KABANATA XXVII

116 17 1
                                    

KABANATA 27

Flashback...

"OH, LUAN, bakit? Sa'n ang punta mo?" takang-untag ni Ali kay Luan, nakahawak kasi ito ng payong at parang nagmamadaling lumabas.  "Malalim na ang gabi, ah? Si Ruan nga pala? Kanina ko pa siya hindi nakikita, ah? Tulog na ba?"

Palabas sana sa bahay si Luan para sunduin ang kapatid nito. Nahagip kasi ng gilid ng mata nito ang hitsura ng langit mula sa durungawan ng silid nito kanina. Wala na ang buwan at mga bituin. Natatakpan na ito ng mga ulap, senyales na nagbabadyang bubuhos ang ulan.

Sumagi sa isip nito ang nakakatandang kapatid, kailangan nito itong sunduin. Hindi ito puwedeng mabasa uli ng ulan.

"Kuya samahan mo nga ako, sunduin natin si Kuya." Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Luan. "Mukhang nagbabadyang bumuhos ang malakas na ulan, e." Matapos ay sinabi nito ang lokasyon kung nasaan si Ruan. 

"Ano?!" turan niyang napatayo, saka kinuha ang payong na nasa sulok at iginiya ang sarili palabas ng bahay. Sinundan naman siya ng binata.

"K-kasama ba niya si Eva?" Ang akala ni Ali ay nasa loob na ng silid ang kaibigan. Wala pa roon ang mga magulang nina Luan dahil nasa mansyon pa ang mga ito.

"Oo, Kuya, magkasama sila ng babaeng iyon!" Mahihimigan ang pagka-irita at inis sa tinig ni Luan. Patakbo nilang binagtas ang daan patungo sa kuwadra ng mga kabayo malapit sa bahay-hacienda.

Alam ni Ali ang nararamdamang inis ni Luan para kay Eva. Madalas niya itong mapansing masama ang tingin sa Señorita, lalo na kapag kasama ng dalaga ang kapatid nito. Inaakbayan na lang niya ito at iginigiya palayo sa tuwing ganoon ang tagpo.

Kilalang-kilala at alam na alam ni Ali ang ugali ni Luan. Hindi niya rin ito masisisi dahil maski siya ay nakikitang nalalagay sa kapahamakan ang kalusugan ni Ruan sa tuwing kasama nito ang Señorita.

Hindi naman siya tutol sa relasyon ng kaibigan at Señorita. Wala naman siyang karapatan doon. Ang sa kaniya lang, sana ay huwag namang dalas-dalasin ang pagkikita nila. Kung minsang makapag-demand kasi si Eva ay sobra na.

Nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang pagkikita nila. Pagod noon galing sa trabaho si Ruan. Rinig na rinig nito ang pag-uusap nina Ruan at Eva sa telepono dahil nasa silid siya ni Ruan.

"Eva, p'wedeng sa susunod na araw na lang tayong m-magkita? Pagod kasi ak—" putol na pakiusap noon ni Ruan dahil sumingit si Eva.

"Hindi p'wede!" may asik na sabi ng dalaga sa kabilang linya. "Gusto na kitang makita! Miss na miss na kita, Sinta. Pumunta ka na ngayon sa tagpuan. Kung ayaw mo, magtatampo ako sa 'yo!"

Napapailing na lang siya noon nang makitang lumabas si Ruan. Nagpaalam naman ito sa kaniya na tinanguan na lang niya. Gusto niyang isuhestiyon na matulog at magpahinga na lang ang binata ngunit hindi naman niya iyon masabi-sabi. Mababakas kasi sa mukha ng binata ang pagod, pagod sa pagtatrabaho sa kumpanya.

HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon