KABANATA XXIII

93 11 2
                                    

KABANATA 23

ABALA si Ruan sa pag-aayos ng gamit sa sarili niyang desk nang mahagip ng gilid ng kaniyang mga mata si Dianne. Nakatayong nakangiti ang huli at nakatingin din sa kaniya, hinayon-hayon pa ng dalaga ang sarili nitong suot. Hawak nito ang tatlong dilaw na rosas na ibinigay niya ngayong araw.

He raised his left eyebrow as a symbol of his questioning. Tumuon muli siya sa ginagawa nang nginitian lang siya nito  Naramdaman niya ang paglapit ng nito sa kaniyang puwesto.

"Ruan, wala ka bang napapansin sa'kin?" pagkuwa'y usisa nito. Mahina siya nitong tinawanan nang kumunot ang kaniyang noo. Saka lang niya nakuha ang ipinapakahulugan ni Dianne nang hawakan mabagal itong umikot. Ipinapakita nito sa kanya ang suot nitong plain yellow long sleeve retro dress.

"Anong mayro'n? Magsisimba kaba? Sabado pa lang ngayon, ah?" pang-aalaska niya nang maigala ang mata sa kabuoan ng dalaga. Lihim siyang natawa nang makita pa niya ang pagngiwi ni Dianne bago niya muling itinuon ang atensyon sa ginagawa niya. She sat infront of him and ignored his nonsense words.

"Ruan," she whispered. Inosenteng tinapunan naman niya ito ng sulyap. Itinaas niya ang isa niyang kilay. "Para sa'n ba 'tong mga flowers na 'to?" Nagbitaw ito ng makahulugan at nanunuksong ngiti, nag-pout pa ang dalaga. "Umamin ka nga, Ruan, gusto mo ba ako? Kasi kung ako ang tatanungin mo kung gusto ri—!"

Hindi na natapos ni Dianne ang sasabihin nito nang biglang siyang humagalpak ng tawa. Tinaasan naman siya ng kilay ng huli. Nitong mga nakaraang araw, walang mintis ang pagbibigay niya ng dilaw na rosas sa dalaga. Ginagawa lang niya ito upang bumawi rito. Alam niyang nawawalan na siya ng oras para sa kaibigan niya.

Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman, iba ang dating niyon kay Dianne. May tinatagong lihim na pagtingin ang dalaga sa kaniya, kaya't ganoon na lamang ang dating nito sa kanya.

"Is there something funny?" Tiningnan niya ito.

"Wala naman," turan niya na patuloy pa rin sa pagtawa. "Natatawa lang ako." Muli na naman siyang humagalpak ng tawa na siyang nagpagapang ng mumunting inis sa dibdib ng dalaga.

"Ano na nga ulit 'yong tanong mo, Dianne?" Mahina na ang pagtawa niya nang tanungin niya iyon sa dalaga. Gusto lang niya ulit marinig ang sinabi ni Dianne. Seryoso pa man din ito sa pagtatanong kanina, waring walang halong biro ang tinuran, pero natatawa talaga siya.

"A-ah eh, wala, s-sige alis na 'ko, may gagawin pa pala ako, sige bye!" Halos hindi na niya naintindihan ang sinabi ni Dianne, nagkanda-utal-utal ito at nagmadali kasing tumayo.

"D-Diannw, wait!" Hinawakan niya sa palapulsuhan si Dianne.

Napatingin ito sa pagkakahawak niya sa palapulsuhan nito saka umakyat ang tingin papunta sa mukha niya. Kumislap sa mata ng dalaga ang sinseridad dahilan para itago na rin niya ang pagtawa at mga ngiti.

"Ano nga 'yong tanong mo ulit? Para saan 'yong mga bulaklak?"

Nag-iba ang direksyon ng tingin ng dalaga, bumalik din iyon kay Ruan saka tumango na lang. He let go her hand.

"Actually, yellow roses is a symbolism of friendship; sumasagisag sa pagkakaibigan. Binibigyan kita dahil kaibigan kita, Dianne. Pambawi na rin iyan, dahil napansin ko nitong mga nakaraang linggo'y nawalan ako ng oras sa iyo. I hope you'll not give any meaning to that." Sumilay pa ang ngiti sa labi niya matapos masabi iyon.

Bumantas panandalian ang katahimikan sa pagitan nila. Namasyal ang mata ng dalaga sa mukha niya saka nito dahan-dahang pinakurba ang labi nang magtama ang kanilang mga mata.

"A-alam ko," anito, pinutol na ang titigan. Tumingin ito sa pinto palabas. "S-sige, gagawin ko pa pala 'yong ipinag-uutos ni Don Lando," patuloy nito saka tuluyang lumabas sa pinto nang walang balik-lingon sa kaniya.

HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon