“Malapit na ma-grant ang petition anak. Konting tiis na lang. Magsasama na rin tayo…” balita ng Mommy ni Vanessa habang magkausap sila sa Skype.
Si Vanessa, hindi alam kung good news ba ito or bad news. Gusto niyang makasama ulit ang Mommy niya… Pero paano ang kondisyon niya? Paano ang pagbubuntis niya?
“Gaano kalapit Mommy?” paninigurado ni Vanessa.
“Mga pitong buwan pa anak, pero malapit na rin yon hindi ba?” sagot ng Mommy.
Nagbilang si Vanessa ng buwan sa utak niya. Nakahinga ng maluwag si Vanessa dahil meron siyang pagkakataon na plantsahin ang problema niya.
May pahabol pa ang Mommy ni Vanessa...
“Anak, gusto ko dito mo na tapusin ang College mo. Naghahanap na ako ng mga universities na puwedemo pasukan dito…”
“Sige po, Mommy...” lalong na guilty si Vanessa. Napilitan magpaalam at nagmadali, kunwari ay may kailangan tapusin na homework.
Napakabait ng Mommy niya. Ang pagkukulang lang nito, wala ito sa tabi niya. Pero hindi pa rin ito dahilan para mapariwara siya… Para magpabuntis!
Hindi niya gusto magsinungaling sa ina. Para sa kanya ang dami ng sakripisyo ng Mommy nya para lang mapag-aral siya…para lang maitaguyod siya nito. Pero ito pa sinukli niya… ang maging disgrasyada.
Naluha si Vanessa nang hindi niya napapansin. Nang mapansin ito ng Lola niya…
“Apo, may problema ba?”
“Wala Lola…okay lang ---GWARRKKK!” nagsuka si Vanessa. Agad-agad siyang pumunta ng banyo.
Paglabas niya. Hindi siya nagpahalata sa matanda. Ang naging dahilan nya…
“Ang dami ko po kasing nakain, di na kinaya ng sikmura ko.” alibi ni Vanessa. At saka agad lumabas ng bahay.
***
Pumunta ng school si Vanessa. Inayos niya ang records niya. Nag-apply ng leave of absence.Halos lahat ng teachers, classmates at pep squad friends niya, nagtaka kung bakit masyado naman maaga ang pag-file niya. Ang sagot niya lang…
“Pinapaayos na kasi sakin ni Mommy lahat…para walang mangyaring aberya.” alibi ni Vanessa.
Kasunod nun ay parang napansin ng mga ito ang pagbabago sa katawan niya…
“Parang tumaba ka, Vanessa”
“Napapalakas lang siguro sa pagkain. Masarap kasi lagi luto ni Lola…” ang laging sagot ni Vanessa.
Sa paglalakad niya sa buong school, puno ng panghihinayang si Vanessa. Hindi naman kasi dapat talaga siya nagpaalam ng ganoon kaaga.
Pero para sa kanya, ito lang ang tanging paraan para maitago niya ang lihim niya. Ang mabigat na pinagdadaanan niya.
Hanggang sa napadaan sya sa gym, natanaw niya si Drew kasama ang mga barkada. Nagbibiruan ang mga ito. Pero pagtingin niya kay Drew, bakas dito na parang nagbago ito.
Hindi na nito magawang makitawa gaya ng dati sa tuwing nakikita niya ito. Parang may malalim na iniisip gaya niya.
Lalong nag-guilty si Vanessa. “Sorry Drew, nadamay pa kita.”
Agad siyang umiwas para hindi makita ni Drew.
***
Dumaan sa simbahan si Vanessa. Doon ay nagdasal siya. Humingi ng gabay sa Diyos.
“Lord, sinikap ko po maging mabuting anak. Pero masyado akong naging mapusok. Tulungan nyo po ako. Ituro nyo po sakin kung anong dapat kong gawin sa magiging anak ko. Para sa ikabubuti ng kinabukasan niya. Para sa ikakaayos pa rin ng buhay namin ni Drew…”
Nang palabas ng simbahan si Vanessa, narinig niya ang dalawang matandang todo tsismisan.
“Kawawa nga ang sanggol, iniwan na lang ng dyan mismo sa may gate ng simbahan”“Naku mabuti na yon, kesa naman sa pinalaglag hindi ba?”
Dahil sa narinig, napahimas si Vanessa sa tyan niya. Parang ito ang naging sagot sa panalangin niya. Kaya may naisip siyang gawin…
***Sinadyang puntahan ni Vanessa si Drew sa bahay nito. Tyempong kararating lang ni Drew.
“Sabihin mo lang Vanessa, kung ano maitutulong ko sayo…” kausap ni Drew ni Vanessa. Nasa labas sila ng bahay.
“Hindi ako nandito para humingi ng tulong sayo. Gusto ko lang ipaalam sayo Drew kung ano ang balak ko…”
“Anong balak?” kabado si Drew.
Sinabi ni Vanessa ang plano niya. Hindi niya sasabihin sa ina at lola ang tungkol sa pagbubuntis niya. Walang ibang makakaalam. At kapag manganganak na siya, manganganak siya ng tahimik. Sa malayong lugar. Yung walang nakakakilala sa kanya. At pagkatapos, ipapaampon niya ang baby.
Napailing lang si Drew. Hindi niya gusto ang naisip na plano ni Vanessa.
“Hindi, Vanessa… Hindi ako papayag.”
“Makakabuti sa atin to, Drew. Maghihintay lang ako ng ilang buwan… Pagkatapos, babalik na rin sa normal ang buhay natin. Parang walang nangyari… Puwede tayong magsimula muli…”
“Gusto kong panagutan ang lahat! Gusto ko maging Tatay!”
“Drew, masyado ka pang bata… Ayokong masira ang buhay mo! Buo na ang desisyon ko ang baby!”
Biglang…
“Sinong baby? Kaninong baby?”
Nagulat si Drew. Nasa likod na nila ang inang si Raquel.
Biglang kinabahan si Drew. Natakot. Ano ang sasabihin niya sa ina? Paano nila ipapaliwanag ang lahat?
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)