BOOM!

4.4K 70 14
                                    

Pasado ala-una na ng umaga nakauwi sa apartment sina Vanessa at Helen.

Hindi sila makatulog. Wala pa ding update mula kina Raquel kung nasaan si Drew at Alby.

Kaya naman walang tigil si Helen sa paninisi kay Vanessa.

“Sinabi ko naman kasi sayo na wag na wag ka nang babalik doon! Napaka-tigas kasi ng ulo mo!”

Si Vanessa, piniling hindi patulan ang ina. Tahimik lang siya pero halos sumakit na din ang ulo sa kaiisip kung saan pumunta ang mag-ama niya.

Drew nasan ka na ba kasi? Ibalik mo na si Alby...

Biglang makakarinig sila ng iyak ng bata. They all turn sa may pinto – andun si Drew karga si Alby.  Sila ang unang pinuntahan nito.

Agad sinugod ni Helen si Drew. Galit na galit, “San ka galing? San mo dinala ang apo ko?!!!”

Awat si Vanessa sa ina, “Nay huminahon ka...”


Si Drew, sobrang apologetic, “Sorry po Tita…Sorry Vanessa.”

“Sorry? Yun lang? Pinag-alala mo kaming lahat. Konti na lang, ipapapulis na kita…” singhal ni Helen.

“Tama na Nay, ang importante andito na sila…”

Akmang kukunin ni Vanessa si Alby kay Drew “Sige na… kami na bahala kay Alby, Drew.”

Pero atras si Drew, “Hindi Vanessa.”

“Anong hindi?  Hindi mo ibibigay ang anak ko?” worried agad si Vanessa.

Ang rason ni Drew, “Alam ko…nagkamali ako sa ginawa ko.  Pero pakiramdam ko…Mas malaking pagkakamali…kung ibibigay ko si Alby sa inyo ngayon kasi ---”

“Walang hiya ito ah!”

Parang gustong saktan ni Helen si Drew…papagitna lang si Vanessa.


“Pakiusap Tita...Vanessa… Hayaan niyo na muna sa amin si Alby…ibibigay ko naman po siya sa inyo bago kayo umalis.”

Tinginan sina Vanessa at Helen.

Si Vanessa, hindi makapag-decide. Ayaw nyang maging madamot kay Drew. Pero naiisip nya din baka lalo lang mahirapan ito kapag dumating na ang takdang araw ng pag-alis nila kasama si Alby.

Kita ni Helen na hindi talaga ibibigay ni Drew ang anak,  kaya ang sagot niya, “Hindi pwede!”

Sabay akmang kuha muli kay Alby, “Amin na si Alby!”

Kaso lalo lang hihigpitan ni Drew ang yakap sa anak, “Tita, please…”

Pero matigas si Helen, “Hindi nga sabi e!”

Sa pag-aagawan nina Helen at Drew…lumalakas pa lalo ang iyak ni Alby.

 

Kaya napasigaw na si Vanessa, “Tama naaaa! Nasasaktan ang anak ko!”

Hinto sina Helen at Drew. Narealize ni Drew nasasaktan niya ang anak, “Sorry Alby….”

Si Vanessa, umiyak na. Sa sobrang confused. Sa sobrang guilt. May gusto siyang aminin, isang sikretong matagal niya ng tinatago kay Drew…na kahit si Helen walang kaalam-alam.

Slowly lalapit muli si Vanessa kay Drew, “Amin na si Alby, Drew…”

“Pero Vanessa…sana naman mainitindihan mo ko bilang ama -- ”

“Hindi mo siya anak Drew!” hindi na napigilan ni Vanessa. Nakukulitan na siya kay Drew.

Gulat sina Drew at Helen. Hindi sila makapagsalita.

“Sorry nagsinungaling ako sayo…hindi ikaw ang ama ni Alby! Kaya ibigay mo na siya sa akin!”


Umiiyak na inamin ni Vanessa ang lahat ng katotohanan. Na may nangyari sa kanila ni Ralph bago pa sila magkakilala ni Drew. Na pinili nitong magsinungaling sa ina na iba ang nakabuntis sa kanya dahil takot siyang magalit ito. Na iniwan niya sa pamilya ni Drew ang baby nya dahil nakita nyang mas maaalagaan ng mga ito kaysa sa kanya. 

Todo iling lang si Drew. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Vanessa. Hindi niya magawang maniwala kay Vanessa. Anong kalokohan iyon?


Si Helen, napapikit. Nanlumo sa mga nalaman. Nanlumo sa malaking nagawang kasalanan ng anak. Na dinamay ni Vanessa ang pamilya ni Drew…lalo na ang inosenteng si Drew!

Kaya sobrang apologetic si Vanessa, “Sorry Nay…Sorry Drew hindi ko agad nasabi sa inyo ang totoo…”

Pero kahit anong sabihin ni Vanessa, para kay Drew, nagsisinungaling lang talaga si Vanessa!

Kilala niya ito. Nagawa na nitong magsinungaling sa kanya dati nang iwan si Alby ng walang paaalam. Tapos ito naman ngayon? Hindi niya anak si Alby?


“Sorry din Vanessa…dahil lalo ko lang hindi ibibigay sa inyo si Alby! Dahil anak ko siya kahit anong kasinungalingan pa ang sabihin mo!”

Muling itinakbo ni Drew ang anak. Palayo kay Vanessa. Palayo sa taong nagsasabing hindi niya anak si Alby!

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon