Sa isang iglap, nalaman ng lahat ang sikreto ni Drew. Lahat ng kinakatakutan ni Drew kailangan niya nang harapin. Lalo na ang galit ni Sylvia na nalaman na lahat ng detalye.
“Pinaglihiman nyo ko!” bulyaw ni Sylvia kaharap sina Drew, Raquel, at Gilbert sa office nya. “Tapos ngayon proud na proud pa yang anak nyo sa pagiging batang ama! Pinost nya pa online!”
“Huminahon ka Sylvia. Wala naman talaga silang balak ipost ang video…” depensa ni Raquel.
Nagpaliwanag si Drew na nawala ang phone ni Arkin kagabi. May nakadampot nito na siguradong kilala sila. Posibleng ito ang nagpost ng video.
Si Slyvia, hindi tanggap ang paliwanag ni Drew. Hindi tanggap ang mga pakiusap nina Raquel at Gilbert na intindihin ang nagawa nilang desisyon – ang nagawa nilang paglilihim.
Para kay Sylvia, hindi niya matatanggap na may estudyante uling sangkot sa isang kontrobersiya. Kontrobersiya na maaaring sumira nang tuluyan sa image ng school na pinamumunuan niya.
Muling nakiusap si Gilbert, “Sylvia, sana naman ikonsider mo din ang pwedeng mangyari kay Drew…sa kinabukasan niya…bilang parent sana maintindihan mo kami ni Raquel kung bakit namin nagawang protektahan si Drew.”
Bilang malapit si Slyvia sa pamilya ni Gilbert, in a way torn siya sa dapat niyang gawin.
Tingin si Sylvia kay Drew,“Kahit wala na dito si Vanessa, pero nandito ka pa din Drew! Ang laking damage ng isyu mo sa school!” sobrang problemado si Sylvia.
“Anyway, pag-uusapan pa namin ng board ang kaso mo based sa nabagong rules and regulations…” ang nasabi na lang ni Sylvia bago paalisin ang pamilya ni Drew.
***Sa labas ng office ni Slyvia, todo hingi ng apology si Drew sa malaki na namang problemang naidulot niya sa mga magulang niya. Pati school nadamay niya.
“Hindi mo naman kasalanan anak…” sabi ni Raquel “Sabi nga di ba, walang sikretong hindi nabubunyag?”
“Pero nay…kung hindi ko nabuo si Albert…sana…” sobrang guilty si Drew.
“Tama na, Drew.”saway ni Gilbert. “Hindi na makakatulong ang paninisi mo sa sarili mo…”
Dagdag pa ni Raquel, “Saka anak, ang mahalaga ngayon…kailangan maging handa ka sa sasabihin ng mga tao sayo…sa mga pwede nilang ibatong panghuhusga sayo.”
Pinagtitinginan sila ng mga estudyante at ilang guro.
Si Drew, halatang puno ng takot. Paano nya haharapin ang lahat? Lalo na ang posibleng maging desisyon ng board ng paaralan…Ang possibility na pwede siyang matanggal sa school! Paano na ang kinabukasan niya?
“Hindi anak, hindi ka pwede nilang alisin dito sa school.” Pangako ni Raquel “Lalaban tayo…oo nagkasala ka, nagkamali ka…pero dapat ka nilang bigyan pa ng isang pagkakataon para itama mo ang lahat.”
“Tama ang nanay mo, hindi kami papayag na basta ka na lang nila papatalsikin...gagawin ko ang lahat nang magagawa ko.” Determinado si Gilbert na maaayos niya ang kaso ni Drew.
Dahil sa suporta ng mga magulang niya, sobrang grateful si Drew…in a way, lumalakas ang hope niya na maaayos ang lahat.
Hindi nila alam, nakatanaw sa kanila si Sylvia. Kahit galit siya sa mga ito, touched siya sa pinakikitang katatagan ng pamilya ni Drew.
***
Sa kabila ng takot ni Drew, nagpasya siyang pumasok sa klase.Halos pagtinginan siya ng lahat. Mga tingin na puno ng panghuhusga. Lahat iwas sa kanya, para siyang may nakahahawang sakit. Dinig niya ang mga bulungan ng mga kaklase habang nag-aayos ng mga decorations para sa parating na Christmas Party.
