Takas

4.5K 59 3
                                    

Napunta sila Drew sa Tagaytay…sa rest house nila Dion.

“Ang paalam ko kay Daddy, may bonding tayo kaya tayo andito…” pero hindi alam ni Dion kung hanggang kelan sila pwede mag-stay.

“Pasensya na, nadamay pa kayo sakin…” apologetic si Drew.

“Sakin din…” sagot din ni Camille.

“Teka, ano nga pala problema mo, Mac?” curious si Arkin. “Bakit ka lumayas?”

Muling malulungkot si Camille. Hindi niya magawang masabi na dahil sa planong annulment ng parents niya.

“E kasi…kung hindi sa akin galit si Mommy…Si Daddy ang kaaway niya. Kanina, nagtatalo na naman sila…Lagi-lagi na lang…nagsawa lang siguro ako.” frustrated si Camille.

Si Dion, concerned sa kaibigan, “Pero Camille, baka kapag hindi ka pa umuwi ngayon, lalong magagalit ang Mommy mo…”

“Ayaw ko pa umuwi,  gusto ko muna mag-time out sa problema. Dito na lang muna ako…kasama kayo.”

“Naku, pano yan pag nalaman ni Maam Sylvia na kasama ka samin! Iskeyri!” takot ni Arkin.

“Sige aalis na nga lang ako…” akmang bubuhatin ni Camille ang bag.

“Uy joke lang!” sabay bawi ni Arkin. “Sama-sama tayo! Pinasok natin to! Kaya damay-damay na!”

***


Hatinggabi na. Hindi makatulog sina Drew at Camille.

Sa may veranda, tuloy ang usapan nila habang nakatingin sa mga bituin  sa maliwanag na kalangitan.

“Hanggang ngayon, umaasa ako na magbago ang isip ni Vanessa…na hindi niya kailangan umalis.” Para kay Drew kaya naman nilang pagtulungan ang pag-tustos sa mga pangangailangan ni Alby.


Pero mapapansin ni Drew na mas malalim ang iniisip ni Camille, “Yung totoo, Camille. Ano ba talaga ang dahilan ng pag-alis mo?”

Napatingin si Camille kay Drew. Gusto niya na i-share ang totoo.

“Annulment…” pag-amin ni Camille. “Gusto nilang maghiwalay…”


“Camille…” nalungkot si Drew sa nalaman. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

Fear ni Camille, “Natatakot ako Drew…parang di ko yata kaya na malayo sa isa sa mga parent ko.”

“Hindi…actually matapang ka nga Camille e.” sabi ni Drew, “Isipin mo, nandito ka ngayon…nagawa mong lumayo sa kanila.”

Pero duda si Camille sa naging desisyon. “Katapangan ba to? O kaduwagan? Parang may mali sa naging choice ko.”

“Hindi naman mahalaga kung mali ang choice mo. Ang mahalaga meron kang naging choice.”

 Paliwanag pa ni Drew, “Parang ako, ang choice ko…ipaglaban si Alby…kahit sabihin nilang lahat na si Vanessa ang may karapatan sa anak ko…Alam ko meron din ako! Kaya gagawin ko lahat para maipakita sa kanila yon! Gagawin ko lahat…para di kami magkahiwalay…”

“Ako din naman…gagawin ko lahat para maging okay si Mommy at si Daddy.” Pero naisip ni Camille, “Kaso mali ito, Drew.”

Natahimik si Drew.


Point ni Camille, “Hanggang kailan tayo magtatago…lalayo? Hindi puwedeng tatakas na lang tayo forever…”

Concerns pa ni Camille, “Paano na ang studies natin? Kakalimutan na lang ba natin lahat yun?

Napaisip si Drew.

“Honestly, hindi ko alam.. Ang alam ko lang ngayon… ayokong mahiwalay sa anak ko.” Sagot ni Drew.

“Aaminin ko naisip ko kanina, ang malayo sa problema…” mukhang mabilis natauhan si Camille “Pero mali e. We are being selfish, Drew. Iniisip  lang natin ang nararamdaman natin…ang feelings mo. Paano naman yung future ng baby mo? Paano na ang mommy at daddy ko na siguradong nag-aalala ngayon?”

Kinig lang si Drew.

“Drew… kung mahal mo talaga si Alby, ibibigay mo siya kay Vanessa. Kasi mas magiging maganda ang buhay niya sa America…” payo ni Camille. “Alam kong hindi madali ang mahiwalay sa baby mo…parang yung feeling na maghihiwalay sina mommy at daddy. Isa sa kanila…malalayo sakin.”

Drew tingin lang kay Camille.

“Kung ako ang tatanungin… ayoko silang maghiwalay. But then I realized… hindi na sila masaya…  In fact, they are miserable with each other…ang selfish ko naman kung pipilitin ko silang magsama para lang hindi ako masaktan…” realization ni Camille.

Dagdag pa nya, “Ganoon ka rin dapat kay Alby, Drew… Huwag mong isipin ang nararamdaman mo. Huwag mong isipin yung pain.. Dahil dapat ang iniisip mo kung ano ang mas makakabuti sa anak mo… I guess ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao. You’d want them to have a happy life… even if you’re no longer a part of it…”

Mapapaisip si Drew sa sinabi ni Camille. Ibabalik pa kaya nya si Alby kay Vanessa?

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon