Box Out

23.9K 183 13
                                    

Tulala si Drew na umuwi sa bahay nila. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ni Vanessa. “Drew, buntis ako…”

Paulit-ulit niyang naririnig. Sinusundan siya. Ayaw patahimikin.

Buntis ako… Buntis ako… Buntis ako…

Hindi alam ni Drew kung ano ang gagawin. Kung sasabihin ba niya sa Nanay at Tatay niya. Paano si Camille?

Si Camille… kung kelan nagiging maayos na kami. Kung kelan bumabalik na kami sa dati… mangyayari pa to.

Nagkulong siya sa kuwarto. Tulala. Nagsisisi sa ginawa.

Isang gabi lang o… isang pagkakamali lang… sira na ang buhay ko.

Ano ang gagawin ko?

“Drew, nasa labas si Camille…” Silip ng Nanay niya sa kuwarto.  

  

“Nay pakisabi wala ako.” Pakiusap ni Drew. “Wala. Umalis. Tulog. O kaya masama ang pakiramdam…”

  

“May problema ka ba Anak? May problema ba kayo ni Camille? Mukhang iniiwasan mo siya…”

“Wala Nay… Gusto ko lang po muna mapag-isa…” Sabay talikod ni Drew sa ina. Pati sa Nanay umiwas na si Drew. Iniwasan niya na mag-usap sila ng Nanay. Iniwasan na masabi niya ang problema. Ang napakalaking problema!

***


 

Tulalang naglalakad si Drew sa school kinabukasan. Malalim ang iniisip niya. Mukhang problemado pa din. Sa totoo lang, ayaw niyang pumasok.

Pero ayaw niya ding maiwan sa bahay…dahil kilala niya ang Nanay niya. Kukulitin siya nito para masabi nya ang problema niya.

Walang choice si Drew. Kunwari na lang siyang pumasok. Hindi para mag-aral… kundi para makausap si Vanessa. Pero hindi pa rin pumapasok si Vanessa.

Hanggang sa makasalubong niya ang kagabi pang iniiwasan niya…

“Drew!” bati ni Camille.

Natigilan si Drew. Nagulat. Gusto niyang umiwas. Gusto niyang mag-lakad sa opposite direction. Pero nakita na siya ni Camille… Nilapitan pa.

 “Drew, pinuntahan kita sa inyo kagabi. Pero sabi ng…”

“Sandali lang dude, may kailangan lang akong habulin!” excuse agad ni Drew. Biglang nagmadaling maglakad. Hanggang sa tuluyan na itong patakbong naglakad.

Taka si Camille, sinundan lang ng tingin si Drew. Napaisip.

Ayaw siyang kausapin kagabi. Nagmamadali naman ngayon. Iniiwasan kaya siya ni Drew?

“Anong problema non?”

Ang laki-laki ng problema ni Drew. Hindi niya alam kung anong gagawin. Kung dapat ba siyang may gawin. Wala siyang pwedeng pagtanungan…

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon