Intermission

4.3K 68 13
                                    

Kausap ni Drew ang barkada sa tapat ng gate ng bahay nila. Pinapasali siya ng mga ito sa isang song writing contest na gaganapin sa foundation week.

“Sumali ka ha dude!” todo convince si Dion.

“E ano naman iko-compose ko?” walang maisip si Drew.

“Ayaw mo yung parang kay Freddie Aguilar…Anak!” biro ni Arkin. “O kaya…Justin Beiber…Baby…” sabay tawa si Arkin sa sariling joke.


“Kilitiin mo nga ako nang matawa ako sayo?” singhal ni Drew, “Anyway thank you sa suggestions mo ha…sige sasali ako.”

Ngiti ang barkada. Na-convince na din nila si Drew!

“O eto yung form,”  sabay abot ni Dion ng form kay Drew, “Ipasa mo bago mag-Friday!”

Si Drew, puno ng confidence, “Kung yung pagka-carwash nagawa ko, lalo na to. Kailangan manalo ako rito…sayang din yung premyo! Three thousand e!”

“Oo…ilang balot ng diaper din yun!” biro uli ni Arkin pero natawa na din sina Drew at Dion.

“Totoo naman yun... Atsaka vitamins din....atsaka emergency money... kung magkasakit si Alby...” pero biglang mapapaisip si Drew.

“Kaso...sino kakanta ng gagawin kong kanta?” paliwanag niya hindi siya pwede ang kumanta. Negative ang image niya, baka matalo siya sa botohan.

Napaisip na din ang barkada.

Hanggang tyempong nakita ni Dion ang parating na sina Camille at Blessie.

“Alam ko na kung sino ang puwede mag-interpret ng kanta mo!” sabay turo ng nguso ni Dion kay Camille.

***



Same reason kung bakit bumisita si Camille kina Drew. Ang pagyaya sana kay Drew na sumali sa song writing competition. Pero huli na dating niya, naunahan na siya nina Dion at Arkin.

“O ano? Nag-register ka na ba for the song writing competition?” tanong na lang ni Camille.

“Yun nga e...gusto ko nga sana... kaso...” hiya si Drew kay Camille.

“Kaso?”

“Okay lang ba kung ikaw kumanta nung gagawin kong kanta?” paalam ni Drew. Inexplain niya ang dahilan.

Sa isip ni Camille, wala namang masama na tulungan niya si Drew. Lalo pa’t ngayon napangako na niya kay Sylvia na hanggang magkaibigan na lang sila ni Drew. Nagksundo sila ng mommy niya na hanggang doon na lang talaga lahat.

Kaya ang naging sagot ni Camille kay Drew, ”Sure! Yun lang pala e!”

“Sure ka?” hindi pabor si Blessie. Pero wala na siyang nagawa. Deal na sina Drew at Camille.

Sa sobrang tuwa na pa-hi five pa ang magbabarkada.

“Thank you talaga!... Sasabihan na lang kita pag nagawa ko na yung kanta!” tuwa si Drew.

“Wala yon...anything for a friend” sabay tango si Camille. Deep inside, kinilig siya dahil siya ang inalok ni Drew. Pressure man pero kakayanin niya para kay Drew. 

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon