KABANATA 56
DALAWANG LINGGO at limang araw na ang nakalilipas magmula nang kaarawan ng kambal. Tuloy-tuloy ang improvement ni Rohann nitong mga nakaraang araw. Hindi maipaliwanag ni Eva ang sayang nararamdaman niya, para siyang lumulutang sa alapaap sa mga nagaganap.
Ang buong pamilya niya ay nasa Hacienda Estrella, katatapos lang ng selebrasyon nila sa kaarawan ng kambal na ginanap naman sa lugar. Engrandeng okasyon muli ang naging pagdiriwang nila.
Kasalukuyan niya ngayong pinagmamasdan ang mga anak sa silid ng mga ito. Malalim na ang pagkakatulog, marahil sa sobrang pagkapagal kanina. Nagkaroon kasi sila ng palaro para sa mga bata, maging sa mga tauhan ng Hacienda Estrella, at nakihalubilo ang dalawa.
Lumapit siya sa kama at hinaplos ang buhok ng tulog na tulog na si Rowann. Napangiti ang huli kahit naglalakbay na ang diwa nito sa karimlan. Mas naging maligalig ito sa mga nakaraang araw. Kinausap nang kinausap at kinulit nang kinulit ang Kuya Rohann nitong bumalik na ang kasiglahan.
Kasama ng mga ito ngayong natutulog si Arkanghel sa silid, dahil hindi nagpaawat si Rohann na papuntahin ang bestfriend nito. Pinasunod nila ito nang hindi nila kayang pakalmahin si Rohann na animo ay nababalisa; parang nagkakaroon ng separation anxiety kapag hindi nito nakikita si Arkanghel. Wala silang nagawa at wala rin namang kaso kung dalhin nila ang bata sa La Union. Sino naman sila para pigilan ang kasiyahan ng mga bata? Lahat para sa kanilang mga anak; lahat ay gagawin nila bilang magulang. Ipinaalam naman nila ito sa ina nitong naiwan sa bahay-hacienda sa Nueva Ecija.
Hindi niya maiwasang mapangiti sa postura ng tatlong bata na natutulog. Pinapagitnaan ni Rowann at Arkanghel si Rohann. Nakayapos ang bunso niyang anak sa kuya nito, habang ang kuya nito ay nakadantay naman ang isang paa sa pang-ibabang katawan ni Arkanghel. Nakasiksik ang ulo ni Rohann sa dibdib ni Arkanghel na nakatagilid din at nakaharap sa kaniya. Masuyo ang dating ng hand placement nito sa ulo ni Rohann na parang mas lalong inihihilig nito ang ulo ng huli sa dibdib nito. Pakiramdam tuloy ni Eva ay ligtas na ligtas ang anak niya sa bisig ni Arkanghel.
Nakadama siya ng sensasyon sa paghagod at pagkintal ng halik ni Ricket sa balikat niya. Hindi niya ito namalayang pumasok sa silid ng kambal. Umakyat ang halik nito sa kaniyang leeg hanggang mapunta sa kaniyang mga pisngi, habang ang kamay naman nito ay dumausdos pababa hanggang sa natagpuan na lang niyang nakayakap na sa kaniya ang huli.
"Ricket, nasa silid tayo ng kambal," pigil niya sa lalaki, subalit ang katawan nito ay hindi nagpapahiwatig ng pagtutol. Mas lalo lang siyang nadarang sa init na nagmumula sa hubad na katawan ng lalaki.
"A brotherly love or something else?" usal ni Ricket na tumigil sa paghalik kay Eva. Hinapit na lang siya nito sa baywang at idinikit sa katawan nito.
"Hindi ako na-inform na tatlo na pala ang lalaking anak natin," dugtong pa nito habang nakatingin pa rin sa tatlo. Inilapit ni Ricket ang bibig sa kaniyang tainga niya. "Gusto mo na ba silang sundan?" bulong nito sa seductive na boses.
Parang kiniliti naman ng tinig ng lalaki ang kaniyang pagkababae. Napangiti siya at bahagya itong hinampas sa braso.
"Baliw," turan niya. Natawa si Ricket.
"I don't concern if this is a brotherly love or any kind of affection, ang mahalaga lang sa akin ay masaya ang anak ko," sinserong litanya niya. "If they will explore the border between friendship and love in the future, I will not mind it."
Nakatitig lang sa kaniya si Ricket habang sinasabi niya iyon. Kumikislap ang fondness at amazement sa mga mata ng lalaki.
"I think, hayaan nating madiskubre ng dalawang bata ang tunay nilang pagkatao bago tayo tumalon sa konklusyon. Huwag natin silang pangunahan."
BINABASA MO ANG
HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)
RomanceMagmula nang magkaisip si Ruan, nangako siya sa sarili na balang-araw ay pakakasal siya sa natatanawang batang-babaeng nakadungaw sa durungawan ng bahay-hacienda sa Hacienda Velaya. Little did he know, they both shared the same sentiment; she was al...