Nagising si Drew sa tunog ng ringtone ng phone. Kahit nakapikit pa ang isang mata at tulog pa ang diwa niya, hinagilap niya ang phone. Pero habang ginagawa niya ito, napangiti si Drew… “Ang ganda na naman ng panaginip ko.”
Inabot ni Drew ang phone sa bulsa ng pantalon pero nagulat siya. Wala siyang bulsa. Kasi wala siyang pantalon. Nagtaka si Drew. Bakit wala akong damit?
Saka lang niya narealize kung nasaan siya… At sino ang kasama niya.Hindi panaginip ang lahat. May nangyari sa kanila ni Vanessa!
Hindi makapaniwala si Drew. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman. Lumingon siya sa tabi niya, andoon si Vanessa – tulog.
Pilit inalala ni Drew kung ano ang nangyari… bigla na namang nagring ang telepono niya. Hinanap ni Drew ang pinanggalingan ng tunog – sa bulsa ng pantalon na nasa sahig.
Kinuha ni Drew ang telepono. Ang una niyang tiningnan ay ang oras – 830. Pagkatapos ay ang call log. May 17 Missed Calls siya galing kay Camille. Sunod-sunod din ang text messages nito.
Drew. San ka na?
Antagal mo naman.
Huy Drew, ano ba!
Naiinis na ako… Sagutin mo ang phone mo!
Nasaan ka na? Bad trip na ako! Aalis na ako!
Drew, anong nangyari sayo? Bakit hindi ka nagrereply?
Drew, nag-aalala na ako. Please text back.
Gulong-gulo ang utak ni Drew. Paano si Camille? Bakit may nangyari sa kanila ni Vanessa? Ano na ngayon ang gagawin niya?
Gumalaw at umungol si Vanessa sa kama. Sa takot at kalituhan, gusto munang takasan ni Drew ang lahat. Kaya dinampot ni Drew ang damit na nagkalat sa sahig, sinuot ito ng mabilisan. At tumakbo palabas ng kuwarto ni Vanessa.
***
“Mac… sorry… May nangyari lang,” paliwanag ni Drew kay Camille sa phone. Naglalakad si Drew pauwi sa bahay nila. Hinanda na niya ang sarili na tatalakan siya ni Camille o aawayin. Pero nagulat siya, umiiyak si Camille sa kabilang linya.
“Andrew!!! Akala namin napano ka na. Saan ka ba galing? Bakit hindi ka sumasagot sa telepono? Okay ka lang ba? May nangyari ba?” Bakas ang pag-aalala sa boses ni Camille.
“Oo, Mac… may nangyari?”
“Anong nangyari?”
Paano ba niya ipapaliwanag kay Camille ang nangyari?“Mac… pwedeng saka ko na lang ikukuwento… pero sorry Mac ha…. Sorry at hindi ako nakasunod sa yo sa Coffee Cat…”
“Ang importante okay ka lang, Drew. Ikuwento mo na lang sa akin kapag nagkita tayo…”
“Hindi ka galit?” Taka si Drew.“Hindi… nag-alala kasi ako. Akala ko naaksidente ka. O may masamang nangyari sayo… Isang oras akong umiiyak. Isang oras akong nagdasal… Ngayong tumawag ka na… Hindi ko na magawang magalit sayo,” paliwanag ni Camille.
Lalong naguilty si Drew. Sana nagalit na lang si Camille sa kanya. Sana inaway na lang siya nI Camille. Hindi iyong ambait pa rin ni Camille sa kanya ngayon.
Nakarating si Drew sa bahay nila. Sinalubong siya ng ina niyang si Raquel at amang si Gilbert. Galit.
“Saan ka ba galing, Andrew? Nandito si Camille at mga barkada mo kanina… hinahanap ka!”
“Sorry, Nay… Nagkausap na po kami ni Camille. Nagpaliwanag na po ako…”
“Kayo ni Camille nagkausap na… Eh sa akin, hindi ka ba magpapaliwanag?”
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)