Walang naman nangyaring masama kay Camille. Ligtas na ito sa kapahamakan matapos ang operasyon.
“Pero bakit wala pa siyang malay, Doc?” pag-alala ni Sylvia.
“Naging unconscious ang pasyente dahil sa impact ng pagtama ng ulo niya…pero magigising naman siya,” paninigurado ng doctor.
“Kailangan na lang natin siyang hintayin magising para sa iba pang tests… “
Dahil sa good news na iyon, nakahinga nang maluwag ang lahat. Lalo na si Drew. Para sa kanya, pinakinggan ang panalangin niya.
Lalapitan ni Sylvia ang unconscious na anak, hahawakan ang kamay.
Si Drew, gagawin agad ang payo ng ina – ang mag-apologize siya, “Tita Sylvia…Tito Armand…sorry po…kasalanan ko kung bakit napahamak si Camille.”
Tingin lang si Sylvia kay Drew. Hindi mabasa kung galit o ano.
Kakabahan si Drew. Iiwas ng tingin. Mapapayuko sa kahihiyan.
“No, Drew…Wala kang kasalanan…” panimula ni Sylvia, “Ako ang may kasalanan kung bakit napahamak ang anak ko…”
Gulat si Drew sa pag-ako ni Slyvia. Si Sylvia, kakausapin ang unconscious na si Camille.
“I’m very sorry Camille, hindi ako naging mabuting Ina para sayo…” iyak uli si Slyvia. Sinisisi niya ang naging desisyon niyang hayaang masira ang pamilya niya.
Ang pagiging masyadong strikta niya. Ang pagmamatigas niya sa mga pakiusap ni Camille na ipaglaban ang pamilya nila.
“Don’t blame yourself…ako din naman may kasalanan.” pag-ako naman ni Armand. Para sa kanya, kung hindi din siya lumayo ng tirahan…hindi na kinailangan ni Camille umalis ng araw na iyon. Lalo na kung nakinig lang siya sa anak na kausapin uli si Syvlia.
Aamin sina Armand at Sylvia sa isa’t isa na sana hindi nila sinukuan ang pagsasama nila…ang pamilya nila. Dahil naging malaki ang epekto nito kay Camille.
Kaya magyayakapan ang mag-asawa. Sa mga oras na iyon, nagkasundo na silang magsisimula silang muli para kay Camille. Para sa pamilya nila, bibigyan uli nila ng chance ang isa’t isa.
***
Nang iwan saglit ng pamilya Medina ang mga Lorenzo. Sila naman ang nag-usap.“Nay…Tay…alam ko pong hindi sapat ang pag-sorry ko sa inyo ngayon…” sabi ni Drew.
“Anak, sapat nang inamin mo na nagkasala ka…na humingi ka ng kapatawaran…at may natutunan ka…” ang sagot ni Raquel. “Alam naming hindi ka perpektong anak…”
“At gaya mo, Drew…humihingi din kami ng kapatawaran ng Nanay mo sayo…dahil hindi din kami naging perpektong mga magulang sayo,” ang sabi naman ni Gilbert. “Kasi hindi ka namin pinakinggan…hindi ka namin mas inunawa nang kunin sayo si Alby…sana mas napag-usapan pa natin…at naipaglaban natin ang karapatan mo…”“Tay wala po kayong kasalanan ni Nanay…masyado lang talaga naging matigas ang ulo ko…hindi po ako nakinig sa mga payo niyo…naging bulag ako sa sobrang pagmamahal ko sa anak ko…kaya nagawa ko siyang itakas…”
Inassure ni Drew ang mga magulang, “Nay…Tay…hindi ko na kailangan ipaglaban ang karapatan na meron ako…handa na akong tanggapin ang katotohanan na malalayo na sakin si Alby…ayoko na siyang mapahamak…ayoko ng may mapahamak pang ibang tao dahil sa gusto kong ipilit na mangyari…”
Iyak si Drew. Kahit mahirap ang desisyong iyon para sa kanya pero alam niyang ito ang tama at mas makakabuting gawin para sa lahat…lalo na kay Alby.
At saka alam niyang ito ang kapalit ng pagligtas ng Diyos sa buhay nina Alby at Camille. Ang mag-let go siya.
Yayakapin si Drew ng mga magulang. Yakap na ang ibigsabihin ay hindi sila mawawala sa piling ng anak. Na gagabayan siya nito. Na buo pa din si Drew bilang tao kahit malayo na ang tinuring nitong tunay na anak.
***
Nang magkamalay at nakarecover na si Camille, binisita ito ni Drew. Nag-apologize siya sa nagawa niya, “Nadamay ka dahil sakin, sorry talaga, Camille…”“Minsan may mga nagagawa tayong mga bagay...na akala natin tama pero mali pala,” sabi ni Camille. “Because we do it for someone we love.” Naiintindihan ni Camille ang lahat ng nagawa ni Drew.
Request pa nito, “Kalimutan na natin yon, ang mahalaga ngayon ay magsimula tayong muli…lahat tayo…”
Tango si Drew.
Nabalitaan na rin ni Camille ang naging desisyon ni Drew na ibigay na si Alby kay Vanessa ng tuluyan.
Ang payo niya sa kaibigan, “Drew, malayo man sayo si Alby. Nandyan pa naman ang pamilya mo na patuloy na nagmamahal sayo…isama mo na ako…kaming mga kaibigan mo. And I believe that someday, you and Alby will be together again...as a family.”
“Sa tingin mo possible yon mangyari, Camille?”
“Oo naman… Di ba, anything is possible? At alam kong babalik at babalik sayo si Alby dahil minahal mo siya. At ang mga taong minamahal natin ay hindi mawawala satin… hindi kailanman lalayo sa atin…There will always be a connection.”
Magkakaroon ng hope si Drew. Sa ngayon, sapat na yun para sumaya siya... kahit panandalian lang.
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)