Ayos na din po ako Nay,” sagot ni Drew. “Hindi ko lang po siguro kaya na magpaalam kay Alby. Ayaw kong makitang unti-unting lumalayo sya sakin…tsaka baka umiyak lang ako don. Nakakahiya…hulihin pa ko ng mga security guards.” Biro ni Drew.
Tinginan sina Raquel at Gilbert. Alam nilang kahit nagagawang magbiro ni Drew, sobrang nahihirapan ito.
Pero nagpasya na silang wag na lang pilitin si Drew kung ito ang makakabuti sa kanya.
“Sige kuya…yayakapin ko na lang si Alby para sayo!” sabi ni Yuri.
“Salamat Yuri!” smile si Drew.
“O sige anak, uuwi agad kami paghatid namin sa kanila…” sabay alis ng pamilya ni Drew. Naiwan siyang mag-isa sa bahay.
Sa mga oras na iyon, parang gustong humabol ni Drew sa pamilya niya. Gusto niya talagang ihatid sina Vanessa. Gusto niya talagang magpaalam sa huling pagkakataon kay Alby. Pero hindi niya talaga kaya.
Kaya imbis na maging malungkot, naisipan niya na lang maglinis ng buong bahay.
Pero ang paraan niya ng pag-iwas sa kalungkutan ay magpapalungkot lalo sa kanya.
Sa paglilinis niya kasi, nakita niya ang mga bagay na nagpaalala kay Alby. Instant throwback ang nangyari.
Ang crib…kung saan niya laging pinapatulog si Alby…kung saan niya una laging nakikita si Alby pagkasing niya…at pag-uwi niya galing sa school.
Ang bottled milk…na nung una ay hindi niya alam kung paano magtimpla ng gatas. Kung anong lasa ang gusto ni Alby. Pero sa huli nakuha niya din ang tamang timpla.
Ang mga lampin…na lagi niyang nilalagay kay Alby. Naalala niya kung paano niya binibihisan lagi ang anak.
Ang gitara…na lagi niyang ginagamit minsan para haranahin si Alby. Ang naging bonding nila mag-ama. Sadyang si Alby ang naging bagong inspirasyon niya…ang naging lakas niya…ang naging buhay niya.
At ang stroller…ang ginamit niya para itakas si Alby. Naalala niya kung paaano niya ipinaglaban ang anak upang hindi ito mailayo sa kanya…pero nabigo siya. Dahil ngayon wala na ito sa kanya.
Sa mga masayang alaalang iyon, hindi na napigilan ni Drew ang umiyak. Binuhos niya na ang lahat ng kalungkutan…ang pagka-miss sa anak…ang panghihinayang.
Ibabagsak niya ang sarili sa kama, pipikit. Ang hiling niya, sana isang bangungot lang ang pag-alis ni Alby. Sana magising na siya sa mga iyak nito.
Pero wala…wala siyang iyak na narinig. Totoo ang lahat ng nangyayari. Wala na si Alby. Hindi na ito babalik.
Masakit isipin na hindi siya ang kasama ni Alby kapag natuto na itong maglakad... Hindi niya maririnig ang unang salitang bibigkasin ni Alby... Hindi na niya maririnig kailanman ang iyak ni Alby...
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)