Kahit anong paliwanag ni Camille, hindi siya pinapakinggan ni Slyvia. Nasa office na sila ni Sylvia. Hindi kasama si Drew.
“Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?” todo sermon si Sylvia “Ano na lang iisipin nila kung sila ang nakakita sa inyong dalawa?”
“Pero Ma, wala talaga kaming ginagawang masama ni Drew!” giit ni Camille.
“Sige sabihin natin ngayon wala! Pero pano next time?” paranoid si Slyvia. Naisip niya ang worst case scenario!
“Ma!!!” sobrang hurt na si Camille. Para sa kanya, ganon kadumi mag-isip ang mommy niya? Ganon ka walang tiwala ang mommy niya sa kanya!?
“Camille, I trust you! But I don’t trust Drew anymore!” paglilinaw ni Sylvia. Utos niya sa anak, “Stay away from him!”
Napailing na lang si Camille. Useless nang makipagtalo sa mommy niya. Kaya walkout siya!
“Camille comeback!” tawag pa ni Slyvia. Pero hindi siya nilingon ni Camille.
***
Naikwento na ni Drew kina Raquel at Gilbert ang nangyari sa school.
Worried si Gilbert, “Dahil dyan, sigurado akong mas papaboran na ni Slyvia ang ma-expel ka, Drew.”
“Naku! Wag naman sana…” hoping si Raquel na hindi pabigla-bigla si Sylvia.
“Pero Nay, kung mangyari man ang kinakatakutan natin. May mahihingan po ako ng tulong…” nakausap ni Drew ang Daddy ni Dion na lawyer.
Naikwento ni Drew na nung una hindi pumayag ang Daddy ni Dion. Pero nung nagmakaawa siya at naikwento ang lahat ng nangyari. Bigla itong pumayag. Hindi niya alam kung bakit.
Ang hindi alam ni Drew, napahanga niya ang Daddy ni Dion. Nakita sa kanya ang pagpupursige sa pag-aaral at pagiging isang responsableng ama kahit sa murang edad nito.
“Mabuti naman…sigurado akong maipapanalo natin to anak!” positibo si Raquel.
Hanggang sa marinig nila ang sunod-sunod na katok sa pintuan.
Tok! Tok! Tok!
Pagbukas nila ng pinto, nasa harap nila sina Sylvia at Armand.
“Nandyan ba si Camille?” mukhang worried si Sylvia.
“Wala po siya dito Tita…” sagot ni Drew.
“Alam mo ba kung saan siya pwedeng pumunta?” naikwento ni Armand na kanina pa hindi umuuwi si Camille. Hindi din ito sumasagot ng telepono.
Napaisip si Drew, “Baka po kasama niya si Blessie o kaya si Toffer?”“Hindi daw dumaan sa kanila si Camille” sagot ni Slyvia. Halos maluha na. Hindi alam kung saan hahanapin ang anak.
Nag-alala na din ang buong Medina. Lalo na si Drew. Feeling guilty si Drew, alam niyang siya ang puno’t dulo ng pag-aaway ng mag-ina. Kaya tumulong na siya sa paghahanap.
Pinuntahan ni Drew ang Coffee Cat kung saan madalas tumambay si Camille. Pero negatib, wala doon si Camille.
Ang nakita niya doon ay ang barkada na katatapos lang mag-karoling.
“Saan pa ba madalas tumambay si Camille?” todo isip si Arkin.
“Kung ako si Camille…san kaya ako tatambay kung malungkot ako?” tanong ni Dion.
“Tama!” naisip ni Drew ang sagot! Alam niya na kung saan pwedeng pumunta si Camille.
***
Sa gym sa kabilang kanto, ang laging madalas puntahan ni Camille kapag gusto nito mapag-isa. Ang gym kung saan dati silang madalas maglaro ng basketball ni Drew at ng barkada.
“Oo nga no? Di ko naisip dito ha!” panghihinayang ni Arkin.
“Sabi ko na e!” tanaw ni Drew ang nakaupong si Camille. Nakatingin lang si Camille sa isang umiilaw na parol. Halatang malalim ang iniisip.
“Galing mo dude!” sobrang hanga sina Arkin at Dion. Kilalang-kilala ni Drew si Camille!
“Peram nga muna nyan…” sabay kuha ni Drew ng guitar ni Arkin. “Samahan nyo ko, bilis!”
Dahan-dahang nilapitan nila Drew si Camille. Dahan-dahan niyang pinatugtog ang gitara.
Jingle bells, jingle bells, jingle all the way… Oh! What fun it is to ride in a one-horse open sleigh.
Kanta ni Drew. Back up sina Arkin at Dion.Gulat si Camille. Paano nila nalamang andito ako?
Tuloy ang tatlo sa pagkanta, “Jingle bells, jingle bells, jingle all the way… Oh! What fun it is to ride in a one-horse open sleigh.”
Kinaroling nila si Camille. Pero si Camille ang feeling niya hinaharana siya ni Drew.
Todo performance ang barkada. Kulitan ang tatlo. Pinapasaya nila si Camille.
Tuwang-tuwa naman si Camille. Hanggang sa sumabay na din siya sa pagkanta.
Sa isip niya, ngayon na lang uli siya nakipag-bonding ng ganito kina Drew.
Nang matapos ang ilang kanta. Si Drew, pinakiusapan na si Camille “Tara na umuwi ka na…nag-aalala na ang mommy at daddy mo sayo…”
Muling sumeryoso si Camille. Halatang ayaw niyang umuwi.
Kaya si Drew, binalik ang payo sa kanya ni Camille, “Di ba sabi mo, Kung lagi mong iisipin kung ano ang tingin ng mga tao sayo…lagi kang matatalo.”
Dagdag pa ni Drew, “Pero sigurado ako, sobrang concerned lang ang mommy mo sayo. Parang si Nanay Raquel lang…”
Sa mga sinabing iyon ni Drew, napangiti si Camille. May punto si Drew.
Kaya sa huli nagpasya nang umuwi si Camille. Hinatid pa siya nila Drew. Lumingon si Camille kay Drew. Parang bumalik iyong dating Drew na kaibigan niya. Yung Drew bago nito nakilala si Vanessa. Iyong Drew na hindi pa nakakabuntis… Hindi pa nagiging ama.
At si Camille, napa-wish… Kung puwede lang sana ganito na lang sila ni Drew… Walang Vanessa. Walang baby. Walang problema…
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)