Walang kaalam-alam sina Drew at Camille na papasok na sa loob ng park sina Gilbert at Raquel kasama si Vanessa.
“Papano po kung tumakbo lang si Drew?! Baka hindi na niya ibalik ang anak ko!” ang pangamba ni Vanessa.
“Gagawin namin ang lahat para maibalik sa’yo si Alby, Vanessa,” pangako ni Gilbert.
“Kanina niyo pa ho siya tinatawagan di ba? Hindi po siya sumasagot. Baka hindi siya makinig sa inyo…”
“Malinaw na kay Drew na wala siyang karapatan sa anak mo...Nag-aalala lang siya kay Alby.” Depensa ni Raquel.
Mapapailing si Vanessa, “Nag-aalala? Hindi yun pag-aalala. Tinakas nya ang anak ko!”
Matatahimik sina Raquel at Gilbert. Kahit ilang beses nila i-deny sa sarili, ganon na nga ang lumalabas na ginawa ni Drew.
“Kapag hindi niya talaga binigay si Alby. Kailangan ko na itong i-report sa pulis!” panakot ni Vanessa.
Gilbert makikiusap.
“Kakausapin namin siya, Vanessa...Makukumbinsi namin si Drew.” Paninigurado ni Gilbert.
“Sana nga Tito Gilbert. Kaligtasan ng anak ko ang nakasalalay dito.”
Kabado ang tatlo sa posibleng maging reaksyon ni Drew sa pagkikita nila.
***
Habang sa campsite, kababalik lang ng dalawa. Si Camille sinimulan ng kausapin si Drew sa mga sunod na plano nito.“Ano na ba talagang balak mo, Drew? Paano na si Alby?”
Mapapaisip sandali si Drew, ang sagot niya, “Siguro, lalayo muna ako. Maghahanap ng trabaho. Kaya ko naman buhayin si Alby.”
“Sigurado ka ba sa balak mong yan?”
“Hindi.” Malungkot na sagot ni Drew.
“Kung ganon, umuwi na lang tayo, Drew. Ibalik mo na si Alby,” diretsong payo ni Camille. Para sa kanya, wala ng ibang choice si Drew. Baka mapahamak lang si Alby.“Hindi siya mapapahamak. Kasama niya ko…hindi ko siya pababayaan…akin lang ang anak ko.” Pagmamatigas ni Drew.
Napabuntong hininga na lang si Camille sa katigasan ng ulo ng kaibigan. Mukhang mahihirapan siyang i-convince ito.Hanggang sa napansin ni Camille na may iba kay Alby.
Nang kargahin ni Drew si Alby. Naramdam niya ang init nito. Hindi lang sinat. Mukhang nilalagnat na!
Worried agad ang dalawa lalo na si Drew. Hindi nila alam ang gagawin.“Teka tatawagan ko si Blessie…” para itanong ni Camille kung saan banda ang clinic o medical team sa park.
Pero hindi makontak si Blessie. May iba pang naisip si Camille.“Teka tatawagan ko si Mommy…”
“Wag, Camille,” pigil agad ni Drew. Sigurado siyang pag dumating si Sylvia, papauwiin sila. At pag-umuwi sila…mababawi na ang anak niya.“Pero, Drew yung anak mo…may sakit na!” singhal ni Camille.
Para sa kanya, hindi dapat isaalang-alang ni Drew ang kalusugan at kaligtasan ni Alby. Kailangan na talaga nilang umuwi.
Iling lang si Drew. Ayaw pa din niya!
Hanggang sa ---
“Drew!” sigaw ni Vanessa papalapit sa kanila.Gulat si Drew na makita si Vanessa kasama ang mga magulang niya!
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)