Bad Shot

29.2K 246 9
                                    

“Good afternoon po Mam. Andyan po ba si Mac?” Magalang si Drew ngayon. Paano kasi, nasa harap niya ang principal ng school nila… ang Mama ni Camille!

“Camille,” pangongorek ni Mam Sylvia. “Camille ang pangalan niya. Wag nyo na nga siyang tatawaging Mac… Hindi bagay sa kanya!”

Tameme si Drew. Pakiramdam niya nasa school siya, pinapagalitan ng Principal. Ilang taon na silang magkaibigan ni Camille. Pero hanggang ngayon, takot na takot si Drew kay Mam Sylvia. Ni hindi niya ito magawang tawaging Tita kahit na magkaibigan sila ng Tatay ni Drew. Dapat Mam. Mam Sylvia.

Lalabas si Camille ng bahay at nadatnan si Drew nakaupo sa may garden.

“Ba’t andito ka? Ayaw mo pumasok?”

“Andyan Mama mo eh.”

“Hindi ka na nasanay kay Mama… O anong kailangan mo? Magpapasama ka na naman sa Megamall?

Iiling si Drew. May nilabas na notebook na nakatiklop sa likod ng pantalon.

“Patulong naman sa Algebra. Hindi ko maintindihan eh. Hindi ko mahanap ang X!”

Ngumiti si Camille. “Itong Algebra, kung naging tao ito, bitter ito na hindi maka-move on.”

“Ha?” Hindi naintindihan ni Drew si Camille.

“Kasi, laging pinapahanap ang X.” Tatawa si Camille sa sarili niyang joke.

Si Drew, nangiti na rin. Hindi dahil sa natawa siya sa corny na joke ni Camille. Kundi dahil nakaka good vibes para sa kanya ang makitang tumatawa si Camille.

***

Hindi pa rin naintidihan ni Drew ang Algebra formula na inexplain sa kanya ni Camille.

“Coffee cat tayo, dude!” Yaya ni Drew. “Libre kita… “

“Bah! Himala! Manlilibre ka,” pang-aasar ni Camille.

“Kasi sinamahan mo ako sa Megamall… Tapos tinuruan mo ako ngayon. Ayaw mo ba?”

“Siyempre, gusto ko! Teka paalam lang ako kay Mama.”

Pumasok si Camille para magpaalam kay Mam Sylvia. Hindi sinasadyang naririnig ni Drew ang boses ng Principal.  Hindi maintindihan ni Drew ang naging usapan, pero may mga salita siyang naririnig…

Iwasan… delinkwente… suspended.. mga bastos… bad influence. Ibang babaeng kaibigan.

Natigilan si Drew. Noon pa man, halata niyang hindi siya gusto ni Mam Sylvia na maging kaibigan ni Camille. Lalo na noong na-suspend siya dahil sa paninilip.

Lumabas si Camille sa pinto. “Tara na, Drew!” Yaya ni Camille. “Libre mo ko ha! Wala akong dalang pera…”

Pero si Drew, iba ang nasa isip. “Galit ba sa akin ang Mama mo?”

Hindi agad sumagot si Camille.

“Galit nga,” alam na ni Drew. “Dahil ba sa nasuspend ako?”

“Ganoon lang talaga si Mama,” depensa ni Camille. “Pero kahit ayaw nya sayo, pinapayagan pa rin naman niya ako sumama sa inyo… Natatalakan nga lang ako.”

“Bakit?” Tanong ni Drew.

“Anong bakit?”

“Bakit sumasama ka pa rin sa akin kahit ayaw ng Mama mo?” Biglang kinabahan si Drew sa tanong niya. Gusto niyang malaman kung ano isasagot ni Camille.

Hindi agad sumagot si Camille. Napaisip.

Pati si Drew, napaisip. Umasa. Sana sabihin mong gusto mo ako kasama lagi… Sana sabihin mong may gusto ka sa akin kaya sinusuway mo pa rin ang Mama mo.

Pero si Camille, biglang umismid. “Wala akong choice. Kayo lang ang tropa ko mula mga bata pa tayo… Ayoko na mag-adjust sa ibang tao.”

