KABANATA XXXII

118 19 1
                                    

KABANATA 32

"De quoi ai-je l'air, Adrion ? Est-ce que j'ai l'air bien ici?" tanong ni Ricket, sa linguwahe ng mga Pranses, habang pinagmamasdan at sinusuri ang sarili sa salamin. How do I look, Adrion? Do I look good here?

Sinipat naman siya ng huli. Nakita niya iyon sa repleksyon ng salamin. "Parang mas babagay sa iyo ang white na polo kaysa sa itim," suhestiyon nito matapos ay muling tumunghay sa kisame.

Hinanap na muna niya ang pinakaguwapong angle niya sa salamin bago sinubukan ang iminungkahi ng pinsan.

"Sasama ka ba talaga sa amin, Adrion?" tanong niya, hindi pa kasi ito nakakapag-palit ng kasuotan. Nakahiga lang ito sa kama niya habang nakatingin sa kisame magmula pa kanina.

Adrion just nodded as an indication of his response. Bumangon ito at pinakawalan ng mga mata ang kisame, saka bumuntong-hininga.

"What was that for?" ipino-point out ni Ricket ang malalim nitong paghinga.

"Nothing, pagod lang ako. Exhausted." Nag-inat-inat ito subalit nang matapos ay muli itong nahiga sa kama.

"Exhausted?" Nakataas ang kilay na paniniyak ni Ricket. "What did you do?" Naka-vacation naman kasi ito sa trabaho nito at halos buong araw nito kahapon sa silid niya, dito pa ito nagpalipas ng gabi.

"Wala naman, hindi lang ako masyadong nakatulog kagabi," sagot nito bago humikab.

"Mukha nga." Natawa pa si Ricket nang bahagya nang ipinikit ni Adrion ang mga mata. Pati rin naman siya, hindi siya masyadong nakatulog dahil sa excitement niya.

Nagkibit-balikat na lamang siya at muling pinagmasdan ang kasuotan sa salamin, bago niya inalis ang black na polo na nakasuot sa kaniya.

"You're right, Men!" manghang sang-ayon niya matapos masunod ang suhestiyon ni Adrion.

Mamaya pa ang flight nila papuntang Pilipinas, ngunit nilulukob na siya ng eagerness sa hindi niya mabatid na rason.

"Oh!" Napatingin siya sa pintuan nang marinig ang nagmutawi niyon. He plastered a small curve at the edge of his mouth when he saw his cousins. It was Wynter and her twin brother, West.

Wynter walked towards him and kissed his left cheek. Muli siyang napangiti saka kinintalan din ng halik ang pinsan. Si West naman ay ibinalandra lamang ang ngiti sa kaniya saka tumango.

"Tu es très beau, Honey!" manghang-papuri sa kaniya ng pinsan saka ipinasyal ang mga mata sa kabuoan niya. You look very handsome, Honey!

"I don't think I deserve that complimentary, Wynter," he said humbly.

"Yeah, you're absolutely precised, Hon. The word handsome isn't sufficient to describe how good looking you are," sansala naman ni Wynter sa kaniya. Tumawa si Ricket. "You know, if we're not came from the same blood, aasawahin talaga kita!" dagdag ng babae na mas lalo pa niyang ikinatawa.

"Wynter!" sabad naman ni West sa kambal. Natawa lang ang babae.

Bahagyang sumigaw ang dalaga, isinatinig ang pagkadismaya, "Sayang ka! Bakit ba kasi pinsan pa kita?" She squeezed Ricket's cheeks. Natawa siya sa pinsan nang pakawalan nito ang pisngi niya.

HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon