KABANATA XXXVI

99 11 0
                                    

KABANATA 36

     SA LOOB ng apat na taon, marami ang nawala at nabago. Mas lumago pa ang mga negosyo ng mga Floresca; nagkaroon ng mga bago at lumawig ang saklaw. Lumawak din ang kanilang nasasakupang lupa, ang Hacienda Velaya. Ang kanilang kumpanya, ang Velaya, ay ang isa sa nagsu-supply ng asukal sa loob at labas ng bansa. Mas lalo na kasing lumawak ang taniman ng sugar cane sa asyenda nila. Gumagawa rin sila ng ibang produkto, katulad ng mga produktong gawa sa mais o sweetcorn, grapes, cocoa, coconut, pineapple, oil palm, oil seeds, at iba pa.

     Kalalabas lang ni Eva sa koprahan lulan ng kayumangging kabayo. Tinahak niya ang pilapil na magdadala sa kaniya sa bahay-hacienda. Nang makarating at maipasok niya sa kuwadra ang kabayo, sinalubong siya ng isa sa batang-lalaki niyang anak, ang bunso, si Rowann. Ang panganay na batang-lalaking anak naman niya—si Rohann, ay nanatili lamang sa kinauupuan nito na bench sa gazebo habang nakatingin sa mga halamanan. Mapait siyang ngumiti, matapos harut-harutin si Rowann na sumalubong sa kaniya, bumalik ang bata sa paglalaro at kinalalagyan nito kanina. Sinenyasan niya ang isang kasambahay na tingnan at bantayan ito. Iginiya niya ang mga paa at lumapit naman sa panganay niya.

     Rohann suffered a psychological condition called Selective Mutism, magmula nang masangkot sa isang aksidente ang pamilya nila, hindi na ito nagsalita pa. Kasama ng bata noon ang Tito Luan at mga lolo nito; si Don Lando, Ricarte, at Mang Larry. Pauwi na sana sila noon galing sa mansyon ng mga Chang—doon kasi ginanap ang kaarawan ng mga bata, pero sa hindi nila inaasahan, may bus na nawalan ng preno na siyang bumangga sa van na sinasakyan nila. Naka-survive ang lahat, maliban kay Larry—ang tatay ni Luan, ang pinaka-close na lolo ni Rohann. Hindi nakayanan ng lalaki ang matinding impact ng bungguan. Matindi ang pinsala nito sa ulo, nagtagal pa ito sa hospital ngunit hindi nito nakayanang maka-survive, mga organ sa loob ng ulo nito ang labis na tinamaan.

     Mag-iisang taon na rin ang nakalilipas magmula nang mangyari iyon. Makikita pa rin ang bakas ng insidente sa hitsura ng bata, nagkaroon ito ng palinyang peklat sa kilay nito. Sa kabila ng pisikal na sugat, mapapansin din ang sikolohikal na epekto ng insidente. Nang mamatay ang lolo-tatay nito—si Larry, kasama rin nitong namatay ang kasiglahan at kasiyahan ng bata. Magmula noon, hindi na ito nagsalita pa. Pinatingin nila ito sa psychiatrist at doon nila napag-alamang dumaranas ang bata ng sikolohikal na kondisyon na tinatawag na ‘Selective Mutism’.

     Hinagod ni Geneva ang likod ng bata, tumingin naman ang huli sa kaniya. Nakikita niya sa mata ng bata ang lungkot, hindi man nito magawang magsalita, ipinapahiwatig naman ng nangungusap nitong mga mata ang hindi maibigkas ng bibig nito. Bilang ina, nalulungkot siya sa sinapit ng anak. Hindi nito deserve na maranasan ang ganoon, walang taong dapat makaranas ng ganoon. Napakamasayahing bata nito noon.

     “Kumain ka na ba, anak?” Ngumiti siya kay Rohann. Tumango lang ito bilang tugon, malamig ang emosyong iniimprinta ng mukha, pagkuwa'y bumalik ito sa tinitingnan kanina. Hinagod-hagod na lang niya ang buhok ng bata, hindi niya nasawata ang sariling mapaluha matapos niyang kintalan ng halik sa noo ang anak at kabigin ito nang mayakap niya. Parang pinag-isa ang kanilang damdamin, damang-dama niya ang lumbay at kalungkutan ng anak.

     Pinakawalan niya ang bata, sinabihang umupo lang doon at hintayin siya. Iginiya niya ang sarili papasok sa bahay-hacienda, sinabihan pa niya ang isang kasambahay—bagong kasambahay na tingnan na muna nito si Rohann.

     Gusto niyang pasayahin ang anak, gusto niyang makita muli ang mga ngiti nito. Maliban sa mga tala na dati ay napansin niyang gustong-gustong pagmasdan ni Rohann, kahit noong bago pa ang insidente, madalas din niyang makita ang pagngiti ng anak sa tuwing dadalhin niya ito sa talon sa loob ng asyenda.

HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon