Samantala sa pag-uwi naman ni Camille, sinalubong siya ng galit ni Sylvia.
“I trusted you!” bungad ni Sylvia sabay pakita ng natuklasang card sa bedroom ni Camille. Ang isa sa mga card na may nakasulat na from Mr. Smiley. “Kanino ito galing?”Gulat si Camille, “Mommy, I’ll explain…”
“No, alam kong dedepensahan mo lang siya. Kay Drew ito no?” bara ni Sylvia. For her, puro alibi lang ang sasabihin sa kanya ni Camille. Inassume niya agad na si Drew ang manliligaw ni Camille.
“Binigyan ko kayo ng chance, dahil promise nyo na focus muna kayo sa study…lalo ka na!” disappointed si Sylvia.
“Pero Mom, hayaan nyo muna kasi akong mag-explain!” inis ng konti si Camille sa ina dahil parang ayaw siyang bigyan ng chance na magpaliwanag at ikwento ang totoo.
Tuloy-tuloy lang si Sylvia, “Tapos nalaman ko din na sasali ka sa singing contest kasama sya! Alam mo ba ang ginagawa mo Camille?”
“Anong masama don Mommy?” feel ni Camille masyado lang paranoid si Sylvia pagdating sa pagiging close niya kay Drew.
Pero si Sylvia todo sermon lang. Pinaalala ang napagkasunduan nilang limitasyon ni Camille sa pakikipagkaibigan kay Drew. Pinagbawalan siya nitong sumali sa contest at tumanggap ng kahit ano mula kay Drew.
Si Camille, napailing na lang sa mga demands ni Sylvia. Hindi niya alam bakit ganito na naman ang mommy nya. Pero inunawa nya pa din ito.
Hanggang sa sabihin ni Sylvia ang plano para sa kanya, “Next school year, magiging exchange student ka!”
Gulat si Camille, “Aren’t you going to consult me first before sending me away, Mommy?”
Sagot ni Sylvia, “Camille, I’m not sending you away...This is for your own good.”
Hindi na naiwasang sumagot ni Camille, “Alam ko naman po e...You want me to go para malayo niyo ko kay Drew!”“Honestly yes!” aminado si Sylvia, dagdag pa nito, “Camille just think of it...It will be a good experience for you to study in Singapore.”
Good? Panong magiging good ito sa kanya? Malalayo siya sa mga kaibigan niya. Malalayo siya sa pamilya niya. Malalayo siya sa lahat? Hindi siya sanay.
Hindi na kinaya ni Camille ang ina. Halos masakal siya sa mga kagustuhan nito.Kaya talikod si Camille. Pinili na lang pumasok agad ng kwarto.
“Camille!” Tawag pa ni Sylvia.Pero si Camille, diretso lang sa pag-alis.
***
Dahil nasa business trip na naman ang daddy ni Camille, pinili niyang kausapin na lang muna si Blessie.”Sa susunod…huwag ka na lang kasi sumagot” advice ni Blessie. “Tsaka pakinggan mo muna siya, kasi mommy mo pa din siya.”
“Pero she’s too unfair na.” depensa ni Camille. “Ayaw kong umalis...ayoko kong pumunta sa Singapore...”
“Haaaaa? Bakit ka pupunta don?” gulat si Blessie.
Kwinento ni Camille ang plano ni Sylvia na maging exchange student siya sa Singapore.
Nalungkot si Blessie, “Ay sad naman non…”
“Sad talaga!” naisip ni Camille, “But I will talk to my Dad... Susubukan ko siya i-convince na pigilan ang plano ni Mommy... I hope he will listen. I really don’t want to go.”
“Pero wait” ang opinion ni Blessie “Hindi ba bongga na makakapag-aral ka sa Singapore ng isang taon?”
Iling si Camille, “I suspect…hindi lang isang taon yon, tuloy tuloy na yon.”
“Pero pano kung pabor din ang daddy mo sa plano ng Mommy mo?” tanong ni Blessie.
“Basta. Hindi ako papayag!” determinado si Camille na makakagawa siya ng paraan para hindi matuloy ang plano ni Sylvia para sa kanya.
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)