Fastbreak

6.7K 91 6
                                    

Sa byahe, walang kibo si Camille. Lutang. Halos hindi niya dinig ang lahat ng kwento ng daddy niya.

“Baby, are you okay?” napansin na siya ni Armand.

At saka lang natauhan si Camille, “Yes, Dad…”

“Kanina ka pa walang kibo. May problema ka ba?” concern ni Armand.

“Wala Dad. Okay lang ako.”

Mas pinili ni Camille na sarilinin ang nararamdaman niya. Hindi ito ang tamang oras para magkuwento sa Daddy niya.

Pinilit kalimutan ni Camille ang issue niya kay Drew… Iniba niya ang topic para hindi na magtanong si Armand.

Nag-request si Camille ng Family Outing ngayong Christmas. Gusto niya kumpleto silang  pamilya. Para naman magkaroon sila ng bonding ngayong taon bago bumalik uli si Armand sa Cebu.

“Why not?” agree agad si Armand, kaso ang problema niya, “Hindi ko lang alam sa Mommy mo…”

Kahit hindi sabihin ni Armand ang cold na relationship niya kay Slyvia. Alam ito ni Camille. Noon pa man kasi naririnig na ni Camille ang away ng parents niya.

Kaya naman si Camille ginagawa niya ang lahat. Gusto niyang maging masaya at buo pa din ang pamilya nya.

“Pasensya ka na samin minsan ng mommy mo…sana maintindihan mo…”

Sa sinabing iyon ni Armand, naisip tuloy uli ni Camille si Drew – ang pakiusap nito na intindihin niya ang lahat.

Gusto kong intindihin ka Drew…ang paglilihim mo…ang nagawa mo…pero sobrang masakit para sakin.

*** 

Nakauwi na si Drew ng bahay. Problemado sina Gilbert at Raquel sa ginawang pagtatapat ni Drew kay Camille.

 “Sana hindi mo na lang muna pinagtapat Drew. Baka sa mga oras na to, sinasabi niya na lahat kay Sylvia…” sobrang worried si Raquel.

“Pero Nay, kilala ko si Camille…hindi niya --”

“Hindi niya magagawang hindi sabihin yon! Sa oras na mapansin siya ni Sylvia.” Giit ni Gilbert.

“Tama ang tatay mo, Drew. Nanay ni Camille si Tita Slyvia mo, kaya malalaman at malalaman niya ang tinatago ni Camille, mararamdaman niyang apektado ito...”

Biglang kinabahan si Drew. May point ang parents niya.

Kaya para makasigurado, inilabas niya ang phone. Binalak tawagan si Camille para pakiusapan. Pero biglang nagdalawang isip siya…

Na kay Camille naman na siguro iyon kung sasasabihin niya…kilala ko naman siya…hindi niya ako ilalaglag.

Tiwala pa din si Drew sa pagkakakilala niya kay Camille.

***
Lumabas ng bahay si Camille. Ayaw niyang magkulong sa kwarto dahil lalo niya lang naiisip ang isyu ni Drew. Feeling niya mababaliw siya sa kaiisip.

Kaya pumunta siya sa Coffee Cat, doon siya tumambay.

Kaso pagpasok niya, nakasalubong niya si Drew kasama ang barkada. Mukhang napilitan lang sumama ni Drew.

Nagkatinginan silang dalawa. Biglang iwas ng tingin si Camille. Parang gusto na lang umuwi. Napansin ito ni Arkin at Dion.

“Hindi pa ba kayo bati? Kala ko ba okay na lahat?” bulong ni Arkin kay Drew

“Ikaw dude ha, may hindi ka pa kinikwento samin…” sabi ni Dion.

Feeling guilty na naman si Drew. Hindi niya pa kasi din nasasabi ang lahat sa barkada.

“Sandali, order na nga tayo!” iwas ni Drew. Sunod naman ang barkada niya pero nagawang batiin ng mga ito si Camille.

Pasulyap-sulyap lang si Drew kay Camille. Kung pwede niya lang ito lapitan at kausapin para ipaliwanag pa ang lahat. Pero mukhang ayaw siyang makausap ni Camille.

Si Camille, feeling awkward na talaga. May alam siyang hindi alam ng barkada ni Drew. Buti na lang dumating si Toffer na mag-isa din.

“Camille!” bati ni Toffer sabay lapit kay Camille.

Lingon sila Drew kay Toffer. Ngayon lang nila ito nakita.

“Sino sya?” curious si Arkin.

“Taga-school natin yan.” Sagot ni Dion, “Siya yung transferee…”

“Transferee? Pwede ba yon? Magpapasko na ha…bakit ngayon lang siya nag-transfer?”

“Special case siguro.”

“Anong siguro? Special talaga siya…tignan mo, Drew.” Pansin nila Arkin na sobrang close din si Toffer kay Camille.

Nilibre ni Toffer ng frap si Camille. Pero muntik matumba ang frap, buti na lang sabay nila nahawakan.

Sa unintentional na hawakan na yon, nakaramdam ng kuryente si Toffer. Napatitig siya kay Camille. 

“Patay tayo diyan…” parinig ni Arkin kay Drew. Nasa tapat na table lang nila ang dalawa. Pansin nila na mukhang interesado si Toffer kay Camille.

Si Drew, hindi man kumibo. Pero deep inside, he feels threatened. Noon si Jerick, ngayon si Toffer naman! Bakit lagi na lang merong dumadating sa buhay ni Camille sa tuwing may conflict sila?

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon