KABANATA 2
“MAGANDANG umaga, Señorit—”
“Walang maganda sa umaga!”
Kumunot ang noo at napakamot sa ulo si Ruan matapos sansalain ni Eva ang pambabati niya. Inihatid na lang niya ito ng tingin na naglalakad na palayo. Nagdere-deretso ang huli patungo sa gazebo kung nasaan ang don at donya.
Mayroon ikaw! ngalingaling sabi niya. Napangiwi na lang siya nang mapagtantong ngumiti siya sa isiping iyon.
Sa katunayan, nag-aalangan siyang batiin ito kanina dahil sa magkasalubong ang kilay nitong naglalakad, nahihiya pa siya dahil hindi siya nito kilala. Pero sa isip-isip niya; parang ang bastos naman niyang trabahante ng pamilya Floresca kung hindi niya babatiin ang anak ng amo niya.
“Magandang umaga, Ruan!” Napukaw ang diwa niya sa nangyari at muling bumalatay ang ngiti sa labi nang marinig ang pagbating iyon ng isa pang Señorita.
“Magandang umaga rin, Ella,” balik-pagbati rin niya. Bumalandra ang matamis na ngiti ng babae.
Nasanay na si Ruan na tawagin na lang ito sa totoo nitong pangalan. Iyon din naman kasi ang pabor ng babae sa kaniya, ayaw na ayaw nitong matawag na Señorita.
Sa pagkakakilala niya, ibang-iba si Ella sa lahat. Damang-dama ang kabaitan nito; hindi sila nito itinuturing na iba; kaibigan at pamilya ang turing nito sa kanila. Madalas pa sila nitong dalhan ng meryenda noon nang sa mansyon pa lang siya nagsisilbi kahit mayroon naman ang mga kasambahay.
Maganda si Ella, maamo ang mukha, manang-mana ang mukha nito kay Don Lando. Hindi na siya magtataka kung bakit gusto ito ng kapatid niya.
Kahit sabihin na ito ay nagdadalang tao, litaw na litaw pa rin ang ganda ng hubog ng katawan nito. May umbok na ang tiyan ni Ella pero hindi pa naman masyadong halata dahil apat na buwan pa lang itong nagdadalang tao. Isa pa; may kakapalan din ang suot-suot nitong damit.
“Sinupladahan ka yata niyon?” tanong ni Rafaela sa kaniya, bahagyang lumapit; hinawakan ang balikat niya, at inginuso si Eva na kanina lang ay nakatingin sa gawi nila.
Sinundan naman niya iyon ng tingin. Tumango siya at umani iyon ng pagtawa sa huli.
“Hayaan mo na, pabago-bago talaga ang timpla ng mood ng babaeng 'yan, okay lang naman siya kanina noong kausap ko.” Mahihimigan ang pagkaburasga sa tinig ni Ella. “Hayaan mo, pagsasabihan ko. Hindi naman ganyan 'yan, e.”
Sinimulan nitong igiya ang sarili patungo sa gazebo. Nakakailang hakbang pa lang ito nang biglaang natapilok.
***
“MOMMY, when will I start working for the company?” tanong ni Eva sa donya, kalakip ang iritasiyon.
Nasa gazebo siya kasama ang kaniyang magulang. Madalas magpalipas ng oras ang mga ito roon dahil napakapresko sa parteng iyon. Napapikit si Eva nang maramdaman niya ang pagdapyo ng hangin sa kaniyang mukha; kay sarap niyon sa pakiramdam.
Napawi ang nararamdaman niyang inis noong nakita niya ang lalaki. She does not have an idea why she was feeling irritated to that young man. Wala naman itong maling ginawa sa kaniya. He was just greeting her.
“Anong working-working ka riyan? Ite-train ka muna ng daddy mo!” Umirap pa si Luciana bago ito sumimsim sa hawak na tasa ng tsaa.
Napangiwi na lang siya sa sinabi ng ina. Kahit kailan talaga paasik kung sumagot ang donya. Bilang lang sa kaniyang daliri kung ito ay tumutugon nang maayos o wasto.
Kunsabagay, may punto naman ito. Kailangan na muna niya ng magsasanay sa kaniya bago siya magtrabaho. May alam siya sa pagpapatakbo nito dahil sa kaniyang kurso, subalit wala pa siyang karanasan.
BINABASA MO ANG
HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)
RomanceMagmula nang magkaisip si Ruan, nangako siya sa sarili na balang-araw ay pakakasal siya sa natatanawang batang-babaeng nakadungaw sa durungawan ng bahay-hacienda sa Hacienda Velaya. Little did he know, they both shared the same sentiment; she was al...