KABANATA XXV

127 18 1
                                    

KABANATA 25

"SINTA, alam mo, parang may kamukha ka." Tumigil sa paglalakad si Ruan nang marinig ang tinurang iyon ni Eva.

Kasalukuyan nang binabagtas ng dalawa ang daan pabalik sa masyon. Malalim na ang gabi, kailangan na nilang bumalik bago pa dumating si Don Land. Hindi niya tinanggal ang pagkakasalikop ng palad nila nang harapin niya ang dalaga.

Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang pagpitik ng kanIyang puso. Hindi niya maipaliwanag ang emosyong gumapang sa kaniyang kaibuturan. May nararamdaman siyang saya at kasabikan sa hindi niya alam na rason, kalakip pa niyon ang kaba. Sinabi lang naman ni Eva na may kamukha siya.

"Sigurado ka ba riyan, sinta ko??" paniniyak niya, magkasalubong ang kilay niya subalit hindi niyon sinasagisag na poot ang nararamdaman niya, nagtataka na rin siya.

Sinserong nakatingin sa ibang direksyon ang ang dalaga, animo ay may hinahagilap ito sa diwa nito. Nahigpitan niya ang pagkakahawak sa palapulsuhan ni Eva kaya't napakunot ng noo ang dalaga nang magtama ang kanilang mga mata.

May bahid ng sinseridad at awtoridad ang inirerehistrong emosyon ng kaniyang mukha. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganoon. Galit ba siya? Hindi. Sa pagkakaalam niya ay hindi siya galit. Gusto lang niyang matiyak ang sinasabi ni Eva.

In fact, everyday and almost all day, ang panaginip niya noong nagdaang araw ay paikot-ikot lang sa diwa niya. He was always busy in their office, but his mind couldn't dispel that shut eye of his. Kahit sabihing mas gawin pa niyang abala ang sarili, hindi talaga iyon mawaksi sa isipan niya.

Is that really just a shut eye? O nangyari talaga iyon? Bakit parang totoo? Sino ang mga taong nasa panaginip niyang iyon? Parte ba sila ng nakaraan niya?

Hindi lingid sa isipan niya na may nakalimutan siyang nakaraan niya. Posible nga kayang parte iyon ng nakaraan niya? Pero paano? Sinabi ng Nanay niyang tunay siya nitong anak? Ngunit kung ibabase niya sa panlabas na anyo niya ay ng pamilya niya, naiiba siya. Malayo ang kinis ng balat niya sa mga ito. Iba rin ang kulay ng mga mata niya.

Sa unang tingin ay aakalain mong hindi lang siya purong Pilipino. He was like a half blooded. Parang may lahi siya. Mas katindig at kakilay niya ang lalaking nasa panaginip niya, ang lalaking tinatawag niyang Daddy sa beach, si Ricarte. Natandaan niya ang pangalan, makailang ulit pa kasing naulit iyon sa diwa niya nang magising siya natatandaan ang lahat ng tinalakay ng imahinasyon niya. Hindi man niya masilayan nang mabuti ang mukha ni Ricarte, alam niyang may hawig sila nito.

Siya nga rin ba talaga ang batang tinatawag na anak ng lalaki? Kung sa mukha niya ibabase, siya talaga iyon. Doubt suddenly crept into the depth of his heart.

"Y-yeah, I'm pretty sure, kamukha mo talaga 'yon. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita." napapaisip namang tugon ni Eva, napakamot pa ito sa ulo. "Why? Is there something wrong?" dugtong pa nito, binantasan kasi ng katahimikan ang pagitan nila nang tiniyak nitong sigurado ito na may kamukha siya.

"W-wala, tara na, sinta," maang na lang niyang sabi saka maingat na iginiya si Eva pabalik sa mansyon.

Mas lalong tumitibay ang mga hinuha niya sa kaniyang puso. Mas lalong dumadami ang mga katanungan sa kaniyang isipan. Mga katanungang ibig niyang malaman ang wastong kasagutan.

Sino si Ricarte? Sino siya? Ano ang totoong pagkatao niya? Posible kayang iisa ang taong tinutukoy ni Eva sa taong nasa panaginip niya? Is Ricarte really exists?

But how?

How could that man be real? Is that really a shut eye? O parte talaga iyon ng nakaraan niya? Anak ba talaga siya ng mga magulang niya? O napulot lang siya sa tabi ng gubat?

HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon