KABANATA XLII

73 9 5
                                    

KABANATA 42

ALAS dose na nang hating-gabi, pero hindi pa rin maiwaksi ni Wade sa isip niya ang pag-alok ni West sa kaniya na maging modelo at brand endorser niya ito sa kaniyang clothing line business. Halos umikot-ikot na siya sa king size bed niya dahil kanina pa siya hindi magkandamayaw sa ibabaw niyon.

Sa katunayan, natutuwa siya, pero ayaw siyang tigilan ng pagtataka dahil sa hindi naman gaanong kasikat at kalaki ang bagong-bagong clothing line niya, pero bakit si West pa mismo ang nagprisintang maging brand endorser niya? Ang lalaki at popular pa nga ng mga clothing company na nag-aalok dito. Kung iyon ang pinili nito, makatutulong din iyon para mas lalo pa itong makilala at dumami ang followers at kumontak na advertisers dito.

Bukod sa bagong clothing line ni Wade, he is also the sole owner of one of the big garment factory in the country. Pang-export quality ang mga damit na ginagawa nila.

Tumigil siya at tumuon ang paningin sa kisame. Hindi lang ang sinabi ng binata ang naglalaro sa isip niya kundi ang hilatsa rin ng pagmumukha nito. Hindi niya matanggal doon ang hitsura nito nang inaakay siya nito kanina papunta sa rooftop ng mansyon; para itong nagsusumamo sa kaniyang sumama siya rito, nakikiusap ang mga mata nito sa kaniya. Sa ganoong siste nila, ang mabilis na pagtibok ng puso niya ay panaka-nakang tumahan—tumahan na para bang nagpapahiwatig na ligtas siya sa mga bisig nito.

Mariin niyang ipinikit ang talukap ng kaniyang mga mata. Ayaw niyang isipin ang bagay na pilit niyang kinakalimutan na, pero hindi niya masawata ang sariling alalahanin ang tagpo noong nasa hospital siya. Napahawak siya sa kaniyang noo, hanggang ngayon ay parang dama pa niya ang pagkintal ng halik ni West doon. Napahugot siya ng malalim na hininga pagkuwa'y dumapa at sinubsob ang mukha sa unan. Humilata muli siya at matunog na bumuga ng hangin nang hindi iyon tumalab para iwaksi ang mga nasa isip niya.

Nagpapanggap siyang hindi niya alam ang sinabi at ginawa ni West noong nasa hospital siya. Paalis na noon si West nang dumating ang Kuya Ricket niya at si Wynter. Ang dalaga ang narinig niyang tumawag ng “kuya” sa binata. Gising siya noon, tandang-tanda pa niya ang sinabi ng binata bago dumating ang dalawa:

“S'il te plaît, réveille-toi, Mon Moitié.”

“I don't like this anymore, Mon Moitié. Hindi ko na kaya pang tiisin ang ganito nating tagpo.”

Ano ang ibig nitong sabihin sa mga 'yon? Hindi niya naunawaan ang unang sinabi ng lalaki dahil gumamit ito ng wikang Pranses. Isa pa sa pinagtatakhan niya ay ang itinatawag nito sa kaniya; “Mon Moitié”? Ano sa wikang Filipino o Ingles iyon? Bumangon siya, umupo sa kinahihigaan, at muntikan na niyang kutusan ang sarili nang maalalang puwede nga pala niyang i-translate iyon gamit ang cell phone niya.

“M-My Better Half?” bulaslas niya, napatanga sandali. Hindi niya alam ang wastong kahulugan niyon. Nagpatuloy siya sa pananaliksik niya.

Humiga muli siya at tumutok ang mata sa kisame ng silid niya matapos ang ilang minutong pananaliksik sa mga inusal sa kaniya ni West. Ang unang sinabi nito ay nangangahulugan lang ng “Please, wake up, My better half”. My Better Half o My Other Half sa wikang Ingles, Mon Moitié o Ma Moitié sa wikang Pranses, means a person's partner in marriage; a person's better half is their husband or wife, or usual sexual partner. Maaari din itong gamitin sa kasintahan, maging sa kaibigan; a person's close friend of companion, and generally a compliment or a sign of respect.

Hindi na niya alam kung alin sa mga iyon ang paniniwalaan niya; namamayani sa isip niya na sinabi iyon ng binata bilang compliment o simbolo ng pagrespeto nito sa kaniya, bilang pagkakaibigan.

Pero hindi naman kayo magkaibigan! buska ng isang bahagi ng isip niya dahilan para mapapikit siya at bumuntong-hininga. Tama nga naman, hindi naman sila magkaibigan nito; walang proper na pagpapakilala sa isa't isa.

HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon