Mula noong umalis na si Vanessa kasama si Alby, sinubukan ni Drew na mag move on.
Nagfocus siya sa senior year niya sa school. Naging isang sikat na varsity player si Drew ng basketball pero hindi niya pinabayaan ang mga grades niya.Naging role model din siya ng mga kapwa students, hinangaan ng lahat ang mga pinagdaanan niya. Bumilib sa pagiging matatag, resiliente at positibo sa buhay.
Kasabay ng pagbabago sa buhay niya, nagbago din ang mga buhay ng tao sa paligid niya.
Si Tatay Gilbert, na-promote na bilang Principal ng High School Department ng South Eastern Hope.
Si Nanay Raquel, nagkaroon na ng pwesto sa malapit na Town Center Mall para sa mga Achara at Tinapa Spread niya. Katuwang niya sina Elise at Ceasar na finally binayayaan na ng anak.
Ang mga kapatid niyang sina Yuri at MJ ay lumalaking mabait at matatalinong mga bata.
Naging maayos na ang pagsasama nina Armand at Sylvia. Madalas makita ni Drew na magkasama ang mga ito.
Natuto na si Slyvia sa pagbalanse ng trabaho at pamilya kahit may bagong posisyon na ito sa school bilang new member ng Board of Trustees.
Hindi nawala sa tabi ni Drew sina Arkin at Dion. Mga kaibigang maasahan sa kahit anong problema…o kahit anong sitwasyon ang meron siya hindi kailanman humusga sa kanya. Natuto na rin magseryoso ang mga ito sa studies.
Pati si Blessie, naging fan na ni Drew. Naging president pa ng fan club ng varsity team nila.
At syempre si Camille, hindi na pina-exchange student ni Slyvia sa Singapore. Tinuloy nya na lang ang pag-aaral sa South Eastern Hope. Naging student council president pa!
Sila-sila ang magkakasama kapag break time. Para na silang isang malaking barkada!
Kaya sa mismong graduation nila, sobrang saya nila ng lahat sila maka-graduate.Sa Valedictorian speech ni Camille, ni-request nitong umakyat si Drew sa stage. Dahil para sa kanya, mas madaming pwedeng i-share si Drew…dahil naging Valedictorian ito sa totoong hamon ng buhay.
Ang speech ni Drew, “Marami akong natutunan sa mga nangyari sa buhay ko... Tulad ng lahat ng bagay, may perfect timing. Huwag ka magmadali. Kasi darating din lahat sa tamang panahon...”
Sinabi rin ni Drew na natutunan niya ang pagpapatawad, ang reconciliation, ang pagbangon at pagsimula muli.
“Basta huwag ka lang mawalan ng pag-asa at huwag kang tumigil sa pagpursige... Darating din yun. Basta pinagsisikapan mo, mananalo ka din sa mga pinaglalaban mo sa buhay,” sabi pa ni Drew sa speech.
Nakikinig lahat sa kanya – mga students, mga magulang at mga teachers na andoon sa graduation nila.
“Pero ang pinakaimportanteng natutunan ko...May tamang panahon para sa love,” dagdag ni Drew. “Huwag mag padalos-dalos. Hindi ibig sabihin na pag may nararamdaman ka para sa isang tao, gagawin mo na kung anong gusto mong gawin... masisira lang ang buhay mo.
“Kung akala mo kaya mo na... na normal lang naman na pinagdadaanan yun ng mga kasing-edad mo... na pag natukso ka, okay lang bumigay kasi cool ka... May experience ka na – nagkakamali ka. Dahil hindi cool yun!
“Pano magiging cool ang isang bagay na pwedeng makasira ng kinabukasan mo? At pwedeng ikasira ng pangarap mo…at ng pangarap ng pamilya mo para sa iyo? Siguro iniisip niyo…bakit ako nalampasan ko? Hindi naman ganung kadali yon…maraming naapektuhan…maraming nasaktan…kaya gugustuhin niyo bang mangyari yon?”
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)