Tandem

4.7K 65 11
                                    

Matapos ang klase, diretso uwi agad si Drew. Gusto sana niyang sabihin sa mga magulang ang balak niyang DNA test, pero pagdating niya wala ni isang tao.

“Bakit walang tao?!” kabado agad si Drew.

Tingin si Drew sa crib. Wala si Alby!

“Wala ang anak ko!” panic si Drew. Takbo siya sa mga kuwarto. Wala siyang nakita!

Hanggang sa pumasok si Elise.

“Drew, anong nangyayari?” taka si Elise.

“Tita si Alby nasan? Kasama ba ni Nanay?”

“Ano?! E iniwan ko siya kay Cesar!”

“Ha, e nasan si Tito?” lalong natakot si Drew. Halos mapatulala, iniisip na baka iniwan ng Tito niya ang anak niya…tapos nakuha ni Vanessa!

Kabado na din si Elise, kukunin ang telepono, “Teka, tatawagan ko si Cesar!”


“Tita, tumawag na po tayo ng pulis!” suggest ni Drew.

Biglang sulpot si Cesar mula sa may pintuan. Karga si Alby, “Surpriseee!”

Gulat sina Drew at Elise. Tatawa-tawa lang si Cesar. Feeling niya benta ang joke niya.

“Alby!” sabay kuha agad ni Drew ang anak, “Kala ko kinuha ka na ni  mommy mo sakin e!”

Naguilty si Cesar, “Uy joke lang!”


“Hindi po nakakatawa!” Galit si Drew. Yayakapin ang anak.

Si Elise, inis din sa asawa, “Ano na naman kasi pumasok sa kukote mo?!”


“Nagbibiro lang naman!” defense ni Cesar.

“Cesar ang corny mo e, huwag mo na uulitin yun, puwede?!”

Matatahimik si Cesar. Tingin ang mag-asawa kay Drew. Kita nila na natakot si Drew ng sobra. Sobrang takot na mawala ang anak nito sa kanya.

***

Nagpasyang umuwi na sina Cesar at Elise. Naiwan mag-isa si Drew na mag-alaga sa anak niya.

Pero maya-maya lang, may kumatok sa pintuan.

Nagdalawang isip si Drew buksan, alam niya kasi mamaya pa ang uwi ng parents niya. 

Sa isip niya, baka sina Vanessa at Tita Helen!

Pero malakas ang loob ni Drew, handa niyang ipaglaban ang anak!

Nang pagbukas niya ng pinto, si Camille ang nakita niya. Nakahinga siya ng maluwag.

Agad pinapasok ni Drew si Camille, “Bakit di ka pumasok kanina?”

“May inayos lang ako, Drew.”

Biglang change topic si Camille, nalaman niya na ang tungkol sa problema ni Drew. Naikwento na ni Blessie sa kanya lahat. Kaya siya pumunta para i-comfort si Drew.

“Bakit hindi na lang kayo mag-usap ng maayos?” advice ni Camille.


“Hindi naman makakausap ng matino yon. Magsisinungaling lang siya lalo.” sagot ni Drew, “Kaya nga yung DNA test na lang ang paraan para maayos lahat. Sana pumayag siya...”


“Hindi ka kinakabahan sa naiisip mong yan?”

Iling si Drew, “Bakit ako kakabahan? Alam ko naman yung lalabas sa resulta. Sila Vanessa ang dapat kabahan. Ebidensya yun na nagsisinungaling sila!”

Tango na lang si Camille. Mukhang desidido na kasi si Drew.

Si Drew, maaalala ang problema naman ni Camille, “E ikaw? Ano na ang solusyon sa problema mo? Naayos mo na ba?”

Hindi agad nakasagot si Camille. Biglang lang nalungkot.


Kaya si Drew may naisip, “Tara samahan mo na lang kami ni Alby lumabas...”

***

Sa malapit na park pumunta sina Drew at Camille. Tulak nilang dalawa ang stroller ni Alby.

Sinabihan ni Drew si Camille na i-share na sa kanya ang problema para mabawasan ang burden nito.

Kaya pag-amin ni Camille, “Kay Lola muna ako nakatira ngayon…”

“Ha?  Bakit?” taka si Drew, “Lumayas ka ulit?! Bakit naman?  Nung tumakas kami ni Alby noon, pinagsabihan mo ko...Tapos ikaw ngayon...”

Camille sighs, “Drew, I think I know now...kung bakit nag-aaway ang parents ko. Kung bakit hindi na mahal ni Mommy si Daddy...Sorry Drew...sa tingin ko dahil kay Tito Gilbert.”


Gulat si Drew, “Si tatay?!”

Tungo si Camille. Nahihiya.

Si Drew, mapapaisip, “Hindi yun, Camille... Imposible.”


Paliwanag ni Camille, “But it makes sense...Ex ni Tito Gilbert si Mommy...Mukhang siya ang pinagseselosan ni Daddy. Kaya madalas sila magtalo.”

“Camille, kilala ko si Tatay. Alam ko mahal na mahal niya si Nanay...Loyal yun!” pagtatanggol ni Drew kay Gilbert.

Mapapaisip si Camille. Si Drew, haharap sa kanya, “Sigurado ako...Kung ano yung iniisip mo, di totoo yun…Saka…sigurado naman…loyal din ang mommy mo! Kaya maling-mali ang daddy mo…” sabi ni Drew.

Muling natahimik si Camille.

Then may madidinig silang kumakanta from afar.

May makikita silang bulag na isang dalagita...tumutugtog ng gitara at kumakanta. Dinadaanan lang ito ng mga tao. Walang gustong pumasin.

Naisip ni Drew, “Ang dami nating problema, ‘no? Pero tingnan mo si Ate...Siya din naman may problema…Sabi ni nanay sakin noon, kanya-kanya lang naman tayo lahat ng problema. Pero mas maswerte ang ibang tao…”

“Dahil mas magaan ang problema nila?”


“Hindi…dahil may mga taong handang tumulong sa kanila…”

“Parang tayo...sa isa’t-isa...” naisip ni Camille.

“Oo. Nagtutulungan…Ganon na nga...” smile si Drew at Camille sa isa’t isa. Parang nabasa nila ang iniisip ng isa’t isa.

***


Nilapitan nilang dalawa ang dalagitang bulag. Nasa magkabilang side sila nito.

Nakipag-jamming sila. Si Drew, tinutugtog ang gitara ng dalagita... Si Camille, sumasabay sa pagkanta ng isang friendship song, “Kaibigan kita…kaibigan…kaibigang tuwina…Sino pa ang tutulong sayo…kundi’y ang katulad ko…kaibigan mo ako…”

Unti-unti, nagkumpulan ang mga tao sa paligid. Nakinig sa kanila. Mukhang tuwa ang lahat. Todo palakpakan. May kumukuha pa ng video.

Kita din ni Drew na si Alby mukhang enjoy din.

Unti-unting magbibigay ng pera ang mga tao sa dalagita.

Drew and Camille smile at each other. Enjoy sila sa ginagawa nila dahil alam nilang nakakatulong sila.

Sa mga mata nilang dalawa, kitang kahit papaano ay gumaan ang mga kalooban nila. Nakaklimutan nila saglit ang mga problema sa buhay.

Sa mga tingin nila, naroon ang pagpapasalamat nila sa isa’t isa.  Pasalamat sa friendship na meron sila…na kahit ano mang problema ang dumaan sa buhay nila. Nandyan sila para sa isa’t isa.

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon