KABANATA 26
"SIGE, lumapit kayo! Papasubugin ko ang bungo ng babaeng 'to!" Nanggagalaiting pagbabanta ng armadong lalaki habang nakatutok ang baril nito sa ulo ng babae. Paunti-unti itong umaaatras habang kinakaladkad palayo ang babae sa ilang pulis na nakatuon din ang baril sa kanila.
Magulo, may nagtatakbuhang mga tao. Sunod-sunod ang pagbalot ng huni ng baril sa paligid. Maitim na usok ang mababanaag sa kalangitan dala ng nasusunog na yate malapit sa pampang.
"A-ahhh, b-bitawan mo ako! Ano ba?!" sigaw na daing ng babae. "A-Ate, ilayo mo si Ricket d-dito!" Tumalima naman ang babae at hinila siya nito palayo sa pinangyayarihan. Matapos niyon ay panaka-nakang nilapatan ng dilim ang buong paligid.
Nasa loob na siya ng isang sasakyan nang imulat niya ang mga mata, nasa backseat siya, nakagapos ang kaniyang mga kamay at nakabusal ang tela sa kaniyang bibig.
Nakalas niya ang nakabusal sa kaniyang bibig sa ilang ulit na pagpilig ng ulo pakanan at pakaliwa, hindi gaanong mahigpit ang pagkakatali niyon kaya madali niyang nakalas.
Kapanabay ng pagkahagip ng mga mata niya sa hitsura ng lalaking nagmamaneho ng sasakyang kinaroroonan niya ay ang muling paglamon sa kaniya ng dilim.
Ang sumunod na senaryo ay masaya siyang tumatalon-talon sa malambot na kama kasama ang isang bata. Nagtatawanan sila nang mabangga ang isa't isa at napaupo sa kama.
"Oh, anak, tama na 'yan at matulog na kayo nang mabilis kayong tumangkad, Mukhang uulan na," ani ng babae na pumasok sa silid na kinalalagyan nila ng bata.
"Nay, can I take a shower in the rain?" sambit niya rito.
"O-oo naman anak. Maligo na muna pala kayo." Pumayag ang babae matapos tila sandaling naghalukay sa isip nito.
"Yey!" nagbunyi sila ng bata at nagpaunahang lumabas ng silid.
Nang nasa labas na sila, naunang nagpaulan ang batang kasama niya dahil napatulos siya. Tila ba may biglang gumapang na damdamin sa kaniyang dibdib.
"A-Anong problema, anak?" takang tanong ng lalaki sa kaniya, humawak pa ito sa kaniyang balikat. Buhat-buhat nito ang batang kasama niya kanina sa paglalaro. Iglap ay nabasa ang kaniyang mukha, gawa ng pagbagsak ng likido mula sa kaniyang mga mata.
"Tay, Nay, I miss my D-Daddy. I miss my Daddy Ricarte. I want to play with him. I want to shower with him in the rain, again. I miss him so much..."
PUTING KISAME, apat na sulok at maaliwalas na paligid ang bumangad kay Ruan nang imulat niya ang talukap ng kaniyang mga mata.
Umupo siya sa kama nang pagtataka sa dibdib, kalakip niyon ang bahagyang paggapang ng hapdi sa sentido niya.
BINABASA MO ANG
HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)
RomanceMagmula nang magkaisip si Ruan, nangako siya sa sarili na balang-araw ay pakakasal siya sa natatanawang batang-babaeng nakadungaw sa durungawan ng bahay-hacienda sa Hacienda Velaya. Little did he know, they both shared the same sentiment; she was al...