Hindi agad nakapagsalita si Camille. Nakatingin lang siya kay Drew. Sobrang shocked. Parang hindi makapaniwala sa narinig.
Anak namin si Albert….
Paulit-ulit sa isip ni Camille ang sinabi ni Drew. Ako ang tunay na ama ni Albert…
Parang panaginip ang lahat. Naghinala na siya noon pero ayaw niya isipin na possibleng magka-anak si Drew. Ang bata pa niya. Paano nangyari yun?
Nagbibiro ka lang Drew, hindi totoo lahat ng sinasabi mo!
Mangiyak-ngiyak si Camille. Nakatingin lang si Drew sa kanya. Hindi ito mukhang nagbibiro. Totoo nga ang hinala niya. Iba pala kapag narinig mo mismo ang katotohanan. Ang hirap tanggapin.
Seeing Camille on the verge of tears, parang gusto naman bawiin ni Drew ang lahat ng sinabi niya. Kung puwede nga lang sana niya sabihin na “Joke lang yun, Camille… Gino-goodtime lang kita…”
Pero tuluyan na tumulo ang mga luha ni Camille. Ito na yun. Wala ng bawian.
“Bakit…” Yun na lang ang tanging nasabi ni Camille. Pero she realized, anong klaseng tanong yun. Bakit ano? Bakit ka nakabuntis? Bakit ka nagkaanak? Alam naman niya ang sagot doon…
Maiiling na lang si Camille. For someone who’s supposed to be smart and sensible, suddenly, she’s lost for words…
Bakit ano? Hindi alam ni Camille ang idudugtong… Bakit mo nagawa yun? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito? Bakit kahit inamin mo sa akin ang lahat… mahal pa rin kita!
Pero hindi niya pwedeng sabihin yun.. Instead, she comes up with a different question.
“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?”
Napansin ni Drew ang panginginig ng kamay ni Camille. Kaya sa pagkakataong iyon, siya naman ang humawak dito, sobrang apologetic, “Sorry Camille…sorry dahil hindi ko agad nasabi sayo.”
Napayuko si Camille. Sobrang hurt. Sunod-sunod ang mga tanong sa isip niya.
Kung bakit hindi inamin agad ni Drew? Kung pano nangyari ang lahat? Kung bakit sobra siyang nasasaktan sa pag-amin ni Drew?
Parang dinig ni Drew ang iniisip ni Camille. Kaya diniinan niya ang hawak dito, sinubukang magpaliwanag, “Maniwala ka Camille, dati ko pa gustong sabihin sayo lahat…pero natakot ako…nangako din kasi ako kay Vanessa…pati kina Nanay…na wala akong pagsasabihan na ibang tao.”
Sa sinabi ni Drew, lalong offended si Camille, “Ibang tao? Pero hindi ako ibang tao sayo Drew…”
“H-Hindi yon ang ibig kong sabihin” depensa agad ni Drew. “Napagkasunduan kasi namin na mas mabuting kami-kami na lang muna sa pamilya ang nakakaalam habang inaayos namin ang lahat…”
Si Camille, mukhang hindi kumbinsido sa dahilan ni Drew. Patuloy ni Drew…
“Camille…masyado akong nagpadala sa emosyon ko dati kay Vanessa. Kaya nangyari ang lahat. Pero mali ako…alam kong nagkamali ako…” umaasa si Drew na maunawaan agad siya ni Camille.
Ngunit masyadong masakit ang revelation na ito para kay Camille. Gusto man niyang intindihin ang paglilihim sa kanya ni Drew. Gusto man niyang intindihin ang sitwasyon ni Drew. Galit at inis ang nangingibabaw sa kanya.
Feeling niya para siyang trinaydor…para siyang niloko ni Drew!
Halos mapailing na lang si Camille habang naalala niya ang lahat.
Ang pangako ni Drew na hindi na siya nito sasaktan. Ang araw na nakita niyang buntis si Vanessa. Ang pagkakaayos nila ni Drew. Ang baby na tinitignan ni Drew sa may nursery. Ang pangalang Albert Medina na nakasulat sa listahan para sa binyag.
“Camille, ayaw kong nasasaktan ka dahil sakin….sana maintindihan mo…”
Pero nasasaktan mo na ko ngayon! Ilang beses mo ba dapat akong saktan Drew? Galit ako sa iyo dahil sinasaktan mo ako… Pero mas galit ako sa sarili ko, dahil kahit ilang beses mo akong saktan, mahal pa rin kita.
Bumitiw si Camille sa pagkakahawak sa kanya ni Drew. “Saka na lang tayo mag-usap, Drew…”
Tinalikuran ni Camille si Drew. Agad naglakad palayo.
“Camille…” hindi na napigilan ni Drew ang maluha.
Napakabigat ng nararamdaman ni Drew. Kita niya kung gaano kasakit kay Camille ang sinabi niya. Si Camille na alam niyang mahal siya noon pa. Si Camille na mahal din niya, pero hindi puwede…
Gusto niya itong habulin. Gusto niyang lumuhod sa mga oras na iyon para magmakaawa. Pero sinundan niya na lang ito ng mga tingin.
Feeling guilty. Feeling regretful, dahil sa mga oras na iyon alam niyang nasayang niya na ang second chance na binigay sa kanya. At ngayon, posibleng wala ng ibang chance. Mawawala na sa kanya ng tuluyan si Camille.
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)