KABANATA 28
FLASHBACK;
KASABAY nang paghakbang ni Eva ay ang pag-uunahang pagbagsak ng mga butil ng kaniyang luha. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari kay Ruan. Alam niya noong pagod ito galing sa trabaho, kung hindi sana niya ito niyayang makipagkita ay hindi mangyayari sa binata iyon.
Pinakiusapan siya ng binata sa telepono noon na kung maaari ay sa susunod na lang sila magkita pero nagmatigas siya. Bakit hindi niya naisip na ipagpaliban na lang ang pagkikita nila kinabukasan? Ewan ba niya, basta sabik na sabik siyang makita ang binata.
Sa katunayan, noong masilayan niya si Ruan nang ito ay dumating sa kanilang tagpuan ay halata ang pagkabalisa at pagod sa kabuuan nito. Sapat na ang sinag ng buwan upang kanyang makita mukha nito, halatang stressed. Marahil dahil sa pagtatrabaho nito maghapon sa kumpanya nila.
Gusto niya sanang isuhestiyon na magpahinga na lang ang binata ay hindi niya mabigkas-bigkas nang sandaling iyon. Pinapangunahan siya ng pangungulila ng puso niya kay Ruan. Nawala sa isipan niya ang lahat ng kaniyang pag-aalinlangan nang sinalubong siya ng mahigpit na yakap ni Ruan, ramdam din niya ang pananabik nitong mayakap siya. Tinugunan din niya ang yakap na iyon, nang kumawala sila sa isa't isa ay pinagsanib nila ang kanilang mga labi.
Tinuyo niya ang mukha at nagpatuloy sa paglalakad. Gulong-gulo na ang isipan niya, ang daming katagang nakasilid doon. Katagang binitawan sa kaniya ni Luan nang gabi at kinakabukasan ng araw na iyon. Naninikip ang dibdib niya sa tuwing maaalala niya ang mga sinabi nito.
For her, deserved niya ang mga salitang iyon. Kung hindi sana niya pinairal ang puso niya at isip ang siyang ginamit ay gising na gising sana ngayon ang binatang tinatangi niya, si Ruan.
Sinisisi rin siya ni Luan sa nangyari kay Ruan. Hindi niya alam kung alam ni Luan ang namamagitan sa kanila, ngunit sa tingin niya ay alam nito ang lahat. Totoo naman, siya naman talaga ang dapat sisisihin dahil siya ang kasama ni Ruan nang mangyari ang insidenteng iyon. Isa sa mga sinabing kataga sa kaniya ni Luan ay kung hindi raw dahil sa kalandian at pangungulit niya ay hindi mangyayari iyon sa Kuya nito.
May punto naman ang sinabi ni Luan. Tumatak iyon sa isip niya. Saka lang niya na-realize ang lahat ng pangungulit at pag-aastang isip bata niya matapos ang kaganapan.
Nitong mga nakaraang araw ay medyo madalas silang nagtatagpo ni Ruan sa tagpuan nila. Ngumingiti at tumatawa man ang binata sa tuwing kasama siya nito ay mababakas naman sa mga mata nito ang pagod at pagka-stressed. Ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon dahil tunay naman ang inirerehistrong ngiti ni Ruan.
Nang gabing tinawagan niya si Ruan, hindi niya sinabing magkikita sila basta't nagtungo na lang sa tagpuan nila at hihintayin na lang ang binatang sumunod doon pagkatapos niya itong tawagan.
Ngayon lang niya napagtanto na sumusobra na siya. Alam niyang oras na ng pamamahinga ng binata noon, pero nagawa pa rin siya nitong puntahan sa tagpuan nila. Tila nasasakal na sa ugali niya ang binata sa mga ginagawa niya, pakiramdam niya ay kinokontrol niya ito Walang magawa ang binata kundi ang sundin siya kahit ito ay pagod sa maghapong trabaho sa kumpanya.
BINABASA MO ANG
HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)
RomanceMagmula nang magkaisip si Ruan, nangako siya sa sarili na balang-araw ay pakakasal siya sa natatanawang batang-babaeng nakadungaw sa durungawan ng bahay-hacienda sa Hacienda Velaya. Little did he know, they both shared the same sentiment; she was al...