Disappointed si Drew. Yun lang pala ang dahilan!

“Naniniwala ka ba sa Mama mo?” Tanong ni Drew.

“Na ano?”

“Na bad influence ako sa iyo.”
“Narinig mo sinabi ni Mama?”

“Ganoon din ba tingin mo sa akin? Na delinkwente ako?”

Muling napaisip si Camille. “Mabait ka sa akin, Drew… Mabuti kang kaibigan. Yun ang importante.”

Hindi na nagtanong si Drew. Sa lahat ng sinabi ni Camille, ang nag-stick kay Drew: Mabuti kang kaibigan.

Sa isip ni Drew, wala pa man, butata na agad siya kay Camille.

Ang hindi alam ni Drew, may ibang gustong sabihin si Camille. “Pero Drew, kahit ayaw ng Mama ko, gusto kong sumama sayo, dahil mahal kita… hindi bilang kaibigan. Kundi higit pa”

Kung alam lang sana ni Drew na matagal na may gusto sa kanya si Camille.

Kung alam lang sana ni Camille na unti-unti na siyang nagugustuhan ni Drew.

***

“Dito ka lang, oorder ako,” sabi ni Drew kay Camille noong nakahanap sila ng table sa labas ng Coffee Cat.

“Hindi mo ba tatanungin ano order ko?” Tanong ni Camille.

“Roasted Milk Tea with Coffee Jelly. Kabisado ko na,” sabi ni Drew.

Secretly, nangiti si Camille. Hindi niya alam na napapansin pala ni Drew lahat ng ginagawa niya.

Pumasok si Drew sa loob ng Coffee Cat at umorder sa counter. “Roasted Milk tea with Coffee Jelly.”

Nagulat si Drew nang humarap ang barista na nasa counter – “Vanessa?”

Anong ginagawa ni Vanessa sa Coffee Cat? Bakit siya nandito? Barista siya dito? Kelan pa?

Ngumiti si Vanessa at nag punch ng order. “One Roasted Milk tea with Coffee Jelly. Anything else sir?”

Hindi makapaniwala si Drew na nasa harap niya ngayon si Vanessa. Tulala lang siya.

“Sir?”

“Drew….” Sabi ni Drew sabay turo sa sarili. “Drew ang pangalan ko.”

Humagikgik si Vanessa. “Oo kilala kita. Ikaw yung high school na namboso sa mga kasama ko sa Pep Squad.”

Biglang namula si Drew. Napahiya. Pero bahagyang natuwa na kilala siya ni Vanessa… na natandaan siya…

“Wala akong kasalanan doon,” depensa ni Drew sa sarili. “Kaibigan ko ang pasimuno noon…”

Muling humagikgik si Vanessa. “Di mo kailangan mag-explain sa akin, no! Mabuti na lang wala ako noong nanilip ka!”

Napalunok si Drew. Andoon ka… umalis ka lang agad! Pero nakita kita. Nasilipan kita! Muling naalala ni Drew ang nakita niya kay Vanessa. Ang maputing legs. Ang maliit na bewang. Ang malusog na boobs…

“Here’s your order, sir.” Sabi ni Vanessa. Sabay abot ng milk tea ni Camille.

Napatingin si Drew sa green na polo shirt na suot ni Vanessa – uniform ng Coffee Cat. Nangiti si Drew, naalala niya na nakita na niya kung ano ang nasa loob nito.

 “Sir, mahaba na ang pila sa likod mo,” paninita ni Vanessa.

Saka lang natauhan si Drew at kinuha ang milk tea. Gusto pang tumambay sa counter.

“Pabili na nga rin ng cheesecake… Saka Chocolate Milkshake…”

“Sir, pumila na lang po kayo ulit…” Sabi ni Vanessa.

Pumunta si Drew sa dulo ng pila. Okay lang maghintay. Okay lang pumila. Basta makausap niya ulit si Vanessa.

Nakalimutan na ni Drew na sa labas ng coffee shop, may Camille na naghihintay sa kanya… 

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon