KABANATA 30
(Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga tagpong hindi angkop sa mga bata, hindi bukas ang isip, at sensitibong mambabasa.)
PRESENT...
“Ayos ka lang ba, hija?” Iminulat ni Eva ang mata habang minamasahe ang sariling sentido at napalingon kay Don Lando nang marinig niya ang tinig at maramdaman ang pagdapyo ng palad nito sa balikat niya.
“Yes, Dad. I just feel dizzy a bit,” tugon niya sa ama at ipinagpatuloy ang ginagawa. Nasa pinaka-terasa ng bahay-hacienda ang dalawa. Napakapit siya sa railing nang pakiramdam niya ay matutumba siya. Maagap naman siyang inalalayan ng ama at iginiya patungo sa bench na nasa gilid.
“Napapansin ko, nitong mga nakaraang araw, napapadalas ang pagkahilo at pagsakit ng ulo mo. Are you really okay, Eva? Gusto mo bang magpa-check up?”
“Hindi na, Dad. Ayos lang talaga ako, kulang lang siguro ako sa tulog these past few days.” Ngumiti siya sa Don, nag-uulik-ulik namang tumango ang huli.
Binantasan ng nakatutulig na pagsasawalang-imik ng mag-ama ang hinggil sa simunong iyon. Napagsisiya sa hitsura ng huli ang pagtataka nang kumapit ito sa barandilya ng terasa. Magkagayon, ipinagkibit-balikat ni Eva ang reaksyon nito at ibinaling na lang ang tingin sa luntiang tanawing ipinapamalas ng asyenda. Hindi masawata ni Eva ang mapasinghap nang dumapyo sa kaniyang mukha ang sariwang hangin tangay ang natural na alimusom ng kalikasan.
“Señorita.” Napukaw ang atensyon niya nang tawagin siya ng isa nilang kasambahay mula sa bukana ng terasa nila. Sinenyasan niya itong lumapit kung nasaan sila saka naman nito ibinaba ang dala-dalang halo-halo na nakalagay sa malaking babasagin at transparent na baso.
“Salamat!” usal niya rito, mabilis niyang dinampot ang halo-halo saka iniumang iyon sa Daddy niya. Nagtatanong naman ang matang inabot ito ng matanda. “Pakihalo nga, Dad.”
Akmang aalis na ang kasambahay nang magsalita siya uli, “Ang santol at kape ko? Nasaan?” Bumaling ang tingin niya sa bukana nang pumanhik ang isa pang kasambahay dala-dala ang babasaging coffeee pot at tasa na sinabi niyang isunod na dalhin sa kaniya kapag nakabili na sila ng halo-halo.
“Kasalukayang kumukuha pa lang po ng santol si Ruan, Señorita,” tugon ng naunang kasambahay sa tanong niya kanina nang mailapag at masalinan ng kape ang tasa.
“Ah, sige sige. Ang tagal naman niya.” Tumango-tango siya sa mga kasambahay. “Si Ruan ba ang gumawa nitong nasa pot?” tanong muli niya, nakangiting tumango naman ang mga kasambahay. Hindi maiwasang kiligin ni Eva sa isiping ginawa iyon ni Ruan para sa kaniya. Maliit na bagay kung iisipin pero pakiramdam niya ay masaya na siya roon. Idagdag pa ang pagkuha nito ng santol na para lang uli sa kaniya.
Isn't that romantic?
Nang mahiwatigan ng dalawang kasambahay na wala na siyang maitatanong ay nagpaalam na babalik na ang mga ito sa kanilang trabaho na sinang-ayunan na lang din niya.
Inabot sa kaniya ng Don ang halo-halo nang mahalo na nito iyon. Nagpasalamat siya bago inumpisahang kawawain ang naturang pagkain. Nang makalahati niya ang halo-halo, pakiramdam niya ay parang napunan ng pagkain na iyon ang pakiramdam ng kakulangan sa kaniyang pagkatao nitong mga nakaraang araw. Ewan ba niya, pero nagki-crave talaga siya sa mga malalamig na pagkain. Nakaramdam siya ng ginhawa sa pamamaga sa kaniyang bibig dahil sa lamig ng halo-halo.
“Kailan ka pa nahilig sa halo-halo, Eva?” usisa ng Don na pumukaw sa atensyon niya sa halo-halo.
“Ngayon lang ako nakakain nito, Dad. Masarap pala siya, hah?” tugon niya saka hinahalu-halungkat ang sangkap na nasa baso niya.
BINABASA MO ANG
HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)
RomanceMagmula nang magkaisip si Ruan, nangako siya sa sarili na balang-araw ay pakakasal siya sa natatanawang batang-babaeng nakadungaw sa durungawan ng bahay-hacienda sa Hacienda Velaya. Little did he know, they both shared the same sentiment; she was al...