It's a tie!

29.7K 266 20
                                    

Nakabili na ng string ng gitara si Drew at palabas na sana sa music store nang bigla siyang tumigil. May tiningnan.

Napansin ito ni Camille. “O. bakit?”

Nakita ni Camille ang tinitingnan ni Drew – ang naka-display na Taylor Guitar na color red.

“Ang ganda nung gitara, Mac!” Sabi ni Drew. “Sana may magregalo ng ganyan sa birthday ko.”

“Asa ka pa. Ang mahal kaya niyan!”

“Eh ano? Siguradong mahal ako ng kung sino man magbibigay sa akin niyan.”

Natigilan si Camille. Napatingin ulit sa gitara. Sa isip ni Camille, kung may pera lang siya, binili na niya yun para kay Drew. Pa-birthday niya.

 ...

 “Maaga pa, dude, mamaya na tayo uwi,” hiling ni Drew.

“Anong gagawin natin?”

Napadaan sila sa arcade. Na-excite si Drew. “Ayan o! Arcade tayo!”

Hinila ni Drew si Camille at pumasok sila sa arcade. Nagload si Drew sa power card niya ng 100.

“Kasya na siguro to,” sabi ni Drew. “Anong gusto mong laruin natin?”

 Namili sila ng paglalaruan. “Ayun, dude! Time crisis!” Turo ni Drew.

Ayaw sana ni Camille sumunod. Sa totoo lang, hindi naman siya mahilig sa barilan at mga bombang sumasabog. Pero kapag si Drew na ang nagyaya, hindi na kayang tumanggi ni Camille.

“O, tig-isa tayo,” sabi ni Drew sabay abot ng kulay red na baril kay Camille. Kulay blue naman kay Drew.  Ini-swipe ni Drew ang card niya at nagsimula na ang laban.

Magkakampi si Drew at Camille. Kalaban nila ang mga terrorists at ang big boss nito.

Sadyang gigil lang si Drew kaya sugod siya ng sugod kaya madali siyang napatay ng mga kalaban. Si Camille naman, tantyado ang kilos. Marunong magtago at umiwas. Mabilis ang mga mata. Kaya OUT na si Drew, si Camille, buhay pa.

“Ayaw mo na mag-reload?” tanong ni Camille habang binabaril ng machine gun ang mga kalaban.

 “Sayang. Ikaw na lang… Tapusin mo na yan,” sabi ni Drew. Pero hindi umaalis si Drew sa tabi ni Camille.

Hanggang sa nakarating si Camille sa level na domoble ang mga kalaban. May helicopter pa na kailangan pasabugin.

“Mac! Ayun o!” Turo ni Drew. Sa sobrang excitement ni Drew, bigla siyang pumunta sa likod ni Camille, hinawakan ang baril na hawak ni Camille at tinulungan itong magbaril ng mga kalaban.

Camille froze. Nasa likod niya si Drew. Nakayakap halos sa kanya. Hawak ang kamay niyang may hawak na baril.

Nailang na naman  si Camille. Umiwas kay Drew. “Ikaw na nga lang magtapos! Panira ka ng laro,” kunwari galit si Camille.  Si Drew ang nagtapos ng laban. At mabilis din itong namatay. GAME OVER.

 ***

 Mahaba na ang pila sa MRT. Inis na inis si Camille at tinatalakan niya si Drew.

“Dapat kanina pa tayo umuwi eh!” Paninisi ni Camille. “Hindi na sana tayo nag-arcade!”

“Nag-enjoy ka naman eh!” Sumbat nI Drew.

Hindi sumagot si Camille. Nag-enjoy nga ba siya?  

“Paano ako mag-enjoy. Epal ka! Inagawan mo ako ng baril…”

“Kaya ba kanina ka pa umiiwas sa akin?” Tanong ni Drew. “Dahil sa Time Crisis?”

“Hindi kaya. Hindi yun ang rason!”

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon