Papasok na sana si Drew ng bahay nang marinig niya ang usapan ng mga magulang kasama sina Vanessa at Helen.
“Successful po ang operasyon ko...” good news ni Vanessa habang karga niya si Alby. “Nagpapasalamat po ako sa mga tulong nyo...lalo na po sa pangalawang pagkakataon para itama ang mali ko...””
Masaya sina Gilbert at Raquel na ligtas na si Vanessa sa kapahamakan.
“So ano na ang susunod na plano nyo?” curious si Raquel “Kelangan nyo pa ba talagang umalis ng bansa?”
Si Helen ang sumagot, “Oo, sa susunod na linggo... Puwede na kami umalis kasama si Alby...”
Tinginan sina Gilbert at Raquel. In a way nalungkot sa desisyon ng mag-ina.
Request pa ni Helen, “Ang gusto sana namin... Samin na lang si Alby... Hanggang sa paglipad namin papuntang Amerika....”Hindi agad maka-comment sina Raquel at Gilbert.
Kaya hindi na napigilan ni Drew ang sumabat, “Hindi po ako papayag!”
Surprised ang lahat sa pagdating ni Drew.
“Vanessa...Sorry, pero hindi ako papayag na ilayo nyo ang anak ko!” alma ni Drew.
“Drew! para naman sa kabutihan ng lahat ito…lalo na ni Alby” paliwanag ni Vanessa.
Alalay si Helen kay Vanessa. Worried dahil kakaopera pa lang ng anak.
Iling lang si Drew pero naluluha. Torn siya, ayaw niya maging madamot pero hindi niya kayang mawala ang anak niya sa kanya!
Patuloy ni Vanessa, “Drew, Puwede mo naman siya dalawin samin…. hanggang makaalis kami...”
“Sabing ayoko! Hindi ako papayag!” pagmamatigas ni Drew. Akmang aagawin ang anak pero pinigilan siya ni Gilbert.
Si Drew, halos magmakaawa sa Tatay niya na kampihan siya, “Tay wag naman kayong pumayag kunin ang anak ko…”
“Pero anak…” puno ng awa si Gilbert kay Drew.Si Raquel, halatang nahihirapan din. Ayaw niyang malungkot ang anak niya. Pigil ang luha niya na kukumbinsihin ang anak, “Drew making ka, nadinig mo naman di ba? Kung gusto mo, pagkagaling mo sa eskuwela.. Dun ka kina Vanessa...Sa anak mo...”
Ayaw pa din ni Drew. Para sa kanya hindi sa sapat iyon. Ang gusto niya manatili ang anak niya sa piling nya.
Kaya halos lumuhod siya kay Vanessa. Pinakiusapan na wag na ituloy ang pinaplano nitong pag-alis.Pero desidido na si Vanessa, “Sorry Drew...Pero sana maintindihan mo....” At saka tumalikod para umalis pero si Drew…
“Parang awa mo na Vanessa, wag mong ilayo ang anak ko sakin!” mahigpit ang kapit ni Drew kay Vanessa. Ayaw bumitaw. Ayaw paalisin.
“Drew, I’m sorry talaga…” apologetic si Vanessa. Sobrang guilty. Hindi niya gustong mapunta sa ganong sitwasyon ang lahat.
Si Drew, halos magmakaawa pa din kay Vanessa.
“Drew! Nasasaktan na si Vanessa at ang anak mo!” saway ni Gilbert.
“Drew... Ibigay mo na...” naiyak na din si Raquel. Hindi niya kayang makita ang anak niya na sobrang nasasaktan. “Anak, please…hayaan mo na silang makaalis.”
Sa pakiusap ng ina, unti-unting nagparaya si Drew. Bumitaw na kay Vanessa. At saka tuluyan nang nakaalis sina Vanessa at Helen.
Drew breaks down. Parang batang nagmukmok. Niyakap lang siya ng todo ni Raquel.
Sobrang broken hearted si Drew. Para siyang mamamatay kung ilalayo sa kanya ang anak niya.
***
Lumabas ng bahay si Drew para magpahangin. In a way nagtatampo siya sa mga magulang dahil mas pinaboran ng mga ito si Vanessa.Sa gym, kasama niya ang mga kaibigan.
“Hindi ko puwede hayaan na mawala ng tuluyan sakin si Alby...gagawa ako ng paraan!” pangako ni Drew sa sarili.“Tulong kami sayo! Kami yata mga Ninong!” agree si Arkin!
“Pero anong gagawin mo Drew…anong gagawin natin?” curious si Dion.
Tahimik lang si Drew. Hindi niya din alam kung paano nga?
“Kung gusto mo, resbakan natin e!” biro ni Arkin.
“Ano ka ba seryosong usapan to!” saway ni Dion kay Arkin. “Pero Drew, kung kelangan mo ng tulong namin, andito lang kami!”Tango lang si Drew. Sa isip niya, namumuo ang isang malaking plano para ipaglaban ang anak.
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)