KABANATA 53
HALOS HINDI na naisip ni Ricket at Eva ang nangyari kahapon dala ng galak ng muling pag-alab ng pag-ibig nila kagabi. Nakatayo si Ricket sa terasa ng silid ni Eva habang nakayakap siya sa likod ng babae. Kaharap nila ang gazebo at mga puno sa tabi nito. Nakasuot si Eva ng milky white lingerie silk nightdress, habang si Ricket naman ay nakahantad ang hubad na katawan nito, and only a white sleep short around his lower torso.
Hindi alintana ng dalawa ang malamig na hangin sa alas tres y media nang madaling araw dahil sa init na nagmumula sa kanilang katawan. Bahagyang idinuduyan ang katawan ng isa't isa at dinadama ang pagsilab ng kanilang kaibuturan.
Parehas na nakapikit ang talukap ng kanilang mga mata at paisa-isang kinikintalan ni Ricket ng maliliit na halik ang balikat ng huli. Binigyang-laya naman siya nito sa pamamagitan ng pagliyad at paggilid nang bahagya sa ulo at paglislis sa strap ng suot nito. Lumitaw ang isang dibdib ni Eva na kaagad kinubkob ng isang palad ni Ricket. Nagbitaw ito ng impit na ungol nang dumausdos ang sensasyon sa kaselanan nito.
Hinarap siya ni Eva at sinibasib ng halik ang mga labi niya. Hinawakan niya ang baywang nito para idiin sa kaniyang katawan. Sa pagbuhat niya sa balingkinitang katawan ng kasintahan at pagpapalalim ng halik na iyon ay kaagad silang napabalikwas nang may marinig na tinig ng isang bata.
“Mommy? Daddy?” Si Rowann ang nalingunan nilang nasa likod ng sliding door ng terasa. Nakatingin ang dalawang inosenteng mga mata na tila pilit pag nilalabanan ang antok. Papungas-pungas pa ito habang nililidlid ang magkabilang mga mata. “What are you doing?”
Kagyat silang umayos at pumasok sa loob ng silid. Dumako ang mata ng dalawa sa isa pang bata na bahagyang nakaupo sa ibabaw ng kama. Nakatukod ang dalawang siko nito at ang inosenteng mga mata ay matamang lang na nakatingin sa kanila. Bakas ang pilit na pakikipagpaligsahan sa antok.
“N-nothing, baby. Why did you wake up?” ani Eva at inakay nila sa magkabilang balikat si Rowann na hikab lang ang itinugon.
May sariling silid ang kambal, pero kumatok ang mga ito kagabi sa kanila. Gusto raw makatabi ng mga ito ang kanilang Daddy Ricket. Napurnada tuloy ang plano nilang gawin muli ang ginawa nila sa banyo.
Iniumang ni Rowann ang dalawang kamay kay Ricket. Nakangiti naman niyang binuhat ang anak at dinala sa kama. Bumalik sila sa kama at tumabi kay Rohann na bumalik na sa pagtulog nang makasampa sila rito. Humiga sila sa tabi nito. Gumitna siya sa mga anak at pinalibot ang magkabilang kamay sa uluhan ng mga ito.
Kidlat sa bilis namang iginupo ng antok ang dalawang bata na yumakap pareho sa kaniya habang nilalaro niya ang buhok ng mga ito. Hindi niya maiwasang sariwain ang pagkabata niya kapag nakikita sina Rowann at Rohann.
May umaalon na panghihinayang sa puso ni Ricket. Hindi niya maiwasang isiping ipinagkait ng tadhana sa kaniyang masilayan ang paglaki ng mga anak niya mula sa pagiging sanggol. Hinahanap kaya siya ng mga ito? Nagtataka kaya ang mga ito kung bakit wala siya sa tabi ng mga ito noong mga nakaraang taon? Ano kaya ang naramdaman ng mga ito sa paglaki nila nang walang ama? Pero tiyak siya, wala mang natanggap na pagmamahal ang mga ito mula sa tunay na ama, binusog naman sila ng pagmamahal ng ina ng mga ito.
HINDI MAIWASAN ni Eva ang ngumiti habang pinagmamasdan ang kaniyang mag-aama. Nakatayo siya sa harap habang ang mga ito ay nakahiga sa kama. Pinagitnaan ni Ricket ang dalawa at nakayakap ang mga ito sa kaniya. Mabilis na nakatulog muli ang kambal at kasalukuyang nilalaro-laro ni Ricket ang buhok ng mga ito.
BINABASA MO ANG
HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)
RomantikMagmula nang magkaisip si Ruan, nangako siya sa sarili na balang-araw ay pakakasal siya sa natatanawang batang-babaeng nakadungaw sa durungawan ng bahay-hacienda sa Hacienda Velaya. Little did he know, they both shared the same sentiment; she was al...