KABANATA XXII

116 16 2
                                    

KABANATA 22

NANG GUMABI ay nagtungo na sa Taiwan si Ricarte sakay ng private jet na kinuha niya. Aayusin lang niya ang aberya ng board, ayaw niyang lumaki pa iyon at maiistorbo na naman ang paghahanap niya sa anak.

Nagpaalam siya sa mga kasama sa bahay. Ipinagkatiwala niya ang kaso ng anak kay Adrian. Alam niyang gagawin ng binata ang lahat, mahanap lang ang pinsan.

Wala ring mapaglagyan ang awa niya kay Wade. Nadamay at pumanaw ang ama nito dahil sa mga ebidensyang nakalap nito. Sinabi niya rito na kung hindi niya kinuha bilang detective noon ang ama nito, hindi ito madadawit sa gulo ng pamilya niya. Hindi ito mawawala.

Subalit sa kabila niyon, pilit namang ipinaunawa ng binata sa kaniya na wala siyang kasalanan, kagustuhan at kaakibat ng trabaho ng kaniyang ama iyon. Naiiling na tumango-tango na lang siya.

Ipinangako niya sa sariling kapag matagpuan nila ang anak niya, isusunod at isusunod niyang asikasuhin ang hustisya at katarungan para sa ama nito. May ideya na ring namuo sa kalooban ng kaniyang puso para kay Wade. Kung sakaling papayag itong manahan sa puder niya, pangangalagaan niya ito at ituturing na parang tunay na anak.

Hindi niya iyon gagawin nang dahil lang sa awa o gusto niyang bumawi rito o sa ama nito, kundi gusto niyang pangalagaan at ituring na anak ang binata. Napag-usapan na nila iyon ni Lara, walang pag-aalinlangang sinang-ayunan naman iyon ng asawa.

Kaunti mang panahon pa lang nila nakilala ang binata, nakuha na nito ang loob nila. Dama ang busilak ng puso nito. Maging ang asawa niya ay aliw na aliw at gustong-gusto ring pangalagaan ang binata.

Ipinapasuyod na niya sa kaniyang kinuhang mga private investigator ang bawat asyenda sa Pilipinas upang hanapin ang nagngangalang Romina at Larry Villaluella. Hindi magtatagal ay mahahanap na nila ito at makikita na niya ang kaniyang anak. He really miss his son; nasasabik na siyang makita ito.

"I'm already here, Mom." Nakarating na siya.

Bago siya umalis, binisita na muna niya ang ina niyang nakaratay sa ospital. Nagpaalam siya kanina dito kahit ito ay wala pang malay. Subalit sa kaniyang paglisan sa Pilipinas ay sakto namang nagkamalay na ang ina niya.

"You okay now, Mom?" tanong niya sa ina. Sumagot naman ang nanghihina pa niyang ina. Gusto raw siyang kausapin nito, may mahalaga daw itong sasabihin ngunit sa pagbalik na lang niya sa Pilipinas.

Walang nakakaalam na buhay pa ang kaniyang ina, siya lang. Pinalabas niya itong patay na sa lahat, upang maiwasang ang pagtangkang muli itong patayon ng kung sino man. Lubos ang pasasalamat niya sa Maykapal, dahil hindi nito pinababayaan ang kaniyang ina. Nahulog na ito sa hagdan, naka-survive naman ito roon. Subalit nilason na naman ito nang magising sa hospital, gayunpaman, nakaligtas pa rin ito sa mga delubyo.

Nabawasan ang pag-aalala sa kaibuturan ng kaniyang puso, lutas na ang suliranin niya sa kaniyang ina. Maayos na ang lagay nito. Hindi naman na siya masyadong nag-aalala para dito dahil bantay sarado na ito ng mga kinuha niyang mapagkakatiwalaang tauhan. Bukod pa roon, wala nang nakakaalam na buhay pa ito, kahit mga kapatid niya.

Napaisip siya, ano kaya ang sasabihin ng kaniyang ina? Mahihimigan kasi sa tinig ng nito ang sinseridad. Gustong-gusto na raw nito iyong sabihin subalit mas maigi kung sa personal na lang daw. Nagkibit-balikat na lang siya at nagtuloy-tuloy sa paglalakad patungo sa sekretarya at driver niyang naghihintay sa kaniya sa paliparan.

HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon