Fastbreak

2.8K 44 1
                                    

Hindi pa nakakalayo sila Drew nang may makita si Arkin banda sa crossing.

“Uy! Si Camille yun ha?” sabay turo ni Arkin kay Camille na mag-isang nakaupo sa isang waiting shed.

“Oo nga no!” namukhaan na din ni Drew.

Mukhang malalim ang iniisip ni Camille. Mukhang problemado din.

“Camille!” tawag ni Drew. Lapit siya sa kaibigan.

Gulat si Camille na makita siya ni Drew, “Drew! Pano mo nalamang andito ako?”

“Actually, nakita ka lang namin” sagot ni Drew. Biglang mapapansin ang back pack ni Camille, “Saan ka pupunta?”

Hindi nakasagot si Camille. Pero nang mapatingin si Drew sa mga mata ni Camille. Kilala niya ito, gaya niya…may tinatakasan din ito!

***

Samantala, sila Vanessa nagkakagulo pa din sa paghahanap kina Drew. Tinatawagan ni Gilbert si Drew, “Hindi rin niya sinasagot tawag ko, Ling,”

Darating sina Cesar at Elise, “Naikot na namin ang buong kanto, Ate. Pati kabilang kanto, sinuyod na namin…di namin makita sina Drew.”

“Sila Arkin at Dion, tawagan mo na din kaya, Ling?” suggest ni Raquel.

Hanngang sa dumating si Helen na nabalitaan na ang nangyayari, “Diyos ko, Vanessa! Tinakbo na niya ang anak nyo!”


“Huwag naman tayong mambintang…Baka may binili lang…” paniwala ni Raquel.

Iling lang si Helen sa sagot ni Raquel. Helen blames Vanessa.

“Nakita mo na! Paano kung hindi na bumalik si Drew at tinangay na ang anak mo… Sana hindi na kita pinayagan na bumisita pa dito!”

“Nay naman, wala namang magagawa ang paninisi nyo ngayon e.”

“Wala nga! Pero paano pa tayo makakaalis? Kung nawawala ang apo ko!”

“Nay, umuwi na lang po muna tayo…” yaya ni Vanessa “sigurado ako uuwi din si Drew maya-maya…”

 “Hindi ako uuwi hanggat hindi ko kasama ang apo ko!”

“Tatawagan ko na lang kayo kapag dumating na si Drew…” sabi ni Raquel.

“O kaya… ihahatid na lang namin si Alby sa inyo.” Paninigurado ni Gilbert.

“E Pano kung hindi na bumalik ang anak niyo?” pangamba ni Helen.

“Kilala ko ang anak ko. Oo, pabigla-bigla siya minsan ng desisyon. Pero sa huli, naiisip din niya kung ano ang tama.  Babalik yun!” sagot ni Raquel.

Duda pa din si Helen sa sagot ni Raquel.

***

Nasa byahe sila Drew. Nakatulog na ang barkada. Karga lang niya si Alby, kinakausap, “Hindi na kita ibabalik sa Mommy mo, Alby… Kasi ilalayo ka lang niya sa akin… Kaya lalayo tayong dalawa sa kanilang lahat.”

Magriring ang phone ni Drew. He checks his phone. Tumatawag si Raquel.

“Alam ko… maiintindihan ako nina Nanay at Tatay…” sa isip niya.

Drew gets his phone. Turns it off. Yayakapin si Alby. Convinced siya na tama ang ginagawa niya.

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon