KABANATA 6
"KUYA!" Humugot ng malalim na hininga si Ruan nang marinig ang pagtawag sa kaniya ni Luan. Nilingon naman niya ang huli. "Wow! Ano 'yang mga ngiting 'yan, hah?"
Marahil napansin nito ang ngiti sa labi niya. Natawa na lang siya nang tumabi ito sa bench na inuupuan niya, isinagi pa nito ang sariling balikat sa balikat niya.
Nakatanaw ang dalawa sa palayan, kasulukuyang may mga trabahante ng asyenda ang naroroon . Sumapit na ang tag-ulan kaya't nagtatanim na ang mga ito ng palay. Napalingon uli si Ruan sa kapatid nang marinig ang pagbuntong hininga ng huli.
"Kumusta?" anang niya, ibinaling sa mga magsasaka ang tingin.
"Hindi ba't ako dapat ang magtanong sa 'yo niyan?" ani rin ng nakababata at nasa kalangitan naman ang mata.
Maang siyang napatingin dito. "Huh? Bakit ako? Napa'no ba ako?"
Bahagyang natawa si Luan sa sinabi niya. Sumilay ang ngiti nito. His eyes is filled with sincerity and sadness.
"B-bakit?" Napakunot siya ng noo, nagtataka.
Bumunghalit lang ng mahinang tawa ang binata, saka ibinaling sa iba ang direksyon ng paningin. "Ano'ng ginawa ninyo ni Señorita Eva, kuya? Bakit siya nasa bahay kanina? Halos limang oras yata?" paglalayo nito sa usapan.
Sa totoo lang, hindi klaro sa isip niya kung anong nangyari sa kanila ng Señorita. Hindi niya rin alam kung ilang oras silang nagkasama. Ang naaalala lang niya bago niya maipikit ang mata ay magkatabi sila nito, at may ligaya sa dibdib niya dahil sa pinagsaluhan nilang halik.
Noong nagising siya, mga alas tres na ng hapon; wala na sa tabi niya ang dalaga. Lumabas siya para ito ay hanapin pero wala na talaga si Eva. Pagbalik niya sa loob ng bahay, nakita niya na nag-iwan pala ito ng sulat sa lamesa, kasama ang mga niluto nito. Gustuhin man niyang kainin iyon, kaso hindi p'wede; allergic siya sa manok.
Nakita niya kanina mula sa labas ng tarangkahan ng bahay-hacienda ang Señorita na nakadungaw sa binata ng bahay-hacienda ng mga ito. Hindi siya tumuloy pumasok sa loob bakuran ng mga ito, nahihiya siyang ipakita ang mukha kay Eva. Gustuhin man niya itong lapitan, pero hindi niya malabanan ang umuugong na kaba at hiya sa dibdib.
Bumalatay ang ngiti sa labi niya nang muling maalala ang naganap kanina sa silid niya. Hindi niya akalaing mangyayari iyon. Walang mapaglagyan ang galak sa dibdib niya nang mga sandaling iyon. Hindi man kumpleto ang naaalala niya, subalit sapat na iyon para umapaw ang ibayong ligaya sa puso niya.
Napahawak siya sa sariling labi, lumuwang pa ang pagguhit ng ngiti nang maalala tinugunan ng Señorita ang halik niya, at ito pa ang nagtuloy nang tumigil siya. Bumunghalit siya ng mahinang tawa, kalakip ang kilig.
Paano ko kaya siya haharapin? Ano'ng mukhang ihaharap ko kay Señorita? Eh? Nakakahiya! Para siyang babaeng kinikilig sa isiping iyon. Napatakip pa siya sa bibig at ilong niya.
Napabalik na lang siya sa reyalidad nang maramdaman ang bigat na mga matang nakatingin sa kaniya mula sa paligid niya. Naglaho sa isip niyang kasama pala ang kapatid sa bench na inuupuan niya. Tinapunan niya ito ng tingin at bumungad sa kaniya ang mga linya sa noo ni Luan. Mababanaag ang sinseridad, pagkalito, at pagtataka sa mukha nito. Napahagalpak siya ng tawa upang maitago ang hiyang nasa loob.
Hindi naman nakitaan ng kasiyahan ang kapatid niya at mas lalo lang kumunot ang noo.
"K-Kuya?" untag ni Luan. Maang napataas ang isang kilay niya, hindi napalis ang ngiti sa labi. "'Wag mong sabihing... may kababalaghang nagana-"
Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil sa tinakpan niya ang bibig nito. Alam na niya ang sasabihin nito kaya't hangga't maaari, ayaw niya iyong marinig. As far as he remember, walang nangyaring seksuwal sa pagitan nila ni Eva, naglapat lang ang mga labi nila at natulog nang magkatabi.
BINABASA MO ANG
HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)
RomanceMagmula nang magkaisip si Ruan, nangako siya sa sarili na balang-araw ay pakakasal siya sa natatanawang batang-babaeng nakadungaw sa durungawan ng bahay-hacienda sa Hacienda Velaya. Little did he know, they both shared the same sentiment; she was al...