“Nakakahiya naman siya.”“Kung ako yan, di na lang ako pumasok.”
“Sana paalisin na yan sa school, baka kung sino pa mabiktima nyan uli…”
Gustong baliwalain ni Drew ang lahat ng mga negative na naririnig niya. Pakiramdam niya para siyang nililitis ng lahat. Kahit saan mang part siya ng school mapunta - sa lobby, sa hallway, pati sa library. Walang tigil ang bulungan sa kanya. Pare-parehas ang reaksyon ng lahat.
Kahit si Camille, halatang iwas sa kanya. Pero deep inside, puno ng awa sa pinagdadaanan ni Drew.
Si Drew, napatingin na lang sa picture ni Santa Claus sa wall. Kung totoo lang si Santa. Ang wish niya dito…
Sana matapos na ang lahat ng problema ko. Sana hindi ako matanggal sa school. Sana maging okay na kami uli ni Camille.
Pero sa isip ni Drew, hindi siya naging mabuting bata. Kaya nangyayari na ang matagal niya nang kinakatakutan. Pinalakas niya na lang ang loob niya.
Kailangan mong maging matatag Drew sabi ng nanay mo. Wag kang mag paapekto. Hindi ka dapat magpatalo. Kailangan mong harapin ang consequences ng nagawa mo.
Pinili na lang ni Drew ang umiwas. Pero sa pag-iwas niya may nabangga siya!
“Nananadya ka ba!?” galit ang isang binatilyong 4th year student.
“Sorry…” sabi ni Drew. Napansin niyang may mga kasamang barkada ito.
“Sandali, siya yung bagito di ba? Yung nakabuntis?” nakilala siya ng kasama ng lalaki. “Kaya pala siga tol e!”
“Ah siga ka pala totoy!” dinuro-duro sa noo si Drew. Halos mapaatras siya.
Nakita ito ng barkada ni Drew. Back up agad kay Drew.
“Hoy tigilan nyo nga kaibigan namin! Baka gusto nyong…” angas ni Arkin.
“Aba may mga ka-totoy pala ito e.” sabay tawanan ang mga binatilyo.
“Sira pala mga to!” akmang papatulan ni Arkin at Dion ang mga binatilyo. Pero pinigilan sila ni Drew.
“Mga dude, hayaan nyo na sila…” alam ni Drew na mas lalaki lang ang problema nya kung mapapaaway pa sila.
Biglang kalma naman sina Arkin at Dion. Pero inasar lang sila lalo ng mga kalaban.
“Mga duwag oh…” sabay tulak kay Drew. Tumba siya!
“Gusto nyo talaga ha!” sugod sina Arkin at Dion.
Pero tyempong dumating si Camille kasama si Toffer.
“Hoy tumigil nga kayo!” awat ni Camille.
“Sila nauna…pinagtatanggol lang namin si Drew!” sumbong ni Dion.
“Sumbengero oh!” pang inis pa ng lalaki. “Teka Camille, wag kang masyadong dumikit dyan kay Drew, baka mabuntis ka nyan!”
“Tigilan mo nga ako! Tigilan mo sila! Lalo na si Drew!” pagtatanggol ni Camille kay Drew.
“Pre, baka gusto mong mapatawag sa principal’s office?” panakot ni Toffer.
Natakot ang mga lalaki. Kaya biglang alis na lang kasama ang barkada.
Si Drew, napatingin kay Camille. Nagpasalamat sa pagtatangol nito sa kanya sa kabila ng kasalanan niya dito, “Salamat Camille ha.”
Si Camille, walang nasabi. Tango na lang siya. May tampo pa din siya kay Drew.
“Sorry talaga, Camille…sorry.” Sabi ni Drew. Hindi pa din kumibo si Camille pero ramdam niya ang sincerity ni Drew.
Kaya bago pa man umalis si Drew…tinawag niya ito, “Sandali Drew…” she reconciles, “Kahit nagbago na ang sitwasyon mo ngayon, hindi magbabago ang pagkakaibigan natin. Andito lang ako…”
Sa sinabing iyon ni Camille, kahit papano nakahinga nang maluwag si Drew. Alam niyang sa mga oras na iyon, tanggap na ni Camille ang lahat. Alam niyang kakampi niya na uli si Camille.
Maagang natupad ang isa sa mga wish niya!
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)