Talsik

2.8K 38 8
                                    

Halos mataranta si Drew nang makitang papalapit na si Vanessa kasama ang mga magulang niya…handa ng kunin ang anak niya.

“Hindi…hindi!” biglang takbo si Drew karga si Alby. Mabilis.

“Drewww….” hindi nagawang pigilan ni Camille ang kaibigan.

Pati sina Gilbert at Raquel hindi nagawang habulin si Drew.

“Drew, ibalik mo sakin ang anak ko!” pasigaw na iyak ni Vanessa.

Si Raquel, iyak din dahil alala sa pagiging desperado ng anak. Para na itong nababaliw.

***


Sinubukan nilang sundan si Drew. Hinanap sa buong park. Pero hindi nila ito makita.


“Vanessa parang awa mo na, wag ka na tumawag ng pulis!” pakiusap ni Raquel kay Vanessa.


“Huwag niyo na po siyang tratuhing parang bata! Yung ginagawa niya, hindi na ginagawa ng bata yan!” bulyaw ni Vanessa.


“Vanessa…huminahon ka…”


“Ina rin kayo!!!  Kung nawawala ba ang anak niyo, hihinahon kayo? Hihinahon kayo???”

Haharang na si Camille, “Tama na…”


“Isa ka pa! Kinunsinti mo si Drew!” Sobrang galit na si Vanessa, banta nya, “Ipapahanap ko siya sa pulis! Hindi niya pwedeng gawin ito!”

Maiiyak muli si Raquel. Sobrang alala na sa anak.


***

Sa simbahan ng park,  naroon si Drew nakaluhod sa harap ng altar. Pinapatahan ang umiiyak na si Alby.

“Alam ko po, hindi tama itong ginagawa ko. Pero hindi ko na po alam ang gagawin ko e. Ayoko pong pabayaan si Alby. Pero ayaw ko din po siyang isuko…”

Tingin si Drew kay Alby. “Hindi po siya sakin... Pero hindi niyo naman po siya ibibigay sakin kung wala po kayong dahilan di ba? Siguro ito na po yun. Sana po tulungan niyo ko... na protektahan ko po si Alby. Sana po gumaling na siya…”

Pagkatapos ng dasal ni Drew. His phone rings. Tumatawag si Camille. Pero hindi nya sasagutin.

May iba siyang tatawagan, “Hello, Dion?”

 

Sa kabilang linya—

Si Dion, kasama si Arkin. Kanina pa sila naghihintay ng balita.

Isi-speaker mode ni Dion ang phone niya, “Drew, Pare! Nasan ka?!”

“Dion... Kelangan ko ng tulong mo. Kailangan ko na…” biglang mapuputol ang tawag. Nawalan ng signal.

Lalabas ng simbahan si Drew. Muling mag-da-dial.

 Pero si Gilbert, nahanap na siya.

“Drew!” haharapin siya ni Gilbert. Pero matigas pa din si Drew. Lalayo lang sa ama.

“Tay, hindi ko ibibigay si Alby kay Vanessa.”

Frustrated na si Gilbert. Mapapasapo na sa ulo.

“Drew, mali na itong ginagawa mo! Hindi ka na nag-iisip ng tama!”

Hurt si Drew, “Alam ko naman po e. Tingin niyo po siguro sakin, nababaliw na ko.”

Pigil ng galit si Gilbert.
Paliwanag pa ni Drew, “Tay, gusto ko lang po talaga makasama ang anak ko…kaya hayaan nyo na ko…”
Magtataas na ng boses si Gilbert, “Tumigil ka na Drew! Ibalik mo na kay Vanessa si Alby!”

“Ayoko! Ayoko!” takbo uli si Drew palayo sa ama.

Sa pagtakbo niya si Camille naman ang makikita niya.

“Drew…” tawag ni Camille. “Drew wag ka nang tumaas…”

Pero hindi pa din makikinig si Drew. Feel niya hindi niya na kakampi si Camille. Iiwas sya dito. Pero hahabulin siya  nito. Hanggang sa ---

Boooggshhh!

Paglingon ni Drew. Si Camille nabangga ng kotse! Bagsak. Duguan!

CAMILLLEEEE!!!

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon