KABANATA 16
NAPAMULAT ng mata si Ruan nang maramdaman niyang tila may mga matang nakamasid sa kaniya habang siya ay natutulog sa silid niya.
Bahagya siyang bumangon sa pagkakahiga. Itinukod niya ang dalawang siko sa kama habang kinukusot ang mata upang tiyakin ang malabong bultong parang nakaupo sa kama niya. Hindi nga siya nagkakamaling may taong nanonood sa kaniya habang naglalakbay ang diwa niya.
"S-Señorita E-Eva?" napatigalgal siya sa pagsasalita. Ang nakangiting si Eva ang bumungad sa kaniya. Bakas sa mukha ni Ruan ang pagkabigla sa nakikita. Hindi niya batid kung bakit nasa niya ito. "A-anong g-ginagawa ni'yo rito?"
Lumapit si Eva sa kaniya at hinagod ang buhok niya, pagkuway hinaplos ng isang palad nito ang pisngi niya. May gumapang na fondness sa dibdib ni Ruan nang maramdaman ang init ng palad nito. Pinamulahan naman ng mukha ang babae nang tingnan niya ito sa mata.
"Why? Is it forbidden to visit my dear boyfriend in his house?" anito, nakangiting bina-brush up ang buhok niya. "Stop acting, Sinta. Wala tayo sa labas."
Gumuhit sa labi ni Ruan ang matamis na ngiti nang marinig ang tinuran ng Señorita. Sumilid ang galak sa dibdib niya. Tuluyan siyang bumangon. Maingat niyang kinuha ang isang palad ng Señorita at kinintalan iyon ng halik.
"Hindi naman. Nabigla lang ako, Sinta ko. Nababahala lang ako, baka kasi may nakakita sa iyo nang magpunta ka rito," malambing na usal niya habang ang mata ay nananatiling nakatingin sa mata ng isa't isa.
Kung puwede lang ay araw-arawin na ng Señorita ang paggising nito sa kaniya. Hinding-hindi siya tatamaring bumangon kung ang sinisinta ang unang bubungad sa umaga niya.
Namalayan na lang niyang pareho na silang nakahiga sa kama ni Eva. Nakayapos ang dalaga sa hubad niyang katawan, nakasandal ang ulo aa kanan niyang braso, habang siya naman ay muling ipinikit ang mga mata. Walang mapaglagyan ang saya sa puso niya. Ang dating pinapangarap niyang babae ay kasama na niya ngayon sa isang silid at magkayapos pa silang dalawa.
Isang buwang na rin ang nakalilipas magmula noong nagtungo siya sa silid ni Eva upang ito ay pakainin. Nakabawi na ito ng lakas. Hindi man inirerehistro ng mukha ng Señorita ang lungkot sa nangyari sa pamilya ay ramdam iyon ni Ruan. Nababanaag pa rin niya ang pangungulila sa mata ng mahal niya. Pinipilit niyang gawin ang lahat upang panandaliang makalimot ang Señorita sa nangyari.
Sariwa pa sa kaniyang isipan ang nangyari sa kanila ng Señorita noong araw na iyon. Hinding-hindi iyon mawawala sa isipan niya. Ang mga maiinit na haplos ng palad ng babaeng tinatangi-tangi niya, ang mga masusuyong halik na puno ng pagmamahal para sa isa't isa. Kasama sa hanay ng mga pinakamasasayang sandali ni Ruan ang araw na iyon. Ang araw inangkin nila ang isa't isa ni Eva; ang araw na puno ng pagmamahalan, ang araw na nagtapat siya ng pagmamahal niya para dito. Sa tagpong iyon din ay nagtapat din sa kaniya ang Señorita.
Hindi na sila nagsayang pa ng mga oras noon at muling inangkin ang isa't isa. Nang araw ding iyon nagsimula ang lihim nilang relasyon.
Hindi mawala sa isip niya ang sinabi sa kaniya ni Don Lando noon nang lumabas siya sa silid. Inakbayan siya nito habang iginigiya patungo sa main terrace ng bahay.
"Take care of my beloved daughter if I am gone. Alam kong magiging masaya siya sa 'yo, alam kong hindi mo siya pababayaan, alam kong gagawin mo ang lahat para sa kanya. Please, Ruan? Mangako ka, anak?"
Napamulat siya sa isiping iyon. Hindi malinaw sa isip niya ang sinasabing iyon ng don. Hindi niya batid kung may alam na ba ito hinggil sa nagaganap sa pagitan nila ni Eva. Gayunpaman, pinanatili pa rin nilang lihim ang relasyon nila. Hindi pa sila handang ipagtapat iyon sa matanda.
BINABASA MO ANG
HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)
RomanceMagmula nang magkaisip si Ruan, nangako siya sa sarili na balang-araw ay pakakasal siya sa natatanawang batang-babaeng nakadungaw sa durungawan ng bahay-hacienda sa Hacienda Velaya. Little did he know, they both shared the same sentiment; she was al...