KABANATA 44
“LUAN!” Inagaw niya ang atensyon ng kapatid niya, habang ang mga mata niya ay nakatuon sa durungawan ng mansyon na nakikita niya. Nagtataka at naiirita naman siyang tinapunan ng sulyap ni Luan.
“Tingnan mo 'yong babae,” aniya. Nakatitig pa rin sa durungawan ng isang mansyon na kinaroroonan ng isa ring batang-babae.
“Oh, ano'ng mayro'n?” Ngumiti siya sa kapatid bago muling bumaling ang tingin sa durungawan.
“Paglaki ko, pakakasalan ko 'yan!” Binatukan siya ni Luan na kaagad niyang ininda.
“Nababaliw ka na ba, Kuya Ruan? Mayaman siya, mahirap lang tayo. Isa siyang prinsesa, pero hindi ikaw ang prinsipe niya. 'Pagkat ikaw ay maituturing lang na alipin niya!” Hindi siya nakasagot sa inusal ng batang-lalaki.
“Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Nanay?”
“Itigil mo na 'yang kabaliwan mo, Kuya Ruan. Hindi kayo puwede!”
“Kumbaga, para kayong langit at lupa; langit siya, lupa ka, kahit kailan hindi kayo maaaring magsama!”
“Ang taas ng pangarap mo, kapatid. Sapakin na lang kaya kita nang magising ka na sa katotohanan?”
Parang nabusalan ang bibig niya sa mga sinabing iyon ng kapatid niya. Naghari ang nakatutulig na katahimikan sa pagitan nila habang siya ay lumilipad ang utak sa kalawakan.
“May punto ka naman, lupa nga lang ako, at langit ang babaeng pinapangarap ko, pero mananatili siyang laman ng puso ko.”
Matapos niyang masabi iyon ay muling nanahimik ang paligid. Naisara niya ang talukap ng mga mata. Pagkamulat niya, nasa ibang lugar na siya. Gabi niyon, nakakalong sa kaniya ang isang marilag na babae na pamilyar sa kaniya. Parang nakikita niya ito sa mga panaginip niya.
Naghugpong ang kanilang mga noo at tiningnan ang mata ng isa't isa. Ramdam niya ang init at pagmamahal na pumapalibot sa pagdidikit ng kanilang mga balat.
“Eva, lagi mong tatandaan na mahal kita. Ikaw lang ang nag-iisang mamahalin ko, ikaw lang ang nagmamay-ari ng puso ko. Makalimot man ang isip ko, hinding-hindi ka makakalimutan ng puso ko. No one can replace you; you will remain as the owner of my heart... tonight... tomorrow... and forever...”
NAHAMIG ni Ricket ang sarili mula sa pagmuni-muni sa isa pang napanaginipan niya kanina nang may kumatok sa kaniyang silid. Bumangon siya at isinuot ang damit niya. Natatawa siyang inayos ang sarili, dahil umahon ang init sa katawan niya at hindi napigilan ang pagsikip ng kaniyang pundya. Matapos niyon ay binuksan niya ang pinto.
Sumambulat sa kaniya si Wynter. Sumandal siya sa hamba ng pintuan. Alam na niya ang sasabihin ng dalaga, mag-be-breakfast na sila at susundan nito ng tanong tungkol sa kapatid niyang si Wade.
“Time for breakfast, Honey!” wika ng bruha. tumugma sa nasa isip niya. Ngumiti lang siya rito. Nang mamasyal nga ang mata ng dalaga sa loob ng silid niya; nagbabaka-sakali kung naroon ba si Wade ay pumalatak siya.
“Wala rito si Wade.”
Dumaan pa ang pagkabigla sa mata ni Wynter bago siya nito pinukulan ng ngiti.
BINABASA MO ANG
HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)
RomanceMagmula nang magkaisip si Ruan, nangako siya sa sarili na balang-araw ay pakakasal siya sa natatanawang batang-babaeng nakadungaw sa durungawan ng bahay-hacienda sa Hacienda Velaya. Little did he know, they both shared the same sentiment; she was al...