KABANATA III

220 29 9
                                    

KABANATA 3

“JOHANNES, kumusta ang apo at anak ko?”

Napalingon si Eva at kasama niyang doktor nang marinig nila ang tinig na iyon mula sa pintuan ng silid ni Ella sa hospital. Ang donya ang kanilang nalingunan.

"She's now fine, Tita. She just need to rest, bumaba na rin ang fever niya at maayos naman 'yong bata sa sinapupunan niya," balik-tugon ni Johann sa matanda matapos nitong mahalikan sa pisngi.

Ang doktor ay ang naging kuya-kuyahan ni Eva nang siya ay nagtungo sa Espanya. Anak ito ng pumanaw na isang amiga ni Luciana. Malapit ang binata sa pamilya nila, kagaya ng ina nito. Hindi na ito iba sa kanila. Paminsan-minsan ay bumibisita ito sa kanilang asyenda kapag may maluwang na oras. Kapit-bahay lang ito ni Eva sa Spain. Ito rin ang tumutulong sa kaniya sa mga gawain niya noon sa kaniyang edukasyon.

Aristokratiko at kagalang-galang kung pagmamasdan mo ang binata sa panlabas nitong kaanyuhan. Walang kalakip na agam-agam na galing ito sa marangyang pamumuhay. On his appearance, hindi maitatangging may ipagmamayabang ang binata. Idagdag pa na napaka-neat and clean nitong tingnan sa suot nitong uniporme ng doktor.

Nakahinga nang maluwag ang matanda sa tinuran ni Johann na iyon. Kasunod naman ng matanda ang isang binata: si Ruan. May dala-dala itong basket na puno ng prutas. Marahil ipinabuhat iyon ng donya at ito ang naghatid sa matanda sa ospital.

Agarang napaiwas ng tingin si Eva nang mapatingin sila sa isa't isa. Tila ba may nagdiriwang na mga paru-paro sa kaniyang tiyan. Bumilis ang pagtahip ng kaniyang puso.

Eva saw a sincerety in the young man's eyes. Sa sandaling pagtitig na iyon ay napansin din ni Geneva ang mga mata ng binata. She found his green eyes tantalizing and beautiful.

Umawang ang labi niya habang sinasariwa ng diwa ang luntiang mata ng binata. Bakit hindi niya iyon napansin noong una? Noong hinampas niya ito? Noong naghuhugpong ang kanilang mga mata sa asyenda? Siguro ay dahil naiinis siya rito at hindi niya napansin kaagad ang features ng mga mata ng binata. Isa pa, malayo-layo kung nagtatama ang kanilang mga paningin.

Ang katawan niya kasi ang una kong napansin! buska ng isang bahagi ng isip niya. She secretly rolled her eyes and mentally cursed herself by that thought.

Bahagyang tinapunan muli niya ng tingin si Ruan nang mailapag nito sa side table ang mga prutas. Nakita niyang tumingin ang binata sa palad na nasa kaniyang balikat. Hindi napansin ni Eva na nakaakbay pala sa kaniya ang Kuya Johann niya.

His eyes met hers. Mas lalong umugong ang puso ni Eva. Bagaman tila nagkakaroon na ng digmaan ng mga paru-paro ang kaniyang tiyan ay pinilit niyang hindi iyon ipahalata sa binata. She raised her right eyebrow to hide the nervous she feels—gusto niyang magtaray, pero mas lalo lang tumulin ang pagtahip ng puso niya nang ngitian siya nito. Ibinaling na lang niya ang tingin kay Johann.

“Mommy, babalik na lang muna ako sa bahay, may kukunin lang ako. I'll be right back,” pagpapaalam niya sa ina matapos ang ilang segundong pagkalma ng puso niya.

Hindi na niya hinintay ang tugon ng donya dahil wala naman yata itong balak tumugon sa sinabi niya. Nakaupo na ito sa tabi ni Ella habang masuyo nitong hinahaplos-haplos ang buhok ng babae.

Iginiya niya ang sarili palapit sa seradura ng pintuan. Nakuha pa niyang sulyapin si Ruan na nakatingin sa walang malay-tao niyang kapatid. Pagpihit niya ng seradura ay narinig niyang nagsalita si Luciana kaya't napalingon siyang muli.

“Magpahatid ka na kay Ruan.”

Napalunok siya nang makitang tumitig ang lalaki sa kaniya na animo ay naghihintay ng sagot niya.

HